✧✧ prologue

160 11 6
                                    

Kung may problema ka, sino ang tinatakbuhan mo? Sino ang kasangga mo? Sino ang iniiyakan mo?

Kahit pa man hindi ako mind reader, alam kong ang best friend mo ang pumasok sa iyong isipan.

Lahat naman ata tayo may mga kaibigan, 'di ba? Kahit gaano pa ka-introverted ang isang tao, hinding-hindi pa rin mawawala sa eksena ang mga hinayupak nating kaibigan. Madalas sila ang nasa taluktok ng death list natin. Kung legal lang ang manaksak, siguro sila ang ating unang biktima.

Pero kahit nakakagago sila, isa sila sa mga pinakamahalagang tao para sa'tin. Sila ang mga krayons sa mala-coloring book nating buhay.

Ngunit gayunpaman, nasa nature na ng tao ang hindi pagkakakuntento sa kung mayroon sila.

Am I right or am I super right?

Huwag na kasing mag-deny. Alam naman nating lahat na kahit may mga kaibigan na tayong nagpapasaya sa'tin, naghahanap pa rin tayo ng iba pang source ng joy. In short, kumekerengkeng tayo.

Guilty ka? Don't be. Normal lang sa tao ang magka-crush o magmahal. Wala kang ganoon? O, e 'di abnormal ka.

Pero seryoso, ganoon naman talaga. Darating ang oras na may taong bibihag sa'tin, paaasahin tayo, at kapag nahulog na tayo, hindi tayo sasaluhin.

Teka, hindi ko gine-generalize na lahat ng tao paasa. Buset, hindi ako ang kontrabida dito, a! Ako ang bida! I am the puta—ay este protagonist.

Okay, balik na tayo sa pinag-uusapan natin.

So, in conclusion, isa sa mga nagbibigay saya sa'tin ang ating kaibigan at ating minamahal.

Isa? Dalawa ata.

A, basta intindihin niyo nalang.

Kaya bigyan natin ng halaga ang mga taong ito kasi sila ang mga nagpapaligaya sa'tin.

The end.



'Di, joke lang!

Ang bawat storya ay may twist, kabilang na ang sa'kin.

Malamang, may magbabasa ba kung walang kalatoy-latoy ang story ko? Common sense naman, bes.

Uy, don't hate me. Masyado akong maganda. Charaught lungs.

Okay, okay! Medyo naiinip ko na ata kayo.

Here it goes.

Dahil sa minsang pagkakamali ng tadhana, naging pretzel ang buhay ko. Paano? Bakit?

Well...

I love a certain guy.

But my best friend also loves this guy.

So both of us love the same freakin' guy.

Nakakalito ba? Okay, i-simplify ko.

May mahal ako kaya lang, mahal rin siya ng best friend ko.

Saklap, 'di ba?

Ayaw ko man itong gawin pero kailangan kong mamili sa dalawang taong nagpapasaya sa'kin.

Will friendship win over love?

Or F.O. na ba this?

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

feigning feelings for finn ✧✧ vsooTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon