One and Only You (ViceRylle OneShot)

707 26 1
                                    

'

'

'

I take one step away

 

and i find my self coming back

 

to you....

 

my one and only

 

 

one and only you..

 

 .

.

.

Karylle: ( hawak ang gitara, nakatitig sa kawalan, biglang gumalaw ang kamay at nagsimulang nag strum ng intro ng kanta ng Parokya ni Edgar. Paki play po nung nasa media) 

. . . There I was, thought I had everything figured out...that goes to show just how much I know 'bout the way life plays out. That I know not a thing at all except the fact that I am yours and that you are mine.

...Ohh..you told me that it wouldn't be easy, and oh I'm not one to complain.

...I take one step away and I find myself coming back to you..my one and only..one and only you..

Di na namamalayan ni Karylle na unti unti na palang tumutulo ang mga luha niya. Two years na ang lumipas mula ng ikasal sila ni Yael Yuzon na hindi din naman nagtagal dahil nauwi din sa hiwalayan. Nung nagtagal kasi ay unti unti na niyang nakikilala ito at maraming bagay silang hindi napagkakasunduan. Hindi ito ang buhay na pinangarap niyang mabuo, gusto niya ng isang masaya at matatag na pamilya pero agad din namang nasira. Isa pang dahilan ay ang palaging wala ni Yael sa bahay nila nung nagsasama pa sila at ang pagbabawal nito sa kanya na lumabas kasama ng mga kaibigan, hanggang sa nasakal siya at nauwi nga sa hiwalayan ang kanilang dalawang taong pagsasama. Pero hindi iyon ang iniiyakan niya. Namimiss niya na kasi ang bestfriend niyang si Vice. Mula kasi nung mag-asawa siya ay nagbago na ang turingan nila sa isa't isa, parang naging akward na kasi nga una ay mag loveteam sila, tapos pinagseselosan pa ito ni Yael kaya ayaw siyang palapitin dito. At nitong mga nakaraang buwan ay lagi niyang naiisip kung kumusta na ang kaibigan, bigla nalang kasi itong nagpaalam sa showtime na mawawala ito ng ilang Buwan, di din naman ito nagsabi ng dahilan basta nalang nagpaalam. Pero ang masaklap, hindi man lang ito nagpaalam ng personal sa kanya. And here she is, wondering what could have been, having what ifs in her mind and thinking what happened between their friendship? 

Biglang nag vibrate ang kanyang cellphone na ikinabigla pa niya. Kinuha ang phone at tiningnan ang nag text.

1 message from Anne Curtis

From Anne: Gurl, K..wag kang mabibigla hah..may sasabihin ako sa'yo

MUSIC and LYRICS of the HEART ( OneShots Vicerylle)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon