Chapter 15.1 - My Worst and Best Field trip, ever!

6.9K 107 0
                                    

^dedicated sakanya kasi super elibs na ko sakanya! :)) Ang galing-galing mo! Idol na kita :))

**

15.1 - My Worst and Best Field trip, ever!

Rae's POV

Maaga akong gumising ngayon. Bakit? Ngayon na kasi ang huling araw ko sa mundong ibabaw. At bago ako lumisan, gusto kong magpasalamat sa pagsubaybay nyo sa kwento ng buhay ko na wala naman talagang kakwenta-kwenta parang yung author!

(A/N: Nasamid ako bigla.)

Kitams? Wala talaga syang kwenta. Pati sa story ko sumisingit e. Wala naman syang sasabihin na maganda. Ohwell, ayun nga, magsosorry din ako para sa author na ilang beses ng in-on hold itong storya ko kaya tuloy nawawalan ng readers. Mwuahahahaha! xD Okay, seryoso na.

Maaga akong gumising kasi talagang katapusan ko na mamaya. Paulit-ulit? =_=

Field trip na po kase! At partner ko yung bruhildang Elise na yun!

Pano pag tulog ako tapos drowingan nya ko sa muka?

Pag kumakain ako tapos pag napalinga ako bigla nyang lagyan ng lason yung pagkain ko?

Pag nakabukas yung bag ko tapos lagyan nya ng malaking sawa tapos pag binuksan ko, Goodbye world na?

Pag nakaupo kami tapos saksakin nya ko sa tagiliran at sasabihing; "Holdap to. Ibigay mo sakin yung Lays mo jan sa bag mo kung ayaw mong kunin ko yung Krispy Kreme jan!"

Okay. Masyado na akong OA. Gutom eh. Pano ba naman kasi, di gumising ng maaga si Zeke para ipaghanda ako.

Oo. Zeke nalang ang tawag ko sakanya. Arte much no? Naiinsulto daw kasi sya pag tinatawag ko syang kuya.

Speaking of, ayan na pala sya.

"Oh, kain ka na. Baka ako pa kainin mo pag nagutom ka e. Kawawa naman yung mga girls jan na iiyak pag nabawasan ng isang gwapo sa mundo." wtf?! Oo alam kong gwapo sya. Pero--the hell! Ang kalma ng pagkakasabi nya! Ang hangin! xD

"Wag ka nang umangal." hala? Mind reader ba to?

"At lalong di ako mind reader." eh?! E pano mo nalalaman yung nasa isip ko?!

"Halata lang sa muka mo. Kumain ka na nga jan. Baka pati readers ng magandang author ng story na to kainin mo e." Ow--kay.

Magandang author daw? Excuse me!

(A/N: Daan ka! Totoo naman yung sinasabi ni Papa ZekeBabes e! Gusto mo palapa kita kay Elise nang kami na lang ni ZekeBabes ko ang magkatuluyan?!)

Opo na nga ms. Author. Papakabait na ko. Alam ko namang marami kang babes na dudumog sakin pag inaway kita e. Huhu. T_T

Pagkatapos kong kumain, sinabihan na ako ni Zeke na magready kasi ihahatid nya na ako sa school. Nag-aalala rin naman sya kasi nga sa dinami-rami ng pwede kong makapartner, si Elise pa.

"Mag-ingat ka dun Rae, ha?" paalala ni Zeke habang nagdadrive sya.

"Oo naman. Ako pa! May pepperspray ata ako dito! Haha!" sabi ko naman sakanya. Masyadong seryoso e. Haha. >:D

"Tss.." At umandar na naman po ang pagiging masungit nya. Haha!

Tahimik lang kami buong byahe. Antok pa siguro sya. 4:30 am pa lang kasi umalis na kami ng bahay. At 4:55 am kami nakarating dito sa school. 5:30 daw kasi aalis na yung bus. Pero syempre Pinoy tayo, kaya di na tayo magtataka kung 6:00 na e di pa nakakaalis ang bus. =_= Tama naman ako eh. Diba? Diba? =_=""

"Raeee!" sino pa ba? E di ang dakila kong bestfriend na si Rica.

"Ay, hello po Kuya Zeke." sabi nya nung nakita nya si Zeke.

"Ah Rica, pakibantayan nalang tong makulit to ha? Una na ko." sabi nya kay Rica. At bumaling sya sakin. "Ikaw naman, magingat ka dun sa Elise na yun. Alis na ko. Ingat kayo." sabay gulo ng buhok ko.

"Ay, ano ba yan! Oo na! Ginulo mo pa buhok ko!" sabi ko habang inaayos yung buhok ko.

At tuluyan na syang umalis. Pumunta na rin kami ni Rica sa bus namin. Parehas naman kami ng bus, sobrang magkalayo nga lang ng upuan. Sa unahan ako, sa dulo sya.

"Oh, hi Rae. I'm glad you came." maarteng sabi ni.... Sino pa nga ba?

E di yung bruha.

"Talaga. Magtitiis na lang ako na kasama ka kesa gumawa ng sandamakmak na projects." madiin na sagot ko sakanya.

"Ehem ehem. Pwedeng alisin mo yung basura na yan Rae?" nang-aasar na sabi ni Rica. Yung basurang sinasabi nya ay walang iba kundi yung bruha. Haha! :D

"Oy, tabi daw!" mataray saka pasigaw kong sabi kay Elise.

"Hmph!" himutok na sabi nya at naglakad na papunta sa upuan namin.

"Oh, ang wrinkles dumadami. Chill ka lang din Elise. Baka mabutas yung floor ng bus!" nang-aasar parin na sabi ko. Trip ko syang asarin e. Hoho!

Naglakad na rin ako papunta ng upuan namin. Ako pala yung nasa aisle tapos sya yung sa window.

"HI ELISE! LONG TIME NO SEE!" malakas na sabi ko sakanya na ngiting ngiti pa. Haha! Pang-asar ako e. Nagtinginan tuloy lahat ng nasa bus kay Elise.

Kung makikita nyo lang yung muka ni Elise, pfffft--- BWUAHAHAHAHA! XD

PRICELESS!

Gulat na gulat sya sa pagsigaw ko sakanya. xD Tapos napatungo na lang sya sa kahihiyang ginawa ko sakanya. xD

"Asar!" bulong nya nung naupo ako. Pero syempre malakas ang radar ng tenga ko kaya rinig ko yung sinabi nya.

Elise's POV

"HI ELISE! LONG TIME NO SEE!" malakas na sabi ni Rae sakin na ngiting ngiti pa. Grr- Pang-asar to ah! Nagtinginan tuloy lahat ng nasa bus sa akin!

Grr! That girl! She's getting into my nerves! >.

"Asar!" bulong ko na lang nung pagkaupo nya. Lecheng babae to ah!

Sige lang... Mag-enjoy ka lang sa ginagawa mo Serena Rae Jimenez.

Dahil pagkatapos mong mag-enjoy, ako naman... Tignan na lang natin kung makangiti ka pa jan..

**

Wahaha. xD Puyat ako dahil sa binasa ko kagabi. Pinabasa lang yun sakin e. xD

Ang ganda talaga, seriously. :)

My Personal "Body" Guard by Neodge. :))

Votes and comments :)

BolpenAtPapel

I Love My Kuya. ♡ [COMPLETED]Where stories live. Discover now