Chapter 1 - I'll try

163 10 2
                                    

A/N : This is a very short update. Ipapakita ko lang kasi kung pano magcomfort ang isang bestfriend.

*Hermes/The Bride's POV*

Magpapakilala muna ako. 

I am Hermes Daza-Santos. Oopps. Wala na yung Santos. Hanggang pangarap na lang yun. 

I am 18 years old. Ang bata ko pa para magpakasal noh? Wala akong magagawa, mahal ko talaga siya eh. Kaya lang hindi naman natuloy yung kasal. 

I'm 5'6 in height with a slender body. I have flawless white skin. Yan na lang muna.

(A/N : Picture po ng bestfriend ni Hermes nasa side ------->)

It's been 1 month since that nightmare happened. But still, it haunts me.

Simula nung araw na yun ay hindi na ako lumabas ng kwarto ko. Hindi na din ako makausap ng matino. Lagi lang akong nakatulala sa kawalan at umiiyak. Hindi din ako tumatanggap ng bisita.

 Pag kakain ako ay iniiwanan lang nila sa table sa tabi ng kama ko ang pagkain. Hindi na din ako magana kumain tulad ng dati. 

Madami na ang nagbago sakin. 

Hindi ko akalaing napakalaki ng epekto nito sa akin.

Ang sakit lang kasing tanggapin na hindi na natuloy ang pinakahihintay kong pangyayari sa buong buhay ko. ;(

Sana kasi hindi na lang nila ako pinaasa para naman hindi ako nasasaktan ngayon.

"Anak may bisita ka. Papapasukin ko ba dito sa kwarto mo?"-Mom

Halos araw-araw naririnig ko yan. Lagi kasing may mga bumibisita sakin. Kaya lang naging mailap ako sa kanila. Siguro oras na para tumanggap naman ako ng bisita ngayon.

Tumango lang ako bilang sagot. Hindi ko pa din kasi kayang magsalita after ng pangyayari na yun.

Tinawag na ni Mom yung bisita. Maya-maya, nakarinig na ako ng mga yabag na papalapit sa kwarto ko.

"Bessy."

Ang bestfriend ko pala ang bisita ko. Siya si Sheena Tizon. Mabait yan pero palaban. Bestfriend ko yan simula high school. Kaya madami yang alam tungkol sakin.

Tiningnan ko lang siya tapos tumingin na ulit ako sa bintana. Nagsimula na siyang magsalita.

"Bessy alam kong sobra kang nasaktan sa pangyayari na yun. Pero sana naman, wag mong ilayo ang sarili mo sa mundo. Lumabas-labas ka naman kahit minsan. Magpakasaya ka kahit na nasasaktan ka. Kailangan mo ding makibalita sa nangyayari sa mundo. Wag kang magkulong na lang diyan. Hindi yan makakatulong sayo. Kailangan mo ng mag-move on."

Tinitigan ko lang siya pagkatapos. Alam kong tama ang sinabi niya. Pero wala pa kong lakas ng loob na magpakita sa mga tao at mag-move on.

"H-hindi ko k-kaya."

"Sa wakas,nagsalita ka na din. Naiintindihan naman kita. Pero pilitin mong kayanin. Hindi porket alam mo sa sarili mo na hindi mo kaya ay tutunganga ka na lang dyan at walang gagawin. Pano mo nalaman na hindi mo kaya kung hindi mo pa nasusubukan?

 Subukan mo. Wala namang mawawala kapag sinubukan mo eh."

"S-sige.I'll try."

"Aalis na ako. Sana nakatulong sayo yung mga sinabi ko. Gusto ko pagbalik ko, hindi ka na ganyan."

Umalis na nga siya pagkatapos. 

Alam ko sa sarili ko na kailangan ko ng mag-move on.

Kaya susubukan ko ito kahit na masakit.

A/N : Vote and comment po kayo :)

The Bride [EDITING]Where stories live. Discover now