Chapter Three

20 2 0
                                    


“ nandito ka lang pala babe i've been looking for you everywhere ” sabay akbay sa akin. Tinignan niya si Fredlee ng masama.

“ who are you? ” seryosong tanong niya kay Fredlee pero bago pa makasagot si Fredlee inunahan na siya nito.

“ ah wala akong pakealam kong sino ka man but stay away from my girlfriend, understand? ” lumingon naman siya sa akin sabay sabing “ let's go babe? magda'date pa tayo ” wala naman ako magawa kundi tumango nalang at sumabay sa trip niya.

tahimik lang si Fredlee na nakatingin sa amin na naglalakad palayo sakanya. Ha! natameme yung gago, gwapo kasi ni working boy.

“ ahm salamat ”

“ hmm? saan? ” sabay ngiti niya sa akin.

“ yung kanina, inilayo mo ako sa— ”

“ ex mo? ”

“ ba't alam mo? ”

“ may isang araw kasi nakita kita naglalakad mag-isa tapos nagkaharap kayo ng lalaking iyun with another girl, nakita kitang umiiyak, he make you cry thats why alam ko ” paliwanag niya sa akin.

“ nakita mo pala ” nahihiyang tanong ko sakanya.. Tumango naman siya habang derecho lang ang tingin sa daan. Shocks! nakita niya akong umiiyak baka isipin niya baliw na baliw ako kay Fredlee kaya ako umiyak sa harapan ng gagong iyun, hell no! hindi ako umiyak dahil mahal ko pa siya, umiyak ako dahil sobrang pagod na ako. Pagod na pagod na ako sakanya.

“ sumakay ka na, ako na bahala sa bayad, binayaran ko na si manong ” sabay ngiti nanaman.

“ seryoso ka ba? okay lang nam— ” agad niyang tinakpan yung bibig ko. Ngumiti ito at nakatitig sa aking mga mata. Hindi ko alam kong anong nangyayari pero ayaw gumalaw ng katawan ko. Talagang natameme ako. Sobrang gwapo niya pala kapag malapitan. Mas lalong shang pumogi. Lalo na ang kanyang mga mata.

“ sabi ko ako na ang bahala okay? so go home safe ” pagkatapos nun pinapasok na niya ako sa taxi. Nginitian ko nalang sha dahil natameme pa rin ako. Wala akong masabi. My heart beats faster. Pinapawisan ako. Hindi sa kilig, well konti pero natatakot ako natatakot na baka mahulog ako ulit at masaktan. Bago pa makalayo yung sinasakyan kong taxi lumingon ako sakanya at naabotan ko siyang kumindat sa akin saka ngumiti. Shet! sana hindi ako lumingon mas lalo akong pinapawisan.

“ Ay takte! ” nagulat naman si manong sa biglang pagsigaw ko.

“ okay lang po ba kayo maam? ” alalang tanong ni manong sa akin. Sinabihan ko naman sha na nahulog yung phone ko kaya ako napasigaw sa gulat tumango agad si manong at nagpatuloy magmaneho. Yung totoo kasi kaya ako napasigaw dahil nalimutan kong itanong yung pangalan niya. Ang akward naman kong tatawagin ko siyang working boy pero wala tayong magagawa hindi ko pa kasi alam pangalan niya kaya pansamantala nalang muna yung working boy hanggang sa malaman ko.

Monday morning nagprepare na ako para mamaya. Haaay nako papasok nanaman ako sa school at makikita ko nanaman si Fredlee. Same school lang kami kaya ako tinatamad pumasok dahil makikita ko nanaman siya tapos wala naman si Marie para samahan ako dahil magkaiba kami ng school. Nag-aaral ako sa UC while si marie naman nag-aaral sa USJR.

pagkarating ko sa school may mga babaeng nakatingin sa akin. Tinignan ko naman sila tigisa-isa. Kilala ko sila lahat. Sila yung mga close friends ni Fredlee, kilala ko sila dahil ipinakilala niya ako sakanila. Alam kong ayaw nila sa akin simula nung pinakilala ako ni Fredlee sakanila. Siguro dahil ayaw nila na may kahati sila kay Fredlee. Immature right? alam ko naman na silang lima ay may gusto kay Fredlee dahil halatang-halata naman talaga kaya alam ko din na nagplaplastikan lang din sila sa isa't-isa. What a freak.

“ kapal din ng mukha niya saktan si Fredlee eh nuh? ”

“ oo nga, eh siya lang naman ang may kasalanan kong bakit sila naghiwalay. ”

naririnig ko ang mga bulong nila at naiinis ako dahil sinasadya nila itong lakasan ang boses nila para marinig ko. Oo na! rinig ko na! masaya na kayo? tutal kahit ano pang sasabihin nila sa akin wala silang mapapala dahil ang iniidolo nilang si Fredlee ay sasaktan lang sila at iiwan na nakanganga.

“ Hi kim! ” nagulat ako ng may tumawag sa akin. Wala na kasing kumakausap sa akin simula nung naging kami ni Fredlee. Saklap nuh? grabe ang binigay na problema sa akin ng lalaking iyun. Pati friends ko nawala dahil sakanya. Gago pa sa lahat ng gago ang lalaking iyun. Ganyan niya sinira ang buhay ko. Walang awa.

“ oh? working boy? ”

“ working boooy? ” pagtatakang tanong niya sa akin. Oh dont give me that look. Kasalanan mo kong bakit ganyan ang tawag ko sayo.

“ hindi ko pa kasi alam ang pangalan mo ”

“ ay ganun ba! sorry hehe Nathan Lance pala but you can call me Lance ” and there we go again. He smiled while iniabot niya yung kamay niya.

“ Kim— alam mo na ang pangalan ko, paano? ” tumawa naman siya ng konti saka sumagot.

“ lagi kasi kayong umo-order ng milk shake sa cafe tapos pinalalagyan niyo ng pangalan kaya alam ko ”

“ ah buti naman hindi mo nalimutan pangalan ko heheh ”

“ pano ko malilimutan eh palagi kayong nandun sa coffe shop, kayo yung suking customers ko hahah ” tumawa naman ako dahil may point sha. Maganda kasi yung coffee shop nila. Malinis tapos nakakapawala ng stress.

“ mag-isa ka lang? asan yung kaibigan mobg babae? yung kasama mo sa cafe lagi? ”

“ si Marie? hindi kami same school ” napa " OW " naman siya at sabay ngiti. Masayahing tao naman nito. Laging nakangiti na parang walang problema sa buhay.

" eh di sabay nalang tayo ”

“ sabay saan? ”

“ sabay sa lahat ng bagay tulad ng, kumain, mag-aral, pumunta ng cr hahaha!!! ” sabay tawa niya ng malakas. Nagulat naman ako sa sinabi niya. Hindi ko kasi inexpect na may lokong-lokong utak din pala to. Akala ko inosente at walang sense of humor.

“ tawa eh nuh? kaloka ka pala ” tawa lang kami ng tawa. Hanggang sa may dumating na lalaki at inistorbo yung moment namin.

“ Lance? busy mo ah? halika samahan mo ako ”

“ ha? saan? sa CR? ” tumawa nanaman si Lance pero yung lalaki at ako ay hindi tumawa sa joke niya.. Magkakilala silang dalawa?

“ eto naman sobrang seryoso ninyung dalawa ay oo nga pala zim si ki— ”

“ alam ko, tara na Lance! huwag mo akong pagalitin ” atsaka nag-walkout siya. Oo kilala ko si Zim. Kilala namin ang isa't-isa. Zim is my almost boyfriend kaso may nangyaring hindi maganda kaya we are not in good terms.

“ pasensya na kim ha? pinagmamadali ako hehe maya nalang muna bye! ” sabay ngiti at kumindat na naman sa akin. Nag'wave naman ako sakanya at natahimik saglit. Ano na ba itong nararamdaman ko. Medyo may konting feelings na ako kay Lance kaso nung nakita ko si Zim, bumalik ang lahat ng alaala namin mga alaala na sinayang namin. Miss ko na siya.

Author's Note:

Pa shout out nalang po kay kimmyaaang na kaibigan ko! eto na po maam pinagpuyatan ko to 😂 sa mga readers naman hope you like it! ❤

Fight For LoveWhere stories live. Discover now