t w e n t y

50 2 0
                                    

NAALIMPUNGATAN AKO. Pakiramdam ko tuyong-tuyo ang lalamunan ko kaya naman tumayo ako para kumuha ng maiinom sa kusina.

"They're leaving the café, manang." Napakunot ang noo ko nang marinig ang boses ni Dad.

Madilim na sa living room, pero kitang-kita mula dito ang liwanag sa kusina. Anong oras na ba? Bakit gising pa sila?

"Kahit yung mga matatagal nang nagtatrabaho para sa amin ni Stella ay nagpapaalam nang umalis." Dagdag pa ni Daddy.

Dahan-dahan akong naglakad palapit, nagtago ako sa likod ng dingding na namamagitan sa kusina at living room.

"Kinausap mo ba sila? Maayos ba ang pakikitungo mo sa kanila?" Tanong ni manang.

"Manang. Kilala mo ako. Hindi ako mahigpit sa mga empleyado ko. Lahat ng kailangan nila, hangga't kaya ko at sakop naman ng trabaho nila, ay ginagawa ko. Kaya hindi ko alam bakit nila iiwan ang coffee shop." Halos mabasag ang boses ni Dad.

Iiwan ang coffee shop? Nino? At bakit sila aalis?

Eto ata ang problema nina Tristan. Hindi na bila yun nababanggit kaya buong akala ko'y maayos na ang lahat.

"Binuo niyo ni Stella yan, John. Wag kang panghinaan ng loob. Lalo at nakikita kong mahal na rin ni Stephanie ang coffee shop na minahal ng mommy niya."

Napangiti ako sa sinabi ni manang, pero hindi mawala sa akin ang pag-aalala kay Daddy at sa business namin.

"Pasasaan pa't makakahanap kayo ng paraan. Matalinong bata si Tristan. Marahil ay malungkot lang yun. Aba'y simula makapagtapos ng kolehiyo yun ay ginugol niya na ang sarili niya sa coffee shop na yan. Di na nga nagkagerlpren yon."

Natawa naman ako sa huling sinabi ni manang, narinig kong natawa rin si Dad don.

"Sa ingay ba naman ng alaga mo Manang, ay aayawan ng babae yon." Biro pa ni Daddy.

Umayos ako ng tayo, at pumasok sa kusina. I faked a yawn at nagkamot sa ulo na tila ba kakabangon ko lang. Mukha namang di nagulat sina Dad.

"Oh Dad. Bakit gising pa po kayo? Tsaka," Tinignan ko ang baso niyang may alak, ngumiwi ako. "Bakit ka umiinom?"

"May pinag-uusapan lang kami ni Manang. Matutulog na rin ako maya-maya." He said calmly.

Tumango lang ako at kumuha ng tubig. Nang maubos ko yun ay sumulyap ako sa kanila, pero nakita kong nakatingin pa rin sila saken. Humikab ako ulit.

"Tulog ka na pagkatapos niyan Dad ha." Sabi ko sa kanya. "Manang, tulog muna ako ulit."

Nginitian niya lang ako. Pero bago pa ko tuluyang nakalabas ng kusina ay tinawag niya ako.

"Po?"

"Sa susunod na makikinig ka sa usapan, wag ka magpapahalata iha."

Natigilan ako sa sinabi ni Manang. Kanina pa nila ako nakita? Nakita ko namang nagpipigil ng tawa si Daddy. Napanguso lang ako kay Manang at dumiretso na sa kwarto.

Hindi agad ako makatulog ulit, kaya naisipan kong buksan muna ang Facebook ko.

Wala namang masyadong bago. Puro pa rin asaran sa group chat, panay ang send kanina ni Janella ng mga stolen shots kanina. And when I say it's from Janella, expect the worst and funniest and the nastiest.

Tawang tawa naman ako sa isang kuha ni Tristan na pinagtripan ang buhok niya, hati ito sa gitnang-gitna.

"Kachupoy, ampucha." Bulong ko sa sarili, habang natatawa pa rin.

I scrolled through my newsfeed at natigil ako sa isang tagged photo kay Joao. It's black and white, thus the caption monochrome.

 It's black and white, thus the caption monochrome

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Paradox [BoybandPH]Where stories live. Discover now