Part 3: The Picture

123 3 0
                                    

Sa biyahe

Ava's POV.

🎶Hmmmm hmm hmmm

  Inienjoy ko yung music habang tinitingnan ko yung pictures namin.They look so very happy before,yung kumpleto pa yung barkada.Yung kung nasaan yung isa,andun din yung iba.

  Di nagtagal,I feel na wala na yung isang headset ko kaya napalingon ako sa katabi ko.Then I look at her na para bang nagkiquestion,"Bakit mo tinanggal?".

Tina: Ava,papatong naman ng ulo ko di kasi ako makatulog ng maayos.Pagsusumamo niya sa akin kaya wala rin akong magawa.

Ahh,osige. Sabay ngiti.

  Kaloka 'tong babaeng to,ang babaw.May palakpak pang nalalaman,eh napagbigyan lang naman sa munting kahilingan niya.Hahaha
  Napalingon naman ako sa iba,may kanya-kanya silang trip.Well,icocontinue ko nalang din yung ginagawa ko kanina.

🎶Nananana nana nanana nana

Habang scroll ako ng scroll, kinakabahan ako.I don't know why,but still ipinagpatuloy ko pa rin yung pag-awit ko at kakatingin ng pictures.

  Then nakita ko yung mga solo pictures namin hanggang sa nakarating ako sa picture na niya,napatigil ako.Bigla akong nakaramdam ng kaba,di ko alam kung bakit parang mag-isa lang ako,parang napapaligiran ako ng napakalamig na aura at parang ang dilim.Di ko maipaliwanag yung nararamdaman ko ngayon.Dahil ba to sa aircon at palubog na na araw o sadyang may kakaiba na?Nanginig ako ng grabe pero paunti-unti ding nawala.
  Tiningnan kong mabuti ang litrato niya,napakaganda niya kitang-kita mo ang  magandang ngiti niya ngunit sa kabila nito'y parang may dinaramdam siya.
  Bigla ko na namang naramdaman ang lamig,mas grabe pa sa kanina kaya napayakap ako sa aking sarili.Muli kong sinulyapan ang litrato niya at kasabay nito ang pagtapon ko ng phone...

Ahhhhhhhhhh!!! Yung picture niya,yung picture niya,yung picture.Paliit ng Paliit ang boses ko habang nanginginig at umiiyak.Yung picture,yung picture.

  Hanggang sa wala na nga akong makita.

Ava! Ava! Hey,Ava wake up!  Ava? Ava?

  Unti-unti kong binuksan yung mga mata ko at nakita ko yung mga nag-aalalang mukha ng mga kaibigan ko.

Lolie: Anong nangyari sayo Ava?

Lyka: Ba't para kang nakakita ng multo.

Tina: Alam mo bang ang sakit ng pagkahulog ko?Grabe ka naman sa...

Multo!? Multo! Nanginginig kong sabi.Multo,Multo,Multo.

Nashy's POV.

  Anong multo ba ang pinagsasabi niya?Napapraning na yata 'to.
  Nakakaawa naman 'tong si Ava,iyak siya ng iyak.Di na rin namin alam kong ano bang nangyayari sa kanya.

Ava,ano ba kasi yun? Tanong ko ng may puno ng pag-aalala.

Ava: Parang nagagalit siya sa atin.Yung picture niya,para siyang demonyo kong tingnan.Kailangan nating magsorry sa kanya.

  Anoraw?Di ko maintindihan tong lokaret na to.

Ava: Tingnan niyo yung picture niya.

  Pinulot ni Jeydon yung phone ni Ava.

Jeydon: Oh,wala namang pinagbago ah.Maganda pa rin siya.Patawa to.Hahaha

Pearl: Baka naman namimiss mo lang siya kaya ka nagkakaganyan.

Sheena: Sige na,tama na yan guys.Ava,kalimutan mo nalang yun,okay?Back to normal tayo guys.

Kath: Sige na,upo na kayo baka maabutan pa tayo ng dilim dito sa daan.

  Ayun nga,back to normal.Siguro nga tama si Pearl,namimiss lang nito si friend. Bahala na nga siya sa life niya,magrerest nalang ako para di ako mastress.

  Habang nakapikit ako,narealize kong nakakamiss nga talaga siya.Wala na akong karamay sa kakatawa ng wagas eh.Pano ba naman kasi,nagpakalayo-layo na siya.Hays,buhay nga naman.
May mga bagay talagang di natin inaasahang mangyayari.

DALAW🏠Where stories live. Discover now