Chapter 1

48 3 3
                                    

Chapter 1

“Via , dalian mo naman dyan . Magpupunta pa tayo sa Mall ! ” Tss. Bakit ba kasi ako nagkaibigan ng ganito kakupad na babae ?

Ang bagal to the power of ten -___- Ang lakas ng loob nyang paghintayin ang isang Irish Summer Dee dahil lang sa gamit nya . Ang yaman ko tapos taga-antay lang ako ng isang taong sobrang bagal kumilos. Nice naman diba ?

“Sorry Bhestie >_< Ang gulo na kasi talaga ng utakers ko eh. Tara na ?” K. Fine ? Ano pa nga ba magagawa ko ?

“Manong Phil ! Sa mall po tayo.” Sigaw naman ni Via habang naglalakad kami sa parking lot ng Clarkson Academy. Habangbuhay na syang maingay -___-.

Kinuha ni Manong Phil yung gamit namin ni Via at pinagbuksan kami ng pintuan ng kotse. Pinauna naman ako ni Via pumasok ng Kotse . Malamang ako may-ari neto eh. =_______=

“ Young Lady , matagal po ba kayo sa mall ? ” tanong ni Manong Phil sa akin habang nagdrive sya. Tinignan ko sya gamit yung salamin sa kotse. May bahid ng lungkot sa mga mata nya.

“Bakit Manong Phil ? May nangyari po ba ? ” tanong netong si Via. Pinanlakihan ko lang sya ng mata .

“Manong Phil don’t call me Young Lady. Ang girl masyado. Teka , Meron nga po ba Manong Phil ?” tanong ko naman sa kanya . Lumingon sya sa akin na puno ng ayaw pumatak na luha nya. Ano bang nangyari ?Ngayon ko lang nakitang ganito kalungkot si Manong Phil e. Dahil kaya sa pagmamaldita ko ? Teka di ko naman sya pinagmamalditahan e.

“Kasi po, ngayon po ang graduation ng anak ko. ”

“Si Princess po ba ?” tanong ko sa kanya, lahat ng anak nya kilala ko . Hindi dahil sa nakikita ko sila sa mansion, pero dahil lagi ko silang tinatanong kay Manong Phil. Parang tatay ko na rin si Manong Phil kasama sya sa mga nagpalaki sa akin dahil wala lagi sa bahay ang magulang namin ni Kuya . Or should I say they never been in our house. It’s still a big deal for me , pero para sa kapatid ko di nya na yun iniintindi pa.

“ Opo ” simpleng sagot nya pero halatang nahihiya sya sa hinihingi nyang pabor sa akin.

“ Okay lang naman po Manong Phil. I don’t want you to disappoint Princess like what my parents did to me. ” Sa totoo lang , sa Telepono ko lang nakausap ang mga magulang ko. At sa mga picture ko lang sila nakikita. I know my life is boring at walang saysay, Pero thankful parin ako dahil nandyan parin si Manong Phil , si  Via , si Kuya at yung mga taong nagaalaga sa amin ng kapatid ko.

“Anak, mahal ka parin ng mga magulang mo.” Napabuntong hininga nalang ako sa sinabi ni Manong  Phil, iyon ang lagi nya sa akin ipinapaalala.

“Sana nga po ganun nila ako kamahal , katulad ng pagmamahal nyo kay Princess.”

“Mahal ka ng buong pamilya ko. Nagpapasalamat din ako dahil lumaki ka pa ding mabait na bata sa kabila ng mga pinagdadaanan mo.” At dyan na naman ako naiiyak dahil sa pamilya na yan. Itinuturing ko na Ama si Manong Phil. Kaya importante din sa akin ang importante sa kanya.

“ Sige na Manong Phil. Ibaba nyo lang kami sa entrance ng Mall and then you can attend na yung Graduation ni Princess” then I smiled to him.

“Salamat , Anak.”

“Sige po Manong Phil ako na pong bahala dito sa alaga nyo. Magcocommute nalang kami. ” Sabat naman ni Via.

The Dare I Loved Most ♥Where stories live. Discover now