Sa Jollibee

41 0 0
                                    

Wala ng pagpapatumpik tumpik pa. Kung ano masulat, ayun na talaga.





________________________________________

"Good Afternoon, Welcome to Jollibee Ma'am. May I take your order?

"2 pc chicken joy po, pate po 2 extra rice."

"Drinks po, Ma'am?"

"Coke and Mountain Dew po, dine in."

"Would that be all po?"

"Yes po."

"Okay po, I received 500 pesos po."


Hi, ako si Ali. Kaka-dismiss lang ng classes namin at dahil parehas kaming mahilig gumala ng bestfriend kong si Guia, naisipan namin pumunta dito sa Mall na malapit samin para mag-window shopping. Ganun talaga, wala kaming pera eh. Tingin tingin na lang muna. Siyempre, parehas din kaming matakaw kaya naisipan namin na kumain sa favorite naming kainan, sa Jollibee.

Tingin niyo bakit kami dito kumain? Kasi favorite namin? Pwede. Kasi masarap? Pwede rin. Kasi laging nakangiti si Jollibee? Siguro. Ewan ko rin eh, basta gusto namin.


Kumilos na yung Ate para ayusin yung food na in-order ko. Siyempre ayun ang trabaho niya.



"Ma'am, wait lang po ah." With matching ngiti, At ako naman ay maghintay. Sanay na naman ako don eh, hindi ko rin naman makukuha ang gusto ko kung hindi ako maghihintay.




Napalingon ako sa buong lugar. Ang daming tao. Halos puno na rin, ang maswerte na lang kami kung may maupuan pa kami dito ng payat kong bestfriend. Speaking of the bruha, nakita ko na siya. Sinesenyasan ako at ng tumingin ako sakaniya, kumaway na siya at nakangiting tagumpay, nakaupo na pala. Masaya dahil may mauupuan na kami. Hay.




Minsan iniisip ko, ang weird nito ni Guia. May mga pagkakataon na bigla siyang sasayaw sa daan, yung sayaw daw ng paborito niyang grupo ng mga koreana, blackpink. Kadalasan naman kasi talaga kapag ganyan ang mga taong nakakasalamuha natin araw araw, iispin natin weirdo sila at baliw. Pero ang totoo, ito lang ang paraan nila para ipakita na masaya sila. Kaya ako, kapag ganito siya, ngingiti na lang din ako. Nginitian ko siya at sinenyasan na, "saglit lang."




Hindi pa rin nakakabalik yung Ate sa Counter. Nagugutom na ko. 5:25pm na. Madilim pa ang langit, nakita ko sa bintana sa labas ng store. Mukhang may dadamayan nanaman ang langit. Diyos ko, huwag naman po sobrang lakas, ah? Baka di na po kami makauwi. Wala pa namang dala na payong itong bruha na kasama ko, masyadong tamad kaya nanghihiram lang sakin.




Hindi lang yun, mag-ga-gabi na. Kailangan ko ng ihanda ang sarili ko sa sermon ng aking ina, dahil malamang nagtanong na siya sa mga kaklase ko kung bakit wala pa ako. Yari nanaman, at naka uniform pa ako. Bawal pa naman ang mag-gala ng nakauniform pa sa school ko. E, kung nagpalit naman ako, hindi na ako papayagan ni Mother Earth.




Sumilip na ko dun sa loob kung saan nila ginagawa yung mga pagkain pero wala pa rin si Ate na nasa Counter. Nahiya naman ako magtawag ng iba para asikasuhin ako, kasi hindi porket nawala na yung nauna, hahanap na ako ng iba. Bad yun. Kailangan kong makontento dun sa Ate na nakausap ko kanina kaya naman maghihintay ako.


You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 28, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Sa JollibeeWhere stories live. Discover now