Anim

69 10 12
                                    

Z E U S
"May patay! May pataaaay! Kyaaah" kumakain ako ng lunch ng marinig ko ang sigaw na iyan kaya di ako nagdalawang-isip pa na puntahan ang pinanggalingan nito

Nakita ko ang kumpulan ng mga taong nakiki-tsimis sa nangyari pero nagulat ako ng makita ko sila Hypnos na tinitingnan ang bangkay at maya-maya pa ay sumigaw sya ng

"Tumawag kayo ng pulis!Wag kayong tumanga dyan" galit na sigaw ni Hypnos, yung iba ay nataranta at agad na tumawag ng pulis at ang iba ay nagulat sa pagsigaw ni Hypnos

"Maya-maya pa ay dumating na ang pulisya at agad silang naglagay ng 'Do not cross the line!' agad nilang pinaalis ang mga tao at kasama kami ngunit dumating ang isang inspector, Si Inspector Yamazuki

"Inspector, Tamang-tama ang dating nyo! " sabi ni Hypnos at agad naman kaming nakilala ni Inspector at agad na pinapasok sa Crime Scene

"Tingnan mo itong nakita ko, Zeus" lapit sa akin ni Hypnos ngunit bigla syang nadulas at napayakap sa akin

Nakita ko ang mata ni Demeter na masama ang tingin sa akin

"What's the meaning of this? " biglang sulpot ni Aphrodite na tila galit na galit katabi nya si Mnemosyne na walang emosyon

"Yakap lang yun, may problema ka ba dun? " parang nang-iinis na sabi ni Hypnos kay Aphrodite

"Wala naman! mygosh, Mnemosyne may nakita akong plastic" parang parinig na sabi ni Aphrodite at ngumisi sya kay Hypnos

"Parang kanina lang nagyayakapan kayong dalawa! " sabi ni Artemis

"Yakap? Kaplastikan lang ng isa yun! " sabi ni Aphrodite at umirap

"Anong sabi mo! " galit na sabi ni Hypnos na akmang susugurin si Aphrodite ng biglang dumating si Inspector Yamazuki

"Uhm, May nahanap na rin ba kayong ebidensya? " sabi ni Inspector

"Uhm, Meron na akong nakitang ebidensya, etong panyo na may nakasulat na

EKHO
2421
ANNE
114145"

sabay abot ni Hypnos na dapat iaabot nya sakin

"A code! Maaring iniwan ito ng mismong culprit para malaman natin kung sino sya pero bakit naman nya ituturo ang sarili nya?" tanong ni Inspector

"Zeus, can decode that" walang emosyong sabi ni Mnemosyne at umalis sa Crime Scene

"Mnemosyne,saan ka pupunta?" sigaw ni Aphrodite upang marinig ito ni Mnemosyne

"Wag kang susunod! Dyan ka lang" sigaw ni Mnemosyne na kinagulat naming lahat

"Nakita ko ang lihim na pag-ngiti ni Hypnos ngunit binalewala ko na lamang ito"

Inabot naman sa akin ito ni Inspector,nagpaalam muna ako sandali na gusto kong mapag-isa na idecode ito agad naman syang pumayag kaya agad kong sinundan si Mnemosyne

"Nakita ko ang pagpatak ng kanyang luha habang sya ay naglalakad pero bakit sya umiiyak? " kinuyom ko ang kamao ko at gustong-gusto kong suntukin ang nagpaiyak sa kanya

Mabilis syang naglakad at alam ko na kung saan sya pupunta, sa paborito nyang tambayan sa ilalim ng puno dito sa garden

Nakita kong umupo at sumandal sya sa ilalim ng puno at dumukdok at naririnig ko na lang ang kanyang mga hikbi na nagpapatunay na umiiyak sya ngunit nagulat ako ng parang babagsak sya kaya agad ko syang sinapo at nahimatay pala sya,nang hawakan ko ang kanyang noo ay sobrang init nito kaya agad ko syang binuhat ng bridal style at nagmamadali ko syang pinunta sa clinic, saktong pagdala ko sa kanya ay sya namang pagtunog ng bell na hudyat na kaylangan ng pumasok sa next subject.

"Anong nangyari sa kanya?" tanong ng nurse na pinabebe ang kanyang pagsasalita

"

Bigla kase syang nahimatay at nang hawakan ko ang noo nya ay sobrang init nito" mabilis kong sabi sa nurse na di manlang tiningnan ang kalagayan ni Mnemosyne at sa halip ay sa mukha ko ito nakatingin

"Hindi ako ang may lagnat kundi itong buhat ko!" galit na sabi ko at halatang nagulat ang nurse na ito

"Ihiga mo nalang sya dito at samahan mo kong kumain di pa kase ko naglulunch eh" kagat labi na nang-aakit na sabi ng nurse

"Wala akong pake kung di ka pa kumakain! " sabi ko sa kanya ng tumigil na sya sa paglalandi sa akin

"Bahala ka, Di sya gagaling kung di mo ko sasamahan! " pananakot na sabi nito ngunit di ako natakot

"Kung ganun, tatawagan ko ang principal para ipaalam sa kanya ito at dun ko nalang sya dadalhin sa isa sa hospital ng dad ko" sabi ko at tumalikod sa kanya at ng marating ko ang parking lot ng school ay agad ko syang sinakay sa kotse ko at agad na nagmaneho papunta sa Adoca's Hospital

H Y P N O S

Napairap na lang ako ng umalis si Zeus at alam kong susundan nya si Mnemosyne

"Hypnos, ano ba talagang balak mo at bumalik ka pa?" sabi ni Aphrodite na kami na lang lima ang natira dahil lumabas muna si Inspector para makilala ang mga suspects

"Sikreto ko na yun! Wala ng thrill kung sasabihin ko" sabi ko at kinindatan sya

"Guys! Kalimutan nyo na ang nangyari noon" sabat ni Artemis na syang kinangisi ko

"Tumahimik ka,Artemis!" sigaw ni Aphrodite na malapit ng pumatak ang kanyang luha

Akmang sasabunutan ako ni Aphrodite ng pinigilan sya ni Demeter

"Walang ganyanan, Aphro" sabi ni Demeter

"Hindi kami bumalik dito para makipag-away, bumalik kami para ayusin ang gusot natin" sabi ni Demeter habang pinipigilan pa rin ang kamay ni Aphro

"Kaya kung gusto mong maayos pa bitawan mo sya bago pa bumakat ang kamao ko sa mukha mo, pre" sabi ni Cronus at hinila si Aphrodite palabas ng crimescene

"Ano ba yan! Magkakaaminan na ba silang lahat? " sabi ni Persephone na parang bitter na bitter

"Lets go back to the work" sabi ko at nginitan sila

~
Pasensya na sa magulong update ngayon😂

Matatagalan bago ang susunod na ud😊 enjoy reading

Tantei Skwad (Detective) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon