23...

61 4 0
                                    

"Stop! Hon, ang kulit mo na naman!" Kanina ko pa pinapagalitan itong pasaway na ito, ang kulit-kulit palaging pinakikialaman ang mga gamit na nilalagay ko sa bag.



"Hon naman kasiii..." Reklamo pa nya habang nakanguso.


"Ano na naman?"


Kanina pa sya eh, nag-iinit na ulo ko sa kanya. Isang oras na akong nag-iimpake para sa outing namin bukas at itong asungot na 'to naman ay palaging kinukuha yung ibang damit ko at binabalik sa closet. Actually, that one hour was only consisted with our bickering about the clothes i wanted to bring and what she don't want me to bring.





"Ano ba naman kasi pagsusuotan mo nun? It's too-, er, just too revealing!" At napasimangot naman ito.



"Seriously, Rain?!" Argh! Konti na lang masasapok ko na sya!



Napipikon na talaga ako!


It's a freakin' sundress! Kahit mga shorts ko wala akong madala.


"Sino bang pinapaseksihan mo dun hah?! Kung gusto mo para walang makaistorbo sayo, di na ako sasama, and so you could bring the clothes you wanted to wear!"



Napahilamos ako sa kamay ko at lumabas na ng kwarto.

Ano bang problema nya?! Kainis!

Nagpunta na lang ako ng garden at nagpahangin, nabubwesit talaga ako sa kanya.

Andito lang naman kami sa bahay ngayon kasi nga we're packing for our trip to palawan. It was my dad's idea, he even invited her mom and grandparents along with her sisters and friends, syempre sama si Anne. It's been three days mula ng magkausap si Rain at ang pamilya ko, at first andami nilang issues and questions sa kanya but in the end they eventually accepted her. Mom and dad was happy about Rain habang si kuya naman ay palagi nya itong inaalok na mag bar kaya puro sapok natatama nya sakin.


Masaya ako't tanggap naman sya ng pamilya ko and now, sila pa itong nagmake ng way para makilala at mapalapit sa family ni Rain. They booked for a vacation daw ng dalawang pamilya tsaka gusto din kasi nilang magliwaliw.

"Hoy!"


Napatili ako ng maramdaman ko ang pagsundot sakin sa tagiliran.


"Kuya! Ang panget mo!"

"Ako? Sis, ang feeling mo, ikaw ang panget dahil ampon ka lang kaya." Mapang-asar na saad nya.

"Kaya pala..." Walang emosyon kong sabi.


"Na ano?" Ngiting-ngiti syang umupo sa tabi ko.



"Weird ka, ako hindi... Now i can rest." Pigil tawa kong sabi at napaismid pa ito.


"Tsk! Teka nga, ano ba iniisip mo at ang senti mong nakaupo dito sa damohan?"



Napabuntong hininga ako at naalala na naman si Rain. Urgh! Panget talaga yun!


"Si Rain bah?" Hindi ako nakasagot at tumawa pa ito. "Ano na naman bang pinag-aawayan nyo? Dumadalas na yang pagtatalo nyo ah."


Haayy...

True! We've been arguing since the time dad said na magbabakasyon kami nong isang araw. Binubwesit nya kasi ako!

"Ugh! Kasi naman, di ako makapag impake ng maayos dahil binabalik nya lahat ng nilalagay ko sa maleta namin. Baliw talaga sya!" Nanggigigil ako.



My Lady In White (gxg - girlxgirl)Where stories live. Discover now