[3]

6K 270 46
                                    

(LANNAH'S POV)

"Ma'am Ava, here's your---"

Naputol ang sasabihin ko nang makitang nakikipaghalikan sa isang lalaki si Ava. Nahinto rin sila sa ginagawa nila nang marinig ang boses ko.

"Ooops. Sorry." Saad ko sabay taas ng dalawang kamay ko at lumabas na ng opisina ni Ava.

Pagkalabas ko'y dumiretso ako sa opisina ko. I mean, sa opisina ng mga sekretarya ng mga writers. Hindi lang naman kasi si Ava ang writer na hawak ng OIAM. Sampu sila. Lahat ng writers dito ay may kanya-kanyang opisina. Ang mga sekretarya naman ay may iisang opisina.

Sa sampung writers na nandito, si Ava lang ang madalas na nasa opisina niya. Doon niya kasi ginagawa ang manuscript niya. Samantalang ang iba'y sa kani-kanilang mga bahay at ang iba naman ay dumadayo pa sa iba't ibang mga lugar. Kaya naman tinatawagan lamang nila ang mga sekretarya nila kung kailangan nila ito. Hindi katulad ni Ava na kailangan lagi akong nandito.

"Looks like a faculty room." Sabi ko nang makapasok na ako sa loob ng opisina.

Sampung lamesa ang nandoon pero ako lang ang tao.

"Nice." Saad ko at tinungo na ang magiging lamesa ko.

Umupo ako sa upuang nandoon at pinagkrus ang mga hita ko.

"Nagdadala pala si bakla ng lalaki sa opisina niya." Wika ko habang nilalaro ang ballpen na hawak ko.

Napailing na lamang ako at hinintay na tawagin ni Ava. Ilang minuto ang lumipas, tumunog ang telepenong nasa lamesa ko. Konektado ang teleponong ito sa opisina ni Ava.

"Hello." Sabi ko.

"Pumunta ka na dito sa opisina ko." Saad niya at mababakas sa boses niya na mainit ang ulo niya.

Yun lamang ang sinabi nya at binabaan na ako ng telepono.

"Moody." Bulong ko bago tumayo at tinungo ang opisina ni Ava.

"Good morning---" bati ko nang makapasok na ako sa opisina niya pero agad naman niyang pinutol.

"Walang good sa morning." Saad niya habang hinihilot ang sentido niya.

Hindi na lamang ako umimik at naglakad na papalapit sa kanya.

"Sa susunod nga matuto kang kumatok." Inis niyang wika sa akin.

Napakamot muna ako sa batok ko bago sumagot.

"Ahmm sorry. Akala ko kasi---"

"Maraming namamatay sa maling akala." Saad niya sabay irap sa akin.

"What's my schedule for today?" tanong niya sa akin.

"You have an emergency meeting with the investors today. You only have..."

Hindi ko muna tinapos ang sinasabi ko. Tumingin muna ako sa wrist watch ko.

"You only have 10 minutes to prepare for that meeting."

"WHAT?!" bulyaw niya.

"10 minutes? Are you f*ckin' kidding me? Bakit di mo agad sinabi?" sunod-sunod niyang tanong.

Huminga muna ako ng malalim bago siya sinagot. Baka kasi pag di ko ginawa yun, masapak ko na talaga siya.

"Rhian texted me about this an hour ago at yun dapat ang sasabihin ko sa'yo pero busy pa kayo ng boyfriend mo---"

THE GAY WHO FELL IN LOVE WITH A LIARTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon