Chapter 11

6.1K 199 4
                                    

Amaya's POV

Virgo is messing up in the kitchen.Kanina na nya ako ini-istorbo sa ginagawa ko.

Pareho kaming hindi pumasok ngayong araw..hindi ko alam kung ano ang meron basta ang sabi nya sa akin..mamayang gabi,may event daw na magaganap sa loob ng VDV Advertising Industry.And he wants my presence there.

Nakahanda na nga ang gown na isusuot ko..kailangan ko daw isuot yun dahil especial ang event na dadaluhan namin.

"Virgo,ano ba!"

Singhal ko sa kanya.Kasi this time pinahiran na naman nya ng icing ang mukha ko!

Nag'bi-bake kasi ako ng cake dahil wala na akong ibang maisip gawin.Pero hindi na nga matapos-tapos dahil itong isip-batang kasama ko..ang kulit!!!

Tinawanan lang nya ako.Nilingon ko sya pero muntik na akong mapasigaw nang yakapin nya ako mula sa aking likuran at bahagyang inikot-ikot sa ere.

Ano ba ang nangyayari kay Virgo?Kahapon ko pa napapansin na sobrang saya nya.Akala ko nga nababaliw na eh kasi panay ang panghahalik sa akin.Tapos kung makatitig halos mauupos na ako sa lagkit ng kanyang tingin.

Ibinaba nya ako sa may sala at hinilang pahiga sa carpeted na sahig.Wala na yung cake ko..napabayaan ko na sa kusina.

Magkatabi kaming nakatihaya sa sahig habang nakatutok sa kisame.Maya't-maya ay naramdaman ko ang kanyang kamay holding my left hands.

Dinala nya iyon sa ibabaw ng kanyang dibdib bago huminga ng malalim.Bumilis tuloy ang tibok ng aking puso dahil sa ginawa nya.

"Amaya..."

"Mmm?"

Tanging sagot ko habang pinapakalma ang aking sarili.Dahil pakiramdam ko ay hihimatayin na ako sa sobrang kilig!

"Nagkaroon ka ba ng boyfriend kahit minsan?"

Natigilan ako sa kanyang tanong.

"Hindi."maikli kong sagot.

"Why?don't tell me na wala kang manliligaw?"

Napalunok ako ng mariin.Ano ang isasagot ko?dahil sa kanya lang tumitibok ang puso ko?

"Nag-focused kasi ako sa pag-aaral."yun nalang ang nahanap kong sagot.

"Anong hinahanap mo sa isang lalaki?"

"W-wala..kung gusto nya ako tapos gusto ko rin sya...basta magkasundo kami,yun na yun."waaah!ang gulo ng sagot ko!

Tumagilid sya ng higa paharap sa akin at hinila din nya ako paharap sa kanya.Then our eyes met.

"Nagkaroon kana ba ng prince charming mo kahit man lang sa panaginip?"

Tumango lang ako bilang sagot.

"What he looks like?"

Marahan kong pinag-aralan ang kanyang mukha.Ang mukha na kaytagal nang nakaukit sa aking imahinasyon.

"It's look like...you."napakurap ako.Nasabi ko ba yun ng harap-harapan?

Napansin ko ang pagliwanag ng mukha ni Virgo at pagsilay ng nakakamatay na ngiti.Oh god!hindi ko naba pwedeng bawiin?

"I like you,Amaya."

Napalunok ako ng isang beses..ng dalawang beses hanggang pangatlo pa!Nasaan ang boses ko?

Ipinilig ko ang ulo at kumurap ng makailang beses...pero gising ako at totoong  nasa harapan ko si Virgo.

"M-may sinabi ka?"gusto ko lang makasiguro.

Minsan,ika'y naging akinWhere stories live. Discover now