EPILOGUE

26.6K 276 10
                                    

Nagulantang ang mga security personnel na nagkalat sa buong Stardust Hotel nang dumating si Philip Madrigal. Matanda na ang lalaki ngunit wala pa ring kupas ang angkin nitong karisma at bangis. The famous mafia boss was accompanied by at least twenty of his most dangerous men and his presence was enough to make everyone trembled in fear!

Ang presensya ng grupo ni Philip Madrigal sa loob ng Stardust ay mabilis na kumalat at nakarating sa ilang mga importanteng tao na mayroong illegal na negosyo. Ilang taon ng hindi siya nagpakita sa publiko dahil ginusto niyang mamuhay ng tahimik sa isang isla. Ganunpaman, ang kanyang pangalan ay buhay na buhay pa rin!

Sinenyasan niya si Tyler na dalhin sa kanyang harapan ang isa sa mga security personnel ng Stardust at kaagad namang sumunod si Tyler. Nang bumalik si Tyler, hawak nito sa kwelyo ang isa sa mga tauhan ni Troy. "Dalhin mo kami sa opisina ng amo mo," nakatiimbagang si Philip habang inutusan ang lalaki.

"O-oho!" Takot na sumunod ang lalaki.

Pagkalipas ng ilang minuto, sabay na bumukas ang tatlong elevator sa palapag kung nasaan ang opisina ni Troy Ramirez. Kung ang anak niyang si Marcus ay napigilan ni Daniella na sugurin si Troy upang ipaghiganti sina Veronica at Ariana, walang pwedeng pumigil sa kanya! Sa mundong kanyang nakasanayan ay wala siyang sinunod na batas, at napatiimbagang si Philip habang inisip ang magiging una at huli nilang paghaharap ni Troy Ramirez.

Namutla ang pagmumukha ng babaeng sekretarya ni Troy nang pumasok ang isang grupo ng kalalakihan kaya mabilis niyang pinuntahan ang kanyang boss.

Makalipas ang ilang sandali, lumabas si Troy, at nanlaki ang kanyang dalawang mata nang makilala ang matandang lalaking kampanteng naupo sa waiting lounge ng kanyang opisina.

"P-Philip Madrigal?" nautal na tinanong ni Troy ang lalaki, at nang tumayo ito ay bigla na lamang siyang napaatras. Sinenyasan niya ang kanyang secretarya na tawagan ang kanyang kanang-kamay ngunit hindi nagawa ng babae na gawin ang kanyang inutos dahil pinigilan ito ng isa sa mga tauhan ni Philip Madrigal.

"Troy Ramirez," napailing na tiningnan ni Philip ang lalaki mula ulo hanggang paa. Sa isang tingin pa lang ay alam niyang duwag ito. Nilingon ni Philip ang kanyang mga tauhan at sinenyasan na lumabas muna at iwanan silang dalawa ni Troy, at pati ang sekretarya nito ay pinalabas din niya. Gusto niyang ma-solo ang lalaki dahil marami silang pag-uusapan.

Pilit na itinago ni Troy ang nanginginig niyang kamay sa kanyang likuran. "A-ano ang kailangan mo sa akin?" Tinanong niya ang matanda.

"Why don't we talk inside your office?" Philip suggested.

Ilang beses na napakurap si Troy bago siya sumunod sa suhestiyon ng matandang lalaki at saka bumalik sa loob ng kanyang opisina. Pansamantala siyang kumalma nang imungkahi ni Philip na sa loob sila ng kanyang opisina mag-uusap dahil may kutob siyang tungkol sa negosyo ang kanilang pag-uusapan. "May balak ka bang magtayo ng hotel? Magaling ako diyan at pwede kitang matulungan," sabi ni Troy. Bahagya siyang ngumiti sa matanda ngunit nang umarko ang isa nitong kilay, napawi ang ngiti sa kanyang labi.

Sandali silang nagtitigan ni Troy ngunit unang nagbaba ng tingin ang binate. "Hindi ako nagpunta rito tungkol sa negosyo, Mr. Ramirez." Pagkuwa'y sabi ni Philip.

Kinutuban si Troy sa naging sagot ng matanda. "Kung ganun, ano ang sadya mo sa akin?"

"Tungkol sa atraso mo kay Marcus Madrigal," napaismid si Philip nang muntikan ng malaglag mula sa kanyang kinupuan si Troy nang banggitin niya ang pangalan ng kanyang nag-iisang anak. "Alam mo naman siguro kung paano ako maningil ng utang, di ba?"

Napapikit si Troy nang marinig ang pangalan ng lalaking umagaw kay Veronica sa kanya. Kung alam lang niya na may koneksyon ito kay Philip Madrigal, sana'y pinabayaan na lang niya si Veronica sa mga kamay nito. "Amanos na kami ni Marcus," nagawa pa niyang sumagot bago hinampas ni Philip ang kanyang mesa. Napaatras siya sa takot na baka ang susunod nitong hampasin ay ang kanyang pagmumukha.

"Siguro nga, pero hindi ko pinapayagan ang kahit na sino na kantiin ang anak ko o sinuman sa pamilya ko!" dumadagundong ang boses ni Philip sa loob ng opisina.

"Anak mo si Marcus?"

"Ngayon, alam mo na." Sabi ni Philip.

Napadaing si Troy na para bang may masakit sa kanya habang nakatitig kay Philip Madrigal. Sa kanyang pagkakaalam ay iba ang istilo ni Philip kapag maningil ito ng utang. "Magkano ang gusto mong kapalit?" Tinanong niya ito.

"Lahat ng meron ka," sumagot si Philip, at nagkibit lang siya ng balikat habang pinagmasdan ang namumutlang si Troy Ramirez.

GENTLE DESIREWhere stories live. Discover now