Kabanata 3

11 1 0
                                    

THE LOVE UNTOLD

"Kung iyon ang hiling mo Kennard. Ngayon gusto kong malaman kung ikaw ba ay tuluyang nasiraan ng utak upang sumuong sa Bloodwood." Tanong ni Hosea habang tinititigan nito nang matalim si Kennard gamit ng kanyang nangungusisang mga matang kulay birde. Isinalaysay ni Kennard ang nangyari sa kanya roon sa bloodwood. Ang tungkol sa tatlong lobo at scorpius. Siyempre naman inilihim niya ang tungkol sa paggamit ng kapangyarihan. Hindi dahil hindi nito pinagkatiwalaan si Hosea. Sadyang hindi pa siya handa at malaman ang totoo tungkol sa kanya.

"Iyon lang? Wala ka na bang aaminin sa akin? Alam kong nagsisinungaling ka sa akin Kennard; kitang-kita ko sa iyong mga mata."

"Kennard? May nilihim ka ba sa amin?" Tanong ni Althea.

"Huwag mong sabihin Kennard may makapangyarihan kang espada katulad ni Knight Gordon? Kung kaya natalo mo ang scorpius. Inilihim mo lang sa amin. Hindi ka tumakbo; hindi mo iyon katangian." Giit ni Clayforth at namimilog ang kanyang mga mata sa imahinasyon nito. Tuluyan nang nalason ang kanyang utak tungkol sa mga kuwentong likha ni Hosea.

"Tumahimik ka nga Clayforth. Labing anim taong gulang ka na at sineseryuso mo ang likhang kuwento ni Hosea."

"Minsa ang lihim na katutuhanan ay nakatago sa loob ng kuwento at awiting pambata. Kailangan mo lang arukin."

Kumunot ang noo ng magkakapatid at bago pa man sila makatanong ay dumating na si Deanerys na may dalang masasarap na pagkain para kay Hosea.

Matapos kumain ni Hosea; sila'y naglabasan. Inaalalayan ni Clayforth si Kennard dahil namimilipit pa rin ito sa pagtayo. Sumalubong sa kanila ang iba't ibang mukha ng babae. May maganda, pangit, mas pangit, at pinakapangit na mukhang nawawalang mga unggoy mula sa gubat ng Bloodwood.
Gayunpaman, hindi iyon naging hadlang sa magandang pagsikat ng gabi. Ang mga tala sa langit ay kumikislap; ang buwan ay nakasilip sa kanilang mukha at malamig ang ihip ng hangin na masarap langhapin. Sumasampal iyon sa kanilang mukha.

"Si Prinsipe Kennard." Wika ni Esang, isa sa mga babaing nagkandarapa sa kanya.

"Oh! Kennard! Mas lalo kang gumwapo! Ang makita ka ay langit." Ani ng isang babaing bihira lang niya nakita.

Hindi nga sila nagkakamali, sa tuwing natatamaan ng liwanag ng buwan ang buhok ni Kennard ay kumikislap. Para itong nagputong ng milyon-milyong alitaptap sa kanyang ulo. Tinakpan iyon ni Clayforth. Ayaw niyang pagpiyestahan ang kanyang kapatid. Marahil ayaw nitong bumuo ng sariling pamilya ang kanyang kapatid.

"Humakbang ka palayo Delya! Huwag mong subukang hawakan ang kapatid ko!" Banta nito nang akmang lumapit si Delya upang hawakan ang mukha ni Kennard.

Wala nang magawa si Delya kundi ang humkbang ng ilang metro; ayaw niyang masapak. Hindi nito alam kung bakit malaki ang galit ni Clayforth sa kanya. Wala naman siyang ginawa, kaya hindi niya mapigilang isipin na may gusto ito sa kanya. Kung iyan magkatotoo ay masusuka siya sa buong buhay niya at mahihito lamang iyon kung siya'y mamatay. Hindi naman sa kapangitan si Clayforth, bagkus kong hindi isinilang ang Kennard marahil siya ang pinakamagandang lalaki ngayon sa buong mundo. Ngunit gayunpaman, hindi niya gugustuhing maramdaman ang init ng mga bisig ni Clayforth.
Marahil magdedeliryo siya at iyon pa ang ikakamatay niya.

"Si Tekyo ay nagsinungaling. Hindi totoo ang kanyang pinagsasabi. Walang pinakamagandang babae maliban kina Deanerys, Althea at sa inyong lahat. Kayo na ang maghusga sa inyong sariling mukha. Nagpunta roon ang matapang na si Kennard upang mangaso at sa kasamaang palad ay nakasalubong niya ang tatlong lobo. Sa awa ng Diyos siya'y tinulungan upang matalo ang mga iyon at makabalik ng buhay. Alam na nating lahat na walang taong buhay ang nagawang makabalik maliban kay Kennard ." Nagpalakpakan ang lahat at parang binuhusan ng maginaw na tubig si Kennard.
Paano naman kasi lahat ng mata ay nakapako sa kanya at nakabakas doon ang pagkamangha. Unti-unting dumami ang mga taong gustong makinig sa kuwento ni Hosea. Maging matanda man, bata, lalaki o babae. Sila'y nagsidaluhan.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 05, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Son of WuirdWhere stories live. Discover now