EPILOGUE

2.4K 60 3
                                    

EPILOGUE:

(napakaiksing Epilogue XD)

Killing is never been that easy. It takes so much effort, chances, money....etc. There are many things that you would sacrifice just to take avenge and slay the person you want---involving guilt. Aaminin ko, naguilty din ako sa mga pinaggagagawa ko. Lagi namang ganun. 'Pag nagawa mo na, saka mo masasabi: "Hala, ba't ko ba nagawa 'yun?". Pero wala na, it just had happened. Hindi na maibabalik pa ng guilt o ng kahit anong bagay ang buhay na minsan mo ng kinuha sa isang tao. 'Yun nga 'yun e. 'Yun nga ang naging dahilan kung bakit ako pumatay. They take my sister's life. They should have something in return. Naging peke din ako sa harap nila. Sweet, charming, palangiti---but who knows, marami pala akong flaws at baho. There are demons inside me. Reigning in my heart. Controlling my body. Invading my mind.

Binuksan ko na ang pintuan ng kwartong pinuntahan ni Demi makaraang tumakas ito sa akin. Nakahilata na ito sa sahig at kalat ang laman-loob nya sa lapag. Lumuhod ako sa harap nya at hinaplos-haplos ang buhok nya. "Sorry, Ate Demi. Nagpapasalamat ako dahil tinuring mo akong kaibigan. Patawad dahil pinatay kita...pinatay ko kayong lahat. Ginawa ko lang naman 'to bilang paghihiganti. Bilang paghihiganti sa ginawa nyo kay Ate. Sana, mapatawad mo ko." Bulong ko sa kanya kahit alam ko namang hindi nya na ako maririnig. Hindi ko namalayan na may luha palang tumulo mula sa mata ko. Tsk! Traydor na luha. Nagmumukha tuloy akong mahina nito e.

Iniwan ko na ang katawan nya doon at agad kong tinungo ang kwarto ng ate, ni Ate Jess. Maganda pa rin siya---nakasuot ng floral dress habang nakahiga sa kama. Umupo ako sa tabi nito, at hinalikan ang kanyang pisngi bilang pambungad na gesture.

"Napaghiganti na kita Ate. Napatay ko na silang lahat. Ligtas ka na....ligtas na tayo. Mahal na mahal kita, Ate."

*END*

D.E.A.T.H. (Mystery/Thriller)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon