Humanga sa Maling Tao

311 81 49
                                    

Sa labas pa lang ng paaralan ay nararamdaman na ni Junette na may kakaibang mangyayari ngayon.

“Junette! Junette!” sigaw ng kaibigan niyang babae nang magkita sila.

“Ano? Ano?” tanong ni Junette sa kanya. “Kumalma ka nga muna,” dagdag pa nito. “Hingang malalim, Mira,” aniya nang mapansing habol-habol pa ng kaibigan ang kanyang hininga.

“Maayos na ako,” nakangiting aniya. “Sino nga 'yong text mate mo?” tanong niya.

“Iyong crush ko?” tanong ni Junette.

“Oo, Jason ba 'yon?” tanong naman ni Mira.

“Oo, oo si Jason, bakit?”

“Katabi natin ang classroom nila!” Halata talagang tuwang-tuwa si Mira. “Ang gwapo niya pala talaga!” sigaw pa nito.

“T-Talaga? Tara-tara punta na tayong classroom!” masayang sabi ni Junette at halos patakbo naman silang nagtungo sa kanilang silid.

Pagkadating doon ay agad nilang sinilip ang katabing classroom. “Asan diyan?” tanong ni Junette.

“Ayon!” Tinuro ni Mira ang isang maputi, matangkad, gwapo at desenteng lalaki.

“Siya yan?” hindi makapaniwalang tanong ni Junette.

“Oo, Junette, ang swerte mo at nagkaroon ka ng ganiyang text mate,” kinikilig pang aniya.

Lumingon ang lalaki sa gawi nila kaya agad naman silang tumalikod na animo'y may pinag-uusapan.

“Hindi ko inaakalang ang gwapo niya.” Napailing pa si Junette matapos sabihin iyon.

“Ako rin, Junette!” sagot ng kaibigan.

Umingay ang buong paligid hudyat na magsisimula na ang klase kaya naman natigil na rin silang dalawa sa pag-uusap at agad pumasok sa kanilang silid. Samantala, lutang naman buong umaga si Junette dahil nakita na rin niya sa wakas ang kaniyang text mate.

***

Nagdaan ang maraming araw at lagi niya nang nakikita si Jason dahil magkatabi lang naman ang silid nila. Isang araw, naatasan si Junette na pumila para bumili ng pagkain nilang magkakaibigan.

“Earl, ikaw naman ang pumila.” Rinig niyang sabi ng isang lalaki.

“Aray ko!” reklamo ni Junette nang may biglang bumangga sa kaniya.

“Itinulak kasi ako, pasensya na.” Humingi naman ito ng tawad, ngunit kunot-noo pa rin siyang nilingon ni Junette.

“Pasalamat ka dahil hindi ko pa bitbit ang pagkain na—” Napatigil siya sa pagsasalita at agad na tinalikuran ang lalaki. Hindi niya kasi inaakalang si Jason ang nasa likuran niya.

‘Ang gwapo niya talaga sobra!’ sabi pa ni Junette sa kaniyang isipan.

“Bilisan mo, Earl!” sigaw ng lalaki.

“Maghintay ka, baliw!” sigaw naman ng lalaki na nasa kanyang likuran.

Kumunot ulit ang noo ni Junette sa narinig at saka napaisip. Earl ang pangalan ng lalaking nasa kaniyang likuran at hindi Jason? Ibig sabihin hindi siya iyong ka text niya?

Nagbalik lang sa sarili si Junette nang iabot na ng Tindera ang kaniyang order. Naguguluhan naman siyang bumalik sa pwesto nila.

“Mira, si Jason ba talaga 'yong itinuro mo noon?” tanong niya.

“Oo naman, bakit?” tanong ng kaibigan.

“Narinig ko kasi Earl ang pangalan niya at hindi Jason,” aniya.

Humanga Sa Maling TaoWhere stories live. Discover now