Chapter 16

271 6 3
                                    

Chapter Sixteen || ©2013 by PurpleDreamerxx (mslotusbright). All Rights Reserved

--x

Ashley's Music

Matapos kong makausap si Lala ay nagpunta muna ako sa condo, nagisip-isip at nagpahinga. Hindi ko na alam ang gagawin ko, gulong-gulong ang utak at diwa ko. Kanina pa ako nag-iisip kung ano ba dapat ang gawin ko. Ayoko siyang saktan pero mas sasakit 'to pag pinatagal ko pa.

Buong gabi ay nilibang ko ang aking sarili sa pagla-laptop, nagbasa ng ilang story at nagasikaso ng mga paper works para sa school. Naalala ko na lang bigla ang cellphone ko dahil tumunog ang alarm ko na laging naka-set ng 5 in the morning. Inabot na ng umaga ang pagiisip ko ng sobra. Chi-neck ko ito saglit upang tingnan kung may nagtetext na ng mahalagang bagay.

Tatlo messages ang nareceive ko. Una kay Ashton na nagtatanong kung bakit hindi ko na daw siya nacontact kung uuwi na ba ako, pangawala kay Kirby na nagsasabing 'I am more than willing enough to wait until you'll be mine.' at ang pinaka-huli ay galing kay Elisse na nagreremind tungkol sa board meeting na gaganapin bukas.

Sa tatlong messages na ito ay wala akong napagdesisyunang reply-an kahit isa. Gising na gising parin ang diwa ko ngunit kailangan kong magpahinga. Alam ko sa sarili ko kung ano ba talaga ang dapat gawin pero ayokong lang aminin. Bahala na mamaya.

Ramdam ko sa aking mga pisngi ang init na nagmumula sa liwanag ng araw. Alas otso ng umaga. Late na ako sa meeting kaya nagmadali na akong nagayos sa aking sarili at sumakay sa kotse. Traffic na agad sa kalsada kaya wala akong nagawa kundi ang pagoovertake sa bawat sasakyan na maari kong maovertake-an. Dahil sa pagmamadali ko isang hindi magandang bagay ang nangyari, noong nag-signal na ang berdeng ilaw mula sa stop light ay mabilis na akong nagpaandar ng sasakya at hindi ininda ang parating na truck.

Sa sandaling iyon ay biglang nagliwanag ang paligid at tanging sigawan lamang ng mga tao ang aking naririnig.

Ashton's Music

"Goodmorning kayo ho ba si Sir Ashton?"

"Yeah why?"

"Gusto ko lang pong iinform sa inyo na naaksidente po si Ashley Rodriguez. Kayo na po ang tinawagan ko dahil kayo po ang nasa speed dial. Isususgod na po namin siya ngayon sa ospital inaasahan po namin ang inyong pagdating.." Damn! Of all the people na pwedeng maaksidente bakit siya pa?

Nagmadali akong pumunta sa ospital na pinagdalahan sa kaniya. Immediately I asked the information desk  kung nasaan ngayon si Ash at napagalaman kong  nasa emergency room parin siya kaya naman nandito ako sa may upuan na katapat ang pinto ng ER.

Maraming oras ang lumipas at ngayon lang lumabas ang doktor

"Mr. Ashton?"

"Yes po."

"Stable na p ang lagay niya ngayon at ililipat na po namin siya sa isang private room."

RELIEVED. Yan ang nararamdaman ng buong sistema ko. Agad akong pumunta sa private room na sinabi saaki ng doktor na pinagdalahan ni Ashley. Mahimbing siyang natutulog.

"Ash, heaven knows how much I care for you. Sana naman sa susunod mag-ingat ka dahil hindi ko alam kung anong pwedeng mangyari sakin kung maulit pa ito." Para akong baliw na kumakausap sa isang taong hindi naman ako naririnig. Hawak ko ng kanilyang kamay ng maramdaman ko ang kaunting paggalaw nito.

"Ashley?"

"S-sino k-ka? Na-saan a-ko?"

"Ha? A-ko 'to si Ashton."

"Ashton? Sino yun?"

Hindi ko alam ang dapat i-react, ilang saglit ding namayani ang katahimikan at inaasahan kong sasabihin niyang 'ginu-good time lang kita' o kaya naman 'joke lang' pero hindi ehh. Tinawag ko na lamang ang doktor na nagoobserba sa kanya at tinanong kung anong nangyayari.

Napagalaman kong nagkaroon siya ng partial amnesia dahil sa malakas na impact ng truck na nakabangga sa kanya kanina. Bakit ang sama ng pagkakataon sakin? Ipinaalam ko ito sa mga magulang niya pati na rin sa kuya niya na agarang dumating dito sa ospital. Sinabihan niya ako na umuwi muna para magpahinga. Gusto ko pa sanang magmatigas pero para na akong ginahasa sa itsura ko ng makita ang sariling repleksyon sa salamin.

Oras na makarating ako sa tinutuluyan ko ngayon ay napagtanto kong parang may mali. Hindi ko man alam kung ano ito pero nakakakaba.

:::::♥ .·:*¨¨* ≈☆≈ *¨¨*:·..·:*¨¨* ≈☆≈ *¨¨*:·♥:::::

Behind the Glasses [FIN]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon