GANGSTERS 1

29K 448 23
                                    

(Naya's POV)



Nakasandal ako sa pader na katapat ng poste ng ilaw sa tabi ng kalsada, habang matyagang hinihintay ang pakay ko. Hindi pa naman ganoon kalalim ang gabi pero tahimik na ang lugar na kinaroroonan ko. Pero tamang-tama lamang ito dahil hindi ko alam kung anong mangyayari ngayong gabi.


Bahagya akong nakatungo at nakatingin sa semento na tinatapakan ko para itago ang muka ko, pero kahit na ganoon ay ramdam ko pa rin naman ang mga nasa paligid ko. Hindi rin naman ako makikita dito dahil sa sobrang dilim ng lugar at mangilan-ngilan lang din ang poste ng ilaw, bukod pa doon ay naka-all black akong suot na humahalo sa kadiliman ng lugar kaya talagang hindi pansinin.


Naka-suot din ang hood ng jacket ko sa akin, at nakikita ko pa rin naman ang eskinita na dadaanan nila kahit na naka-kubli ako. May mga inaantay lang din naman akong dumaan bago ko gawin ang pakay ko dito at sila ang target ko ngayong gabi.


Hindi pa man nagtatagal na nakatayo ako dito, mayamaya lamang ay narinig ko na rin ang ingay nila, at tuwang-tuwa pa sila habang naglalakad sa kahabaan ng madilim na eskinitang ito. Tila hindi nila iniinda ang kadiliman ng lugar, sabagay, mga halang nga pala ang kaluluwa ng mga ito, hindi sila takot sa mga ganitong lugar at mas gusto pa nila iyon.


"Pst!" dinig kong sitsit ng kung sino na hindi ko makita kung nasaan.


Bullshit! am I not alone here? Hindi ko siya naramdaman. Kung sino man siya alam niya kayang nandito ako at nakaabang din sa kanila? Who is that? Hindi na nakalapit sa tapat ko ang limang lalaking hinihintay kong dumaan sa harapan ko, narinig ko ring may humiyaw bigla sa kanila. And I knew from there that everythings fvck up now.


Shit? Who's that? Hindi ito maganda, agad akong sumilip sa kanila at nakita kong tumakbo na 'yong apat pang natitira at saktong-sakto naman na sa tapat ng poste ng ilaw sila bumagsak na katapat ko rin, pero bago 'yon ay apat na putok muna ng baril ang narinig ko.


Napayuko na lang din ako ng barilin ako ng papalapit na lalaki sabay takbo. Sigurado akong lalaki siya, halata iyon sa pigura niya. Mas binilisan ko pa ang pagtakbo dahil hinahabol niya ako, habang iwas lang din ako ng iwas sa mga bala ng baril niya. This is bullshit, I have never encountered such sa mga ganitong mission na ginagawa ko. Is this a trap? O ibang gang lang din sila?


Mabilis akong nagtago sa kasunod na poste na nadaanan ko saka ako mabilis na naghagis ng knife sa kanya na alam kong hindi niya inaasahan, at pagbagsak niya na lang din ang narinig ko matapos noon. Mabilis masyado ang mga pangyayari, hindi ko man lang natanong ang limang target ko tungkol sa pakay ko sa kanila.


I tumble down moving forward noong hindi ko inaasahan na may sumipa sa akin mula sa likuran ko, tumayo rin agad ako at sinalo ang sunod niyang sipa sabay hila ng paa niya at saka ko tinadyakan ang isa niyang paa. Iniwasan ko rin naman ng mabilis 'yong sumuntok sa akin na nasa gilid ko saka ko itinulak ang lalaking hawak ko ang paa ng buong lakas, sumugod naman ulit sa akin ang lalaking nasa tagiliran ko kaya sinapak ko rin siya.


Pagbagsak noong dalawa ay may sumulpot naman na isa pang lalaki na mabilis na tumatakbo papalapit sa akin, he was aiming a flying kick pero masyado siyang mabagal kaya mas nauna pang tumama sa kanya ang flying kick ko saka ko sinapak 'yong sumulpot sa likod ko na nagtangkang humablot sa akin.

Underground Society: Gangster (Completed)Where stories live. Discover now