Ikaw + Ako = TAYO.

217 1 0
                                    

Ikaw + Ako = TAYO.
Spoken Word Poetry.

Ikaw. Nasaan ka na nga ba? Saan na ba tayo?
Ahh. Oo nga pala. Dito na sa piling ko.
Hindi ko din naman akalain na matutupad ito.
Dahil madalas ka lang naman na laman ng mga pangarap ko.
Pero lubos kong pinagpapasalamat sa Kanya.
Dahil ikaw ang isa sa pinakamagandang pangarap ko na tinupad at binigay Niya.

Hindi mo naman kailangan na maging perpekto sa akin.
Kasi ang imperpektong ikaw ang aking tatanggapin at mamahalin.
At kahit na sabihin mo na ikaw ay may puso at pagkatao na durog at basag.
Handa akong yakapin ka ng mahigpit at tulungan na buoin yang nabasag.
Hindi mo na mararamdaman ang mga nadama mo sa kanya noon.
Dahil nandito na ako, makakasama mo na mula ngayon.

At ngayon na nandito na ikaw sa buhay ko.
Masasabi ko na sa wakas, nahanap ko na din ang kapareha ng puso ko.
Hindi mo man naranasan na maging kanyang prinsesa.
Pangako ko na ipadadama sa iyo ang pagiging isang reyna.
Ako na iyong hari at ikaw na aking nag-iisang reyna.
Kasama ang ating magiging mga prinsipe at mga prinsesa.

Ikaw na hinahangad ko lang na makasama.
Ikaw na bukod tangi sa aking mga mata.
Ikaw na muling nagpatibok sa aking puso.
Ikaw na bumuo sa aking pagkatao.
Ikaw na gusto kong makasamang bumuo ng pamilya at katuwang sa buhay.
Ikaw lang na mamahalin ko habambuhay.

Ako. Minsan iniisip ko, karapat-dapat ba ako para sa'yo?
Punong-puno ng pagdududa ang pag-iisip ko.
Pero ang lahat ng agam agam ko ay biglang nawawala.
Lahat ng takot at pangamba na nasa puso ko ay naglalaho na.
Sa tuwing ako'y nasa iyong mga bisig. Ako'y napapangiti.
Ikaw lang pala ang kailangan ko para lahat ng nadama kong sakit ay mapawi.

At kahit na alam mong ako'y takot at nangangamba.
Tinulungan mo ako na lahat ng ito ay mawala.
Hindi mo lang alam kung gaano mo ako muling  napasaya.
Kung paano mo napabalik ang kislap sa aking mga mata.
Kaya ako'y lubos na nagpapasalamat sa'yo.
Ngayon masasabi ko na ako'y kumpleto at buo.

Wala akong alam na maibibigay sa'yo.
Sana sapat na ang buhay at puso ko.
Dahil ito lamang ang meron ako.
Ito lamang ang kaya kong ibigay sa'yo.
Pinapangako ko na ikaw lang ang para sa akin.
Ikaw lang ang tangi kong mamahalin.

Ako na handang ibigay ang lahat-lahat.
Ako na sabi mong sa'yo ay sapat na at karapat-dapat.
Ako na kahit ganito, mamahalin ka ng buong-buo.
Ako na itinakda para sa'yo.
Ako na handang makasama ka.
Ako na lubos na nagpapasalamat sa Kanya.

Tayo. Tayo na di inaasahan na magtagpo.
Ikaw at ako na di akalain na magiging dahilan ng pagbabago.
Tayo na handang lumaban sa kahit anong dagok.
Tayo na hawak kamay haharapin ang lahat ng pagsubok.
Tayo na handang protektahan ang bawat isa.
Tayo na hindi na maghahanap pa ng iba.

Tayo na kahit anong mangyari ay di magbibitawan.
Tayo ay kakapit at ang isa't-isa ay di papakawalan.
Tayo na iisa lang ang tinitibok ng damdamin.
Tayo na walang ibang iingatan at iibigin.
Tayo na umaasa sa magandang kinabukasan.
Tayo na magmamahalan mula ngayon hanggang walang hanggan.

Ito ako. Kung ano man ang bumabagabag sa'yo, handa akong pakinggan.
Kung yun lang ang magpapagaan ng kalooban mo at isip mo'y malilinawan.
Hindi mag-aabalang lumingon sa iba. Sapat na sa akin na ikaw lang ang nasa aking paningin.
Dahil ikaw lang naman ang tinitibok nitong damdamin.

Ikaw lamang. Nandito na ako at handang yakapin ka. Sabihin ang mga salitang ito sa'yo.
Na ito ako. Tatanggapin ka ng buong-buo.
Mula sa lahat ng mga bagay na di mo matanggap sa sarili mo.
Hanggang sa mga bagay sa'yo na mamahalin ko.
Mula ngayon hanggang sa mga susunod, hindi na kita iiwan pa. Ikaw lang at ako.
Mula simula hanggang wakas, mananatili ang salitang tayo.

-M Agapito
August 4 2017

-M AgapitoAugust 4 2017

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
Spoken Word Poetry.Where stories live. Discover now