Kabanata 10

1.1K 25 4
                                    

 A/N

Sigh* I’m kinda sad writing this chapter. Georgia died the other night. T_T She’s the youngest among our four dogs and so far she’s my favorite pa naman! Oh, how I missed her!

Anyways, I promise it won’t affect this chapter.  Sad lang ako. Pero carry lang. Good thing I wasn’t able to see her dead nor how she died, or else, I’ll keep on thinking about it and..woaaalaaa..maiiyak lang ako paulit-paulit although naiyak din naman ako nung nalaman ko yong news..

Well, so much for that na nga.. Here’s Chapter 10! ENJOY!

Si Dina pala ‘yong picture sa kanan. Mamerto’s younger sister.

Xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Miyerkules. Isang tulog na lang darating na si nanay, wika ni Ferel sa sarili. Napangiti siya. Pero hindi dahil sa sabik siya sa pagbabalik ng kayang ina kundi dahil sa nangyari sa kanya kahapon. Sa kanila ni Mamerto. Ang saya-saya nitong kasama. Ganoon pala ang pakiramdam ng may matinong kausap, ng may kaibigan. Para siyang nangangarap at nagkatotoo ng mga sandaling iyon. Hindi niya tuloy maiwasan na maalala ang pag-uusap nila ni Mamerto kahapon.

“Ferel,” tawag ni Mamerto sa kanya. Halos pabulong lang iyon pero dinig na dinig niya ito. Kasalukuyan silang naglalakad pauwi. Inihatid siya nito.

“Hmm?” tugon niya saka nilingon ang binata. Hanggang balikat lang siya nito kaya medyo nakatingala siya rito.

“Alam mo, ngayon lang ulit ako nagkaroon ng kaibigan,” sabi nito na nakatingin sa malayo.

“Talaga?” parang ayaw niyang maniwala sa sinabi nito.

Sumulyap ito sa kanya, “Oo nga.”

“Akala ko ba maraming naghahabol na babae sa’yo sa bayan?”

“Naghahabol lang sila, pero hindi ko sila kaibigan,” turan nito.

“Ang ganda mong lalaki, Mamerto!” natatawa niyang sabi.

Umismid ito, “Alam ko.”

Tumawa siya nang malakas, “Ang yabang mo, oy!”

Nakitawa rin ito, “Nagsasabi lang ako ng totoo.”

Ang lakas ng tawa nila pero ilang sandali pa ay sabay silang tumigil sa pagtawa. Nagkatinginan sila. Mata sa mata. Tapos mayamaya lang nagtawanan na naman sila.

“Para na tayong baliw, Mamerto,” sabi niya nang mahimasmasan silang dalawa sa kakatawa.

“Natural lang naman ang tumawa ah,” ngiti  ito sa kanya.

Ngumiti rin siya. Parang nang mga sandaling iyon lang niya naranasang tumawa. At masarap pala itong gawin.Walang pagsidlan ang kasiyahan na nararamdaman niya habang naglalakad sila ni Mamerto. Kakaiba. Para siyang lumulutang sa ulap. Bakit nga ba ganoon ang nadarama niya? Marahil kasi ang binatang kasama niya ngayon ang kauna-unahang nagpangiti sa kanya, ayon sa pagkakatanda niya.

“Natahimik ka na d’yan,” anito.

“Ang saya ko kasi. Hindi ko alam pero ang saya ko ngayon,” tumigil siya sa paglalakad.

Tumigil din ito sa paglalakad, “Ngayon ka lang ba naging masaya?”

“Ewan ko,” sagot niya, “Ikaw, Mamerto, kailan ang masasabi mong pinakamasayang pangyayari sa buhay mo?” humarap siya sa binata saka tiningala ito.

“Hindi ko rin masabi, Ferel,” tiningnan siya nito sa mga mata.

“Pareho pala tayo. Pero kung may maaalala lang ako, siguradong iki-kwento ko sa’yo ‘yon. Ang kaso wala ,” aniya.

“Ayos lang yan.”

“Ang importante na lang sa ‘kin, masaya ako ngayon.”

“Talaga..”

“At iyon ay dahil sa’yo Mamerto. Salamat.”

Natigilan ito.

“Bakit natahimik ka?” tanong niya.

“Dahil sa ‘kin kaya ka masaya?”

“Uulitin ko pa ba?”

Ngumiti lang ito saka nagsimulang maglakad ulit.

“Oy, hintay!” habol niya.

Tahimik silang naglakad hanggang sa nakarating na sila sa kubong tinutuluyan nilang mag-ina.

“Salamat sa paghatid, Mamerto,” sabi niya nang makarating na mismo sila sa may pinto ng kubo.

“Wala ‘yon,” tugon naman nito.

“Aalis ka na ba?”

“Oo sana.”

“Sige, mag-ingat ka,” saka nginitian niya ito.

Tumalikod na ito pero bigla ulit itong humarap sa kanya, “Ferel,” sabi nito.

“May sasabihin ka pa ba?” nang mga sandaling ‘yon ay hindi maalis sa mga labi niya ang ngiti.

“Kuwan kasi…”

“Ano? Sige na, ‘wag ka nang mahiya sa ‘kin.”

“P-pwede ko bang m- mahawakan a-ang… m-mukha mo?” nauutal na wika nito.

“O-Oo naman,” pagpayag niya pero sa isang bahagi ng utak niya ay nag-aalangan siya.

“Talaga?” gulat na sabi nito, parang hindi makapaniwala na pumayag siya.

“Oo sabi, hahawakan mo lang naman e.”

“Sigurado ka?”

“Isang tanong mo pa, hindi na ako papayag,” pananakot niya.

Dahan-dahan naman itong lumapit sa kanya. Tumingin muna ito sa mga mata niya bago iniangat ang kanang kamay para hawakan ang mukha niya. Ang init ng palad nito. At katulad noong unang beses na nagdaop ang kanilang mga palad ay may kung anong kuryente siyang naramdaman. Pigil siyang huminga. Kagyat nitong iginalaw ang hinlalaki sa pisngi niya.Napasinghap siya. Inalis niya bigla ang kamay nito sa pisngi niya.

Pareho silang hindi nakapagsalita.

“Mauna na ako, Ferel,” pagkaraan ay paalam ni Mamerto.

“S-sige,” nasabi na lang niya.

Tumalikod na ito at naglakad pauwi. Siya naman ay naiwang nakahawak pa din sa pisngi niyang kanina lang ay hawak ni Mamerto. Napangiti siya. Matamis na ngiti ang gumuhit sa kanyang mga labi.

Bumuntong hininga si Ferel . Oo. Iyon nga ang nangyari kahapon at hindi niya iyon makalimutan lalong lalo na ang huling bahagi ng kanilang pag-uusap. Bakit ganoon ang naramdaman niya. May kakaibang damdamin ba siya kay Mamerto? Bakit ang gaan gaan agad ng pakiramdam niya sa dito gayong kahapon lang naman sila pormal na naging magkaibigan.

Napagpasyahan niyang bumangon na at maghanda ng almusal. Isang lata ng sardinas ang nakita niya sa kahon na imbakan nila ng pagkain. Binuksan niya iyon at iginisa. Nagsaing din siya. Pagkatapos ay kumain siya ng almusal. Naghugas siya ng pinagkainan at nagmamadali siyang tinungo ang banyo para maligo. Teka, teka. Bakit nga ba siya nagmamadali?

Xoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxoxo

Thank you sa pagbabasa! Alam kong may mangilan-ngilang readers narin dito. Kayo po ang nagpapasaya sa ‘kin. Lalong lalo na ‘yong mga positive niyong comments. Hehe.

ALAALAWhere stories live. Discover now