XXVIII

8K 311 69
                                    

Playlist: Super Love (acoustic) - Dami Im

May ideya na ako kung gaano namumula ang mukha ko nang dahil sa mga salitang kanyang binitiwan ngunit wala akong balak na lantarang sabihin. Not now. Not ever. Pero ngayon ay naiintindihan ko na kung bakit ganoon na lang kung mag-react ang mga kaklase ko sa mga manliligaw nila. Kunwari ay wala lang sa kanila pero sa loob loob nila ay halos mangisay na sila.

Napatunayan ko rin ngayong araw na may pagkakataon sa ating buhay na masasabi mo sa iyong sarili na may isang bagay sa mundo ang pupwedeng ituring na pinakamagandang imbensyon ng tao. Tulad na lang ngayon. Tila ba ang sahig ang pinakamagandang bagay na  nagawa dahil doon ko itinuon ang aking atensyon imbes sa lalaking nasa tapat ko. 

Mahirap kasing magpigil ng kilig at ang tanging solusyon lang ay ang mag-iwas ng tingin.

Pero ano namang laban ko kung kahit pa sabihing nag-iwas na ako ng tingin ay ramdam na ramdam ko pa rin ang paninitig ni Ares? At miski ata ang tadhana ay nakikisabay sa pang-aasar sa akin dahil bigla na lang tumugtog ang isang klasikong awitin.

Ilang saglit pa ay may naglapag ng pagkain sa lamesa kung saan kami nakapwesto kaya naman sinamantala ko iyon para ayusin ang aking upo. Sa waiter lang nakatuon ang atensyon ko habang inilalapag ang pagkain na alam kong si Ares ang umorder. Nang makaalis ito ay gumala ang aking tingin liban na lang kay Ares. Mabuti na nga lang talaga ay hindi niya ako inapura sa kung ano ang isasagot ko sa sinabi niya dahil baka kung ano ang masabi ko.

"I can take all the madness the world has to give

But I won't last a day without you."

Narinig ko ang mahina niyang pagsabay sa kanta habang nanatili ang tingin sa akin kaya naman naglakas na ako ng loob na magsalita.

"Staring is rude. Kumain ka na lang." Nang magtama ang aming mga mata ay nilipat ko ang tingin sa pagkain. Puro matatamis ang naroroon tulad na lang strawberry shortcake, chiffon cake at chocolate mousse. "Sweets." I whispered. 

"You don't like sweets?" Nagulat ako nang siya ay magtanong. Mabilis akong napailing,

 "Nah. I actually like it but not too much. Naaalala ko kasi 'yung time na puro sweets lang ang kinain ko kaya nanakit 'yung ngipin ko." I added a small smile and it was too late to realize that my eyes were already meeting his. 

Sumilay ang nakakalokong ngiti sa kanyang labi, "Irina said that you will never say no to food. Figures. Nagsalita ka lang nang tanungin kita tungkol sa pagkain." He even chuckled that made me just want to go home to save myself from embarrassment.

"When you are flustered over something, you will look anywhere else but not the person you are talking to. You will also clench your hands and even lick your lips unconsciously."  Nanlaki ang mga mata ko nang dahil sa narinig ko. Para akong tanga na agad na tinakpan ang bibig nang dahil sa mga sinabi niya. Sanay na ako na inoobserbahan ako ng ibang tao tulad na lang ni Irina; dahil alam ko sa sarili ko na wala naman silang makukuhang reaksyon sa akin. Pero iba si Ares. Pakiramdam ko tuloy ay isa akong nakabukas na libro at malayang nababasa ng iba.

Haish. Wala akong ibang gustong gawin ngayon kung hindi ang iumpog ang aking sarili sa pader. 

"Napaka-napaka-ano mo!" Tinuro ko siya ngunit agad ding binawi ang mga daliri para takpan ang tainga ko. Damn. Bakit ganito ang kapalaran ko? 

Defying the King [IU #1]Where stories live. Discover now