Tinatanong ni Dan kung kamusta na kami ni Arvin. Ang kulit niya, as in he’s pressing for every detail of our relationship. Pakiramdam ko he’s competing with Arvin. Buti nalang at hindi kami late at saktong-saktong sa time ang dating namin sa school. I wanted to explain to Arvin kanina pero binaba na niya ang tawag, magre-review daw pala siya. Nagtatampo siguro.
Wala akong balak magpahatid sa kanya pauwi pero mapilit siya, after all, tinatamad na ako maglakad.
“Masaya ba kayo ni Arvin?” unang tanong ni Dan. Oh gosh, wrong idea nga na pumayag akong magpahatid sa kanya.
“Of course, bakit mo naman natanong?”
“Wala lang,” sabi niya na parang hindi siya apektado.
“Nag-away ba kayo?”
“Hindi,” tipid kong sagot. What details does Dan want?
“Hindi ako naniniwala,”
Naiinis ako kay Dan, ang kulit niya. Parang nananadya eh.
“Ano ba’ng gusto mo, Dan?!” tanong kong masungit.
“Ikaw.”
I felt my butterflies in my stomach flip. No, I should kill them.
Awkward moment of silence.
I don’t have feelings for Dan. I don’t love him anymore.
Tahimik lang kami hanggang sa tumigil ang sasakyan niya sa tapat ng bahay ko. I swear, this is the last time na magpapahatid ako sa kanya.
Nahihiya na ako kasi pinayungan pa niya ako noong binubuksan ko ang walk gate ng bahay namin. As usual, walang tao ang bahay. Bakit ba kasi sobrang maulan ngayong June?
Pinapasok ko muna si Dan at niyaya kong magpatila ng ulan kahit ayaw ko naman talaga. I’m doing this for courtesy, not something else. Pakiramdam ko, ang sama-sama ko naman kung hahayaan ko lang siyang mag-drive na ganito kalakas ang ulan.
“Colleen, masaya ka ba kay Arvin?” tanong niya bigla at seryoso. Hindi ko matitigan nang diretso ang mga matang niya. Bakit natatakot akong tumitig sa kanya at sa mga singkit na matang iyon?
“Dan, do you care? Should you care? You are my ex-boyfriend!” sagot ko sa kanya. Nakaupo siya sa sofa namin at naglakad ako papuntang kusina. Hanggat maari, gusto kong umiwas sa kanya.
Alam kong masasaktan siya sa mga sinabi ko pero ito lang ang magagawa ko. Para tigilan na niya ako.
Hinawakan bigla ni Dante ang kamay ko. Sinundan na pala ako ng loko.
“Dan, please. Let me go, now.” sabi ko. Nakatingin lang ako sa kanya. Ang higpit ng pagkakahawak niya sa akin.
“Ayaw ko na, nagsisi ako na pinakawalan na kita dati pa, Colleen.” tiningnan niya ako sa mata. Bigla akong kinabahan.
Dan! ‘Wag ka ngang ganyan!
Minsan, parang ang sarap ibalik ng dati. Nalulunod ako sa sweetness niya.
“Kinakabahan padin ako kapag kasama kita, kabado ako na masaya na parang ewan, nakaka-high!” sabi niya. Napangiti naman ako. Iyon din ang nararamdaman ko kapag kasama ko siya, pero dati pa iyon.
Ngayon? Minsan, ganoon padin ang pakiramdam. Ang weird.
Aaminin ko, I still feel the same, pero hindi na siya ang boyfriend ko.
“Colleen, alam mo namang mahal padin kita ‘di ba?” tanong niya.
Kahit hindi naman niya sabihin, ramdam ko parin.
BINABASA MO ANG
Endless Second Chances (Book 2 of My Firsts With Him)
ChickLit"Everyday is a second chance." Book 2 of MFWH -- Genre: Romance, New Adult Language: Taglish Status: Completed Year Completed: 2014