Prolouge: Patuloy

227 5 0
                                    

    Sa isang nakakapangilabot na gabi,kasabay ng malakas na dagundong ng kulog at kidlat pati na rin ang pagpatak ng nagkakarerahang ulan na tila bay nangangamba at naghahanap ng kababagsakang lugar kung saan silay ligtas at di magagambala.

Mia's POV.

Habang pinupunasan ko ang aking buhok may biglang kumatok.

Tao po. Tao po.

  Nagtataka man ako dahil disoras na ng gabi at wala naman akong inaasahang bisita,binuksan ko pa rin ang pinto upang tukuyin kung sino man ito.

Oh my God!Basang-basa kayo ng ulan,ano ang maitutulong ko? Nag-aalalang sambit ko.

Nais lang naming makisilong kasi yung sasakyan namin nasira at malayo pa dito yung pupuntahan namin. Pagmamakaawang sambit ng dalaga.

Ay sige, okay lang.Pasok kayo.

  Pumasok nga sila gaya ng sinambit ko.Ng naisara ko na ang pinto,nabigla ako sa replikang nakita ko sa salamin dahil masyadong matatamis ang ngiting ibinigay nila sa akin na para bang may ibang ipinapahiwatig ito.Pero kahit na ganun,binigyan ko pa rin sila ng matamis na ngiti.
   Inayos ko saglit ang buhok ko at sa muling pagsulyap ko sa salamin ay nakita ko ang pangyayaring hindi ko inaasahan.Ang magkasintahang pinapasok ko ay parehong duguan at nakakaawa ang mga mukha.Dali-dali akong humarap sa kanila at nagulat ako dahil masyado na silang malapit sa akin.

Dadalaw lang naman kami,pero bakit ganito pa ang nangyari? Sinabi niya ito ng may nakakapangilabot na boses habang umiiyak.

  Lumapit siya ng lumapit at sinakal ako habang sinasabing, "Dadalaw lang naman kami." ng paulit-ulit.

DALAW🏠Where stories live. Discover now