1 : Knowing the Legend

4 0 0
                                    

K N O W I N G   T H E   L E G E N D


3rd person's POV

Maagang nagising at aligaga ang mga kasambahay na mga nasa trentang tao sa bahay ng mga Mendiola habang ang unico hijo naman ay mistulang tulog pa.

"Opo maam.. Heto na nga po't ginigising na pero ayaw pa po talaga.. Opo heto na po.. Opo opo!"

Napaupo na lang si Manang Baby dahil sa pagkahapo

"Hay nako sir Grei! *katok katok* gising na daw po!! Maaga raw ho kayong pumunta duon sabi ng mama nyo!"

Sigaw nito habng nasa labas ng kwarto ng anak ng amo nila. Madaling araw na kasing umuwi kagabi ang binata kaya't hanggang ngayo'y tulog pa rin ito

"Mawawalan talaga ako ng trabaho"  pa iling nitong sabi

"Manang Baby pakiayos na daw po ang agahan ni sir sabi ni mam" Banggit ng isa pang kasambahay kaya tumuloy na rin sa gawain ang Manang.

Sa kabilang banda, sumama naman ang awra ni Grei dala na ng panggigising ng yaya nila sa kanya.

Napahawak na lang sya sa kanyang sentido "Ang ganda nga ng kwarto ko, bawal naman matulog ng matagal. Makaligo na nga"

Tumayo ito habang pailing iling patungo sa banyo ng kanyang kwarto.

Hindi na bago sa pamamahay ng mga Mendiola ang ganitong set up

Nakadagdag pa rin siguro sa hirap at bigat ng atmosphere sa bahay ang pagiging abogado ng parehong amo nila kaya't dapat lahat ay nasa tamang lugar.

Ilang minuto lang rin ang itinagal ni Grei sa pagliligobat dumiretso na sya sa hapag kainan.

"Good morning sir!"

Bati ng ilang batang kasambahay na halata namang may gusto sa amo nila

Hindi sila pinansin ng binata at tumuloy lang.

"Nakakagutom kaya" bulong nito sa isip.

"Putangina!"

Halos matigil ang lahat ng marinig nila ang amo nilang sumigaw kaya't dali daling naglapit ang iba sa ngayong nakapamewang na Grei

"Manang hindi ba't sinabi ko ng ayoko ng itlog na malasado? Ah! Ayoko na, sa labas na lang ako mag aalmusal!"

Tinalikuran sila nito kaya't wala silang magawa kung hindi ligpitin ang pinaghirapang agahan ni Manang Baby.

"Ayos lang po yan manang! Ang gwapong ako na lang po ang kakain!"

Pagpapagaan ni Earl (isa sa mga boy sa bahay) sa sitwasyon

"Hay nako Earl, wag ka ng umiskor dyan kay Manang Baby para kay Anne. "

"Oo nga kuya Earl! Wala kang pag asa dun!"

"Alam nyo kayo"

Nilapitan sila ng asar na asar na Earl

"Akala ko kaibigan kayo! Mga wala kayong suporta sa gwapo nyong kaibigan"

"Kaibigan lang men, hindi gwapo"

At sa isang iglap napagaan ni Earl ang pagkalungkot ni Manang Baby dahil sa ginawa ni Grei sa pinaghirapan nito.

Si Earl ang isa sa mga boy o katulong sa paglilinis ng bahay na nanliligaw sa nag iisang anak ni Manang Baby, pero sa kasamaang palad ay dalawang taon na itong tulog sa hindi malamang kalagayan.

Masiyahin ang mga kasambahay sa pamamahay ng mga Mendiola, tanging kapag may amo na nasa bahay lamang sila tumatahimik at nagpapakaseryoso.

Syempre, bukod sa mga baguhang katulong na hindi mapigilan ang pagkaharot tuwing nandyan ang unico hijo ng kanilang amo.

Chasing single menWhere stories live. Discover now