Inside Kyla's Condo

226 13 13
                                    

Abang abang guys 😍
Yeeiiy! 

Chapter 15 is real

_

_________________________________

Maharishi Condo Unit

Pagkarating ni Ice nakita niya agad ang kotse ni Shiva sa parking lot.

Nakasandal ito with matching sunglass sa harap ng Ferrari nito at nakahalukipkip. Eksaktong 8 am ng makarating siya doon.

Mabilis siyang bumaba. Nagulat siya ng mag ring ang phone niya.

Si Yiran ang tumatawag.
Mabilis niyang sinagot ang tawag.

Miss Sanger what is this all about? Pambungad nito.

Arrghhh. Formalities. Bulong ng isip niya.

What's the matter?  Balik tanong ni Ice.

There are bunches of men holding rifles surrounding the house. Mom is scared and even dad! Bigla nalang silang dumating dito. At pinalibutan ang buong bahay. Reklamo nito.

Listen Yiran I need you to keep quiet. Let those men secure you. You must stay in the house.  Marahang sabi niya.

Hindi niya maiwasang mapasandal sa kotse. Namataan niyang palapit si Shiva marahil ay napansin siya nito.

But why? Usisa ni Yiran.

Gov. Cerenado is no ordinary man. Pag malaman niyang may reopening ng kaso na magaganap he will definitely kill all of you. The election is near.

Napasinghap ang nasa kabilang linya. Narinig ni Ice ang pagmumura nito.

Those mens are law enforcers. We requested for your full protection. You must obey them. Understood?
Ani ni Ice.

Tuluyang nakalapit si Shiva. Nakashades padin.

What about Kuya?

Natigilan si Ice. Sasabihin na ba niya?

We're still working for it. Don't worry we'll find him soon. A little patience Yiran. Bahala ka ng mag explain sa kanila.

Narinig niya ang pagsang ayon nito. Ibinaba na niya ang cellphone.

What's  the matter?  Usisa ni Shiva. Pumasok sa kotse si Ice.  Sumunod ang huli.

I've already told you. Yuan is alive. Panimula niya.

Yes. But how? Where is he?

He is still unconscious due to the injury in his head............

Sinabi niya lahat ng nalalaman niya sa kaso sa pamamagitan ng kwento.

Napatunganga si Shiva. Gaya ng reaksyon ng tiyo niya.

So that's why we are here? Balik sa huwisyo ang diwa ni Shiva.

Nararamdaman ko na may importate dito sa condo ni Kyla. That's what we need to find out.

Tumango si Shiva.

Ilang saglit pa ay papasok na sila ng condo.

Nalaman nilang nakapangalan kay Kyla ang condo na iyon. Hawak nito ang official documents na pagmamay ari nga nito ang unit.

Dahil patay na ito. Hindi nila pwedeng basta basta ibenta ang unit.

Ayon sa guwardiya ng building wala pang nagtutungong ibang tao sa condo simula nang mamatay ang dalaga maliban sa imbestigador na nag examine sa crime scene.

ICE: The Girl Who Read MindsWhere stories live. Discover now