Boyfriend

90 13 3
                                    

[After ma announce na si Daniel yung Number 1]

Puno ng saya at lungkot ang buong lugar ng maannounce ang TOP11 . Masaya para sa mga nakasama at malungkot para sa hindi.

Sobrang saya mo para sa boyfriend mo. Sa wakas yung pangarap nya matutupad na. Sobrang saya mo para sakanya pero may part sayo na nalulungkot kasi ibig sabihin lang nito'y mas magiging busy ito at hindi ka na mabibigyan ng oras.

Napailing ka na lang sa mga naiisip mong mangyari.

Magkakasama ngayon silang lahat sa stage. Lahat ng naging parte ng Produce101 Season2 . Kinocongrats lahat ng nanalo at inaalo lahat ng hindi.

Nakita mo syang masayang nakikihalubilo sa iba habang ikaw nanunuod sa baba . May iilang fans ang nag siuwian na dahil sa gabi na pero ikaw nagbabakasali pang makita ka nya.

Iniisip mong kahit isang ngiti lang ok ka ng umuwi . kaso parang masyadong impusible

"Bestfriend, ok lang yan" Biglang tapik sayo ng kasama mo. Napangiti ka nalang at tumango sa sinabi nya

"Sabi na nga ba kayo yan eh" Biglang sulpot ni Jinwoo sa harap nyong dalawa

"Hello" bati mo sakanya tapos ngumiti ng konti . ngumiti naman sya kaya nagtilian yung ilang fans na malapit sainyo

"Tara puntahan natin sila" Yaya nya pero umiling ka

"Bawal kami dyan ano ka ba" natatawang sagot mo tapos tumingin ulit sa stage.

"Tsaka pauwi na kami. Late na masyado, pakisabi nalang Congratulations pati kay Jisung oppa" Nakangiting sabi mo

Napapoker face naman si Jinwoo tsaka kaibigan mo sa sinabi mo kaya natawa ka

"Bakit? Hahahaha"

"Alam mong hindi pwedeng hindi ka nya makita" Sabi ni Jinwoo na sinang ayunan ng kaibigan mo

"May next time pa naman e, tsaka yung family nya rin hinihintay sya" sagot mo tapos inayos na yung bag mo at lumingon ulit sakanya

"Pero

" tsaka madaming tao, baka anong isipin nila kapag

"Hoy gaga! Girlfriend ka nya. May karapatan ka sakanya" sabi ng kaibigan mo sabay batok sayo kaya napaaray ka nalang.

Pinilit ka parin nilang maghintay pero hindi ka talaga pumayag , kaya sumuko nalang sila . kaya nagsimula na kayong maglakad paalis samantalang si Jinwoo pumunta sa stage

Napabuntong hininga nalang yung kaibigan mo sayosa inaasal mo

Nasa may exit na kayo ng biglang tumunog yung phone ng kaibigan mo kaya napahinto kayo

"Hello?...oh...ok ok... Noted.. Wait lang" sabi nito sa kausap bago lumingon sayo

"Wait lang bestfriend . wait lang talaga " biglang paalam ng kaibigan mo sabay takbo

Kang Daniel ❤ [ One Shots / Scenarios]Where stories live. Discover now