18

25.7K 719 124
                                    

18

***

Parang tanga si Thunder. Grabe yung tingin na binibigay niya kay Tanddy! What's wrong with him? Ang sarap ipakain sa gorilla eh.


Inirapan ko lang siya at niyakap ng mahigpit and the teddy bear. Don't worry, Tanddy. I'll protect you.


"Can't you just eat without hugging that stupid bear?" naiinis niyang sambit.


Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy lang sa pagkain. Kanina pa siya nagta-tantrums tungkol sa teddy bear ko. Ewan ko ba, hindi naman siya inaano ni Tanddy eh.


Hindi ko pa tinatanggap ang sorry niya. Hindi pa kami bati. Dahil sa kanya muntik na akong mapahak kay Daddy.


"Can't you mind your own business?" naiirita kong tanong pabalik sa kanya.


Hinampas niya ang sementong mesa. Napasinghap ako nang bigla nitong kunin sa akin si Tanddy.


"You are my business, Zeleny. Just fúcking eat or I'll throw this stupid bear!" pagbabanta niya.

Tumili ako sa inis nang matagumpay niyang naagawa si Tanddy sa yakap. I can't believe this jerk! Can't he just leave my bear alone?!


"What the hell, Thunder?! Give it back! Kung naiingit ka sa teddy bear ko bumili ka!" pilit kong inaabot si Tanddy sa kanya.


At dahil mas matangkad siya sa akin ng ilang talampakan, hindi ko nakuha si Tanddy. Sinuntok ko siya sa dibdib pero ang unggoy, hindi man lang natinag. Ako pa ang nasakitan dahil sa tigas ng dibdib niya. Is he made of stone or what?


"Ikaw, may kasalanan ka pa sa'kin ha? Tapos ngayon dadagdagan mo pa!"


"What? What did I do?" his brows met.


"Alam mo bang muntik na akong maground dahil sayo! Naabutan pa tayo ni Mommy kagabi. Kung si Daddy pa ang nakakita, baka pinaglalamayan ka na."


"Oh..." was his reply. Natulala pa ito ng ilang sandali at ngumisi.


Lah, baliw na siya. 

"Hoy! Narinig mo ba 'ko?"


"Yes. I heard you, babe. So what?"


What? So what? Eh kung ipa-SWAT ko siya ngayon nang malaman niya kung gaano kaimportante na di ako ma-ground ni Dad. Tapos wala lang sa kanya?


"Eat or I'll throw your bear."


Kanina pa niya akong pinipilit na kumain ng mga pagkain na binili niya. Eh sa ayoko nang kumain eh. Hindi ako ginaganahan kapag nakikita ko ang mukha niya.


Di nga?


Bwesit! Basta nakakawalang gana.


I glared at him at pinilit na kinagat ang ulam na binili niya para daw sa akin—grilled steak.


"There! Happy? Kinain ko na! Now give Tanddy to me."


"No."


My mouth agape at his response. What's his problem? Konti nalang lalayasan ko na siya dito. Makuha ko lang si Tanddy, I swear I will fucking run away from him. Napipikon na ako, really.


Stupid kulog. Tamaan ka sana ng kidlat.


Matapos niya kaming istorbohin dito sa garden ni Tanddy at pilitin na kumain ng pagkain na dala niya na hindi ko naman gusto, siya pa ang magagalit? Kapal ng mukha. Hindi ko alam kung anong trip niya at dikit nang dikit siya sa akin.


I stopped eating and looked at Tanddy who's seating pretty lonely and scared besides Thunder, while the latter's now glaring at me. Parang may ginawa akong krimen. Anong problema nito?


"What? I was just looking at him!" I exclaimed defensively.


I started forcing in eating again when he ignored me. This food's pretty good though. Saan kaya nabili 'to ni Thunder? Ni hindi ko na namalayan na naubos ko na ang lahat. Ganun ba ako kagutom? Sabagay, nakakagutom naman talaga yung pang-aaway ko kay Thunder. Ang kulit eh. Ang laki ng problema sa mundo.


"Happy now? Give Tanddy back." I raised my left eyebrow at him at akmang aabutin na si Tanddy ay mabilis namang nahablot ni Thunder ito.


Now, what's his problem? Tapos ko nang lamunin 'yung dala niya ah. Hindi pa siya kontento? I rolled my eyes. He's being ridiculous.


"Thunder, seriously... I still have class, give Tanddy back to me." I said boredly.


Sinubukan ko ulit na agawin ang teddy bear but this monkey's too much of a jerk! Mas lalo niyang nilayo si Tanddy sa'kin at nakangisi lang ng may halong tuwa at pang-aasar.


You think this is funny, huh?


Hindi ko na nakayanan ay padabog na akong tumayo at mabilis na naglakad palayo sa unggoy na yun. Bahala siya sa buhay niya. Nakakairita siya. Mamaya ko nalang babalikan si Tanddy. I can't bear being with Thunder's presence right now.


Nakakainis!

"Zeleny! Wait! I'm sorry!"


Hindi ko pinansin ang pagtawag niya sa pangalan ko sa kalagitnaan ng corridor. Bahala siyang mapahiya diyan. Ang lakas pa naman ng boses niya kaya pinagtitinginan siya ng mga estudyante.


Tumakbo na ako nang mabilis para hindi niya ako mahabol. Pikon na pikon na ako sa kanya. Hindi naman ako ganito kapikon kapag nag-aasaran kami ni Kuya eh. Iba lang siguro ang level ng pasensya ko kay Thunder.


I sighed deeply when I felt a hand on my elbow, stopping me from running.


Nahabol na pala niya ako. I didn't face him at tried to remove his grip in my arms. I faced him to give him a dagger look. Napipikon na talaga ako sa kakulitan niya.


"Hey, I'm sorry."


"Ano ba, Thunder?! Pwede ba iwasan mo muna ako? Nakakairita ka na eh." I said sounding waspish.


"I'm sorry. Here," inabot niya sa akin si Tanddy. Pero hindi ko ito tinanggap at nag matigas na iwasan siya. Hinawakan niya ang mukha ko kaya mas lalo akong nairita.


"Ano ba!" Hinawi ko ang kamay niya.


But as hard headed as he is, pilit niya pa rin inaabot ang mukha ko para makulong ito at iharap sa kanya. My cheeks squeezed between his hands.


"I'm sorry. I was just teasing you." with a puppy eye he said. I want to cringe at his gaze, hindi bagay sa aura niya na may pagka-bad boy.


I didn't reply. I was just glaring at him.


Later on, napansin ko ang pagbaba ng kanyang mukha para sana abutin ang labi ko, but I quickly dodge at his attempt. Ang pisngi ko ang nahalikan niya.


Manghahalik pa ang gago. Why the hell am I letting him kiss me in the first place anyway? Kelan pa ako naging easy to get? It's not like he's my boyfriend or,  atleast...courting me.


Inagaw ko sa kanya si Tanddy at tumakbo nang mabilis— like how my heart is beating right now.



Damn you, Thunder.


Something's wrong with my heart beat. Maybe I need a check up? But it only happens with Thunder. Maybe, highblood ako kaya ang lakad ng heartbeat ko? Kasi lagi akong naiinis sa kanya. 

Right.


Maybe, that's it.



High blood ako.




***
© iorikun xx filler lang. di ako muna ako magfo-focus dito.

HisTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon