🌸CHAPTER 18🌸

1.2K 40 6
                                    

Chapter 18 -- SORRY

"Binalaan na kita, Zairene, pero hindi ka nakinig! Nakita mo ba si daddy? Galit na galit 'yon nang makita namin na naghahalikan kayo ni Clark! Nababaliw na ba kayo!? Hindi kayo nag-iisip!" wika ni ate nang makarating kami sa mansyon nila tita Clara. Hindi ako kumikibo at panay lang ang tulo ng mga luha ko.

"Stop it, Zaira! Isa ka pa. Alam mo pala na may ganitong nangyayari sa dalawa pero nanahimik ka." Nakatayo si kuya at nilapitan si ate. Nanahimik naman ang kapatid kong babae saka napayuko. "Mas matanda ka sa kaniya ng tatlong taon. Kahit paano ay alam mo na ang dapat na gawin."

"Pero kuya, natatakot lang din ako na mapagalitan si Zairene."

"Bakit? Hindi ba sila mapapagalitan ngayon?" tanong ni kuya.

"E, bakit ba kasi ako ang pinapagalitan mo, kuya? Wala akong alam sa iba pang ginagawa nilang dalawa. Lately ko lang narinig mula sa kanila na may relasyon silang dalawa!"

"Wala kaming relasyon, ate!" singit ko.

Tumawa ito ng peke. "Talaga? Paanong wala, e, naghahalikan nga kayo kanina? Huwag mo kaming gawing tanga rito, Zairene!"

Natahimik ako.

"Enough, Zaira."

"No, kuya! Binalaan ko na siya na iwasan ang nararamdaman niya para kay Clark pero hindi niya ginawa!"

"Hindi totoo 'yan!" sigaw ko habang hilam ang mga mata sa sariling luha. "Wala kang alam, ate. Hindi mo alam kung gaano ko kagustong iwasan ang nararamdaman ko."

"Lubayan mo ko sa drama mo, Zairene! Ang mabuti pa, problemahin mo kung ano ang eksplenasyon na sasabihin mo kay Daddy once pumasok siya sa pinto na 'yan! Basta ako, labas na ako sa problema mo!" anito sabay lakad palabas ng kwarto.

Nanlalata akong napaiyak na lang. Wala na akong maisip. Gulong-gulo na ko.

Nang tingnan ko si Kuya Zoilo ay seryoso itong nakatingin sa akin. Umiling ako.

"Kung galit ka rin sakin, ayos lang. Iwan mo muna ko, kuya." Nahiga ako sa kama saka nagtalukbong ng kumot.

Buntong-hininga ang isinagot nito sa akin saka lumabas ng silid.

Pakiramdam ko ay wala akong kakampi sa mga oras na ito. Naiisip ko si Clark. Ayos lang kaya ito? Napagalitan ba siya? Sana huwag naman siya saktan ni daddy.

Tatlong katok ang narinig ko sa pinto. Napaupo ako sa kama. Inayos ko ang aking sarili bago hinarap si daddy.

Nakayuko lang ako at hindi magawang tinangnan ito ng deretso.

"Nakausap ko na ang tita Gracie mo." Nag-angat ako ng tingin. "Tatapusin mo lang ang grade-9 mo rito. Pagkatapos mg school year mo ay lilipad ka na papunta sa California upang doon na mag-aral hanggang sa kolehiyo."

Napalunok ako.

Handa na ako sa ganitong desisyon ni daddy pero bakit ngayon, parang gusto kong umapila. Gusto kong tumutol.

"D-dad," tawag ko. "I'm sorry po."

"Hindi ako galit anak," tipid nitong sabi. Tila nabunutan ako ng tinik sa aking narinig.

"D-daddy,"

"Pero hindi ko kayang i-tolerate ang mga nangyayari. You're just only fifteen years old at napakabata pa ninyong pareho. Sa ngayon, anak, atupagin muna ninyo ang pag-aaral. Magtapos at magtrabaho para sa sarili. Huwag 'yung ganito. Masyado pang maaga."

Nilapitan ko siya saka niyakap ng mahigpit. Gumanti si daddy sa akin saka hinalikan ako sa aking noo.

Mas mabuti na sigurong lumayo ako. Kailangan ko ito para makalimutan si Clark. Hindi kami pwede dahil masasaktan ang mga magulang namin kapag pinilit namin ang samin.

HEAD OVER HEELS [Soon To Be Published Under WWG PUB]Where stories live. Discover now