Chapter 1 "Announcement"

1.7K 42 3
                                    

"Next month, we wed and the new chapter begins"

Yan.

Yan ang sinabi nya na nagpaguho sa aking mundo.

WALA NA

Wala na akong pag-asa. Wala na talaga. I loved her. I love her. And I will Love HER.

I love her more than anything! Babakla-bakla ako , pero mahal ko si Karylle. 

Actually, alam ko naman na engaged na sya. Alam ko yun. Aamin naman ako eh. Sabi ko sa sarili ko na, engaged pa naman. Malayo pa ang kasal. Baka..baka maagaw ko pa. Hindi ko naman alam na March pala ang kasal nya. Dagdag pa yung tampuhan namin kaya hindi ako nakaamin. Pero ang pinakadahilan talaga ay..

Natatakot ako.

Natatakot akong umamin dahil baka hindi sya maniwala. Baka mawala pa yung pagkakaibigan namin. Ayoko namang dumating yun. Kaya minabuti ko na lang na itago 'tong nararamdaman ko.

Nandito ako sa DR ko habang pinapanood ko yung announcement nya. Ayoko namang pumunta dun dahil baka magbreak-down lang ako. 

"Vice. Vice helped me to learn how to laugh out loud. Hindi yung dalagang Pilipinang mahinhin tumawa. "

Tumulo na yung luha ko na kanina ko pa pinipigil. I can't take it. 

Maygad! Hindi pa ba ubos ang luha ko? Halos gabi-gabi na lang akong umiiyak ah. Wa-wala na bang bago? Lagi na lang kasing ganito. Yung pag nagmahal ako, sasaktan lang pala ako sa huli. Hindi ko naman sinisisi si Karylle dahil first of all, hindi naman ako umamin. Atsaka, lahat ng ginagawa ko sa kanya, hindi naman nya bibigyan ng malisya dahil bakla naman ako di ba?

Pero hindi nya alam na sa bawat ngiti nya, napapangiti din ako. Pag malungkot sya, malungkot din ako. Yung mga moments naming dalawa, sinasadya ko yun hindi dahil nagdedemand ang mga tao, kundi dahil MAHAL KO sya. Yung ang cute cute nya kapag nahihiya sya dahil waley ang joke nya.

"Damit pa lang terno na, pano pa kaya yung mga puso natin."

Napangiti ako.

Yang linyang yan ang nagpaloka at nagpakilig sa'kin ng sobra. First time nyang bumanat eh.

*sigh* 

Hanggang throwback na lang ba?

Hindi ba talaga tayo pwede sa isa't-isa?

Maybe.. maybe in the next life pwede na diba?

________________________

A/N:

Hai guys! hahaha! First time gumawa ng story!

Mwah! Love lots! 

Magic || ViceRylleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon