The KILLER

5K 137 49
                                    

This is the last chapter, Hope you enjoy it! ^__^

___

“Tingin ko hindi pa siya patay…” wika ni Katrina.

“Nahihibang ka na ba? Bakit mo naman nasabi yan Katrina?”

“Pakiramdam ko kasi eh hindi multo oh kaluluwa yung nakita nung isang—“

“Katrina, patay na si Trish! Imposible naman na mabuhay pa ang patay!” sigaw ni Clint kay Katrina na dahilan naman para ito ay matahimik.

“Bakit…” dahan dahan na sinabi ni Katrina. “Nakita mo ba na binurol siya? Nakita mo bang nilibing siya? Hindi naman ‘di ba?” napabutong hininga si Katrina. “Ni hindi nga natin alam kung saan siya nakalibing eh..”

“Katrina..” sambit ni Clint. Napapapikit na din siya sa kanyang naririnig.

“Hindi natin alam kung patay nga ba talaga si Trish. May kutob ako nung una pa lang na may mali na nangyayari dito. Yung sunod sunod na pagka disgrasya sa dorm, yung gulo na nangyayari sa buhay nating magkakasama. Mali eh.. Maling mali!!” Naluha na si Katrina. Hindi niya maiwasang hindi maiyak.

Takot na takot siya. 

“Katrina!!..” sumigaw na si Clint. “Huminahon ka nga! Ayusin mo ang sarili mo. Hindi mo dapat iniisip yung mga ganitong bagay. Yung mga nangyari, may dahilan kung bakit nangyayari yun.. Huwag ka nang mag-isip nang kung ano jan..”

Pinaandar na ni Clint ang sasakyan at hindi na pinansin ang sinabi ng kanyang pinsan.

___

Nakatulog si Katrina habang nasa biyahe. Ma-traffic din kasi sa kanilang dinaanan sanhi nang nagkabanggang sasakyan dun sa may unahan. Kasalukuyang nakahinto ang kanilang sasakyan kasama ng ilan ng may biglang tumawag kay Clint sa kanyang cellphone.

Natigilan naman siya ng makita ang pangalan sa screen. Pero hindi nagtagal ay sinagot na niya ito. “Hello.” Sabi niya.

“Kailangan natin mag-usap.” Sabi ng babae sa kabilang linya.

“Nasa biyahe pa kami.” Sagot naman ni Clint.

“…..” may sinabi pa ang babae bago niya binaba ang tawag.

Napatingin naman si Clint sa pinsan niyang mahimbing na natutulog sa kinauupuan nito.

Nang makarating na sina Clint sa kanyang bahay ay agad niyang binuhat si Katrina papunta sa kanyang kuwarto. Hindi na siya nag abala na gisingin pa ito dahil alam niyang pagod na ang pinsan dahil sa mga pangyayari.

Handa na siyang ayusin ang lahat. Tutal mukhang alam na din naman ni Katrina ang katotohanan ay haharapin na niya ang problema para sa pinakamamahal nitong pinsan.

Agad siyang nagtungo sa isang kuwarto at sinara ang pintuan.

“Alam na ni Katrina?” sambit ng isang babae sa kanyang likuran. Hindi muna niya ito nilingon at nanatili siyang nakatayo sa pintuang pinasukan niya.

Pero hindi nito nasara maigi ang pintuan.

“May kutob na siya, pero hindi ko sinabi ang katotohanan.” Sabi ni Clint. Humarap na siya sa kanyang kausap.

“Bakit hindi mo pa sabihin? Para matuluyan ko na din siya.” humarap na din ang babae kay Clint. Isang babaeng may suot na kulay puting malaking bestida. Mahaba ang buhok at walang kayos-ayos.

“Ano bang sinasabi mo ha, Trish??” napakunot ang noo ni Clint nung marinig niyang sinabi ni Trish iyon.

“Bakit?? Alam na niya ang katotohanan. Hindi magtatagal eh baka siya pa ang magsumbong sa 'kin sa mga pulis. At tandaan mo, once na makulong ako, pati ikaw damay. Kasama kitang gumawa ng lahat ng ito, hindi ba?” nakangiting sabi nito.

Find the Killer [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon