Chapter 1

6 0 0
                                    

Hello Philippines! Hello World.

I'm Ayummi Claire Hernandez of  Sitio Tapat Magmahal Humigit Kumulang Binigay na nga Lahat Lahat Lagi Paring Iniiwan.

Na naniniwala sa kasabihang

"Lumabo man ang mga Mata ko...
mananatili pa ring Malinaw ang
Pagtingin ko sayo" I Thank You!

"Claaaaaaaaaaaaaairee! Bumaba kana nagiintay na rito si Gab sabay na raw kayong pumasok!"

Kabog kayo sa mamang ko! Parang sirena ng ambulansya ang bunganga eno? Mygad nageemote ako rito sa salamin e.

"Oonaaaa! Pababa na po."

Hays. anjan na naman si Gabriel lagi naman yang sumasabay sakin at nagpupunta sa bahay, ewan koba kung bakit.Baka mamaya pala may feelings na yang tinatago charot! Haha.

By the way highway, I'm Ayummi Claire nga e,  just call me Babe keme! tawagin nyo nalang ako sa ngalang Claire ayun kasi ang nakasanayan nila pero pwede rin na Ayu or Ayummi basta kahit anong gusto nyo basta ako Stay Pretty lang. Nung konek? haha.

So eto na nga, pababa na ako sa hagdan ng matanaw kona agad si Gab.

"Hey, Mr.Gonzales ano na naman ang naisipan mo at gusto mong sabay saken?"  nakapamaywang kong tanong sakanya.

"Gusto kolang kasi na makasabay ung Kaibigan ko"  sabay kindat saken.

"Huh? Kailan pa tayo naging magkaibigan?" tanong ko sakanya.

"Claire naman eh! Dali na, may practice kami ngayon oh.Pumunta pa talaga ako dito sainyo para makasabay ka kahot late nako sa practice namin" sabay yuko. Aba! nagpapaawa tong kumag na to

"Nako Gabriel alam ko naman na hindi talaga ang pagsabay saken ang pinunta mo rito e?"

"Maawa ka naman sakin Claire? dali na, pagawa naman ng ass at proj. naten babawi ako sa susunod promise talaga yan!" sabi nya sabay taas pa ng kamay na na parang namamanata.

"Ano pabang magagawa ko aber? Pasalamat ka maganda ung kaibigan mo!" sabi ko sabay irap sa kanya.

"Oona! sige na babye na Claire late na late nako"

"Osige, may dadaan pako maaga pa naman e.Mauna kana ingat"

Bago pa man sya umalis humalik sya saken sa pisnge at sabay takbo at sumigaw ng salamat.

O…O

Para san ung halik na yun? Chansing sya ah!

"Huy, ate bat pulang-pula ka jan?Oh eto baon mo raw.Nakalimutan ibigay ni mama buti nalang naabutan kita" si Mikkah pala kapatid ko

Napatampal nalang ako sa noo.Muntik konang malimutan baon ko shet.

"Maganda kasi ate mo at sensitive yung pisnge ko yan tuloy pulang pula dahil sa sikat ng araw." palusot ko

"Sus, andaming palusot ate.Nakita ko ung pagkiss sayo ni Kuya Gab sa pisnge kaya ka pulang pula" pangaasar pa nya sakin.

"Ikaw bata ka! umuwi kana nga kung ano ano pinagsasabi mo!"

"Blehhh. kinikilig kalang e!" dila nya sabay takbo palayo sakin.

Hayss. sana naman maging maganda tong araw ko -.-



You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 27, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Destined to Love youWhere stories live. Discover now