You're Last Gift

56 5 1
                                    

(A/N: Inspired si author by alyloony kaya sa kanya ko idinededicate ang kwentong ito. Ang ganda ng "Last Dance" nya which is also a short story. Nirerecommend ko po iyon sa inyo. Happy reading.)

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Pinunasan ko naman yung laway na naka-singit sa bibig ko. Kinusot-kusot ko yung mata ko bago pinatay ang alarm. Nilibot ko ang tingin ko sa kwarto ko. Isa lang rin ang masasabi ko...

Late na ako.

Tumayo na ako sa kama at hinawakan ang balakang. Ang sakit ng likod ko. Ikaw ba naman kasi na matulog sa ke-tigas tigas na papag, sinong hindi sasakitan ng likuran. Pagkaayos ko ng banig namin, dumeretso na ako sa banyo at naligo.

Sinimot ko pa yung shampoo na nasa isang limang pisong sachet. Kinuha ko naman yung bareta namin na nagsisilbing sabon sa katawan. Wala akong magagawa, mahirap ang buhay kaya kailangang magtiis.

Pagkatapos nun, sinuklay ko na yung buhol-buhol kong buhok. Letse kasi, hindi namin afford ang conditioner. Nagbihis na ako ng uniform ko na...naninilaw na. Marupok na rin ang tela at kayang kaya mo itong pilasin.

Yung palda ko naman, akala mo pangkinder sa ikli. Hindi dahil sa maikli talaga ang uniform namin, kundi dahil ang ikli na ito para sa height ko. Wag kayong mag-alala, malapit na 'tong maging above-the-knee.

Yung sapatos ko naman, gutom na. Nakabuka na yung harapan. Okay lang yan, walang pambili eh. Pasensya na rin ah, wala rin akong medyas, maliliit na sakin eh.

Binitbit ko na yung lasog-lasog kong bag at bumaba na. Naabutan ko naman si Mama na kumakain na.

"Oh Ken! Kain na anak."

Nginitian ko si Mama. Yes, Ken ang name ko. Keniella Mae Dela Cruz.

"Pasensya na anak ah, dalawang pisngi na lang ng pandesal ang natira sayo. Yung Kuya mo kasi, apat ang kinuha. Tigatlo dapat tayo."

"Okay lang po nay."

Tahimik akong kumain at nung nakatapos na ako, nagpaalam na ako kay Mama at nagmartsa palabas ng bahay. Mabuti na lang at walking distance lang ang school, makakatipid pa ako ng pamasahe.

Napadaan ako sa may basketball court ng barangay at napatitig ako sa mga players lalo na sa naka-jersey 3.

Terrence Jerome Duldulaw

Pasensya na sa apelyido.

Ang three-year basketball crush ko. Kingina kasi eh, ang gwapo. Pero oy, magkaibigan kami nya.

Ako, mahal ko sya.

Sya, kaibigan nya lang ako.

"Ken! Papasok ka na ba?"

Tila bumalik ang diwa ko sakin at nagtatalon ang puso ko nung tinawag nya ako.

"Ahh eh...oo eh. H-hindi ka ba papasok?"

"Mamayang lunch pa. Half day ako."

"Ahh o-okay, s-sige...una na ko. Bye."

"Wait.!"

Nagulat ako nung lumapit sya sakin at inakbayan ako. Hayy! Ang bango bango nya talaga at ang hot pa. Hihi!

"Ihahatid na kita muna."

"P-pero..."

"HOY DULDULAW! IIWAN MO YUNG GAME?!"

You're Last Gift ✔️Kde žijí příběhy. Začni objevovat