Chapter 4

279 10 7
                                    

a/n: sorry late. tinatapos ko lang yung isa kong story para dito na ko tutok hehe salamat sa paghihintay :)

————-

lumipas ang tatlong linggo....

hindi na malaman ni Dianne ang gagawin ngayong ilang linggo na ang lumipas ngunit wala pa ni anino ng asawa ang natatagpuan. wala din silang makuhang lead dahil wala rin namang testigo sa aksidente ang lumilitaw bukod kay Carlos na kasama ni Louis nung araw na iyon.

"Maniwala ka Dianne, hindi ko talaga alam kung nasan si Louis. iniwan ko sya don sa sasakyan para humingi ng tulong pero pag balik ko wala na sya dun!". paliwanag ni Carlos kay Dianne. matapos ang aksidente ay wala nang pahinga si Dianne sa paghahanap sa asawa. araw araw syang sumasama sa mga pulis sa mga searching operation mapa dagat man o lupa. ilan-ilan na ring isla ang kanilang pinuntahan para mag hanap ngunit tila nagaaksaya lang sila ng panahon.

"alam mo Carlos kung wala kang ibibigay na sagot kung nasan ang asawa ko, h'wag ka nang pupunta dito. naniniwala akong may kinalaman ka sa pagkawala ni Louis at sa oras na mapatunayan ko yun. I assure you magbabayad ka!" dianne said at agad nyang pinagsarhan ng pinto ang kaibigan ng asawa.

"Lyn! palabasin mo na ng gate yang lalaki sa labas then isara mo yung gate pagkatapos" inis na utos nya sa kasambahay

"opo ate" sagot nito at nagmamadaling lumabas ng bahay. wala naman nagawa si Carlos kundi umalis sa bahay ng mga Alcantara.

simula ng ihulog ni Carlos si Louis sa bangin ay kahit kailan hindi man lang ito nakaramdam ng pagka guilty sa sarili sa  halip ay patuloy nyang pinaniniwala ang mga tao sa mga kwento nya. sino nga ba naman ang magdududa kay Carlos na matalik na kaibigan ni Louis simula nung mga bata palang sila . parang si Dianne na lang siguro ang walang tiwala at hindi naniniwala sa kanya. malakas ang kutob ni Dianne na malaki ang kinalaman ni Carlos sa pagkawala ng asawa. pero hindi nya naman pwedeng gamitin na ebidensya ang kutob lang. kailangan nya itong mapatunayan.

agad na pumasok si Dianne sa kwarto nila. hindi na nya mapigilan ang mapaiyak dahil sa inis at pagkamiss kay Louis. walang araw itong hindi umiyak dahil sa labis na pagkalungkot at pag-aalala. hindi makakain, makatulog. halos mapabayaan na nito ang kanyang sarili.

"Louis" sambit nito habang patuloy sa pag-iyak.

lalong nadagdagan ang bigat na nararamdaman ni Dianne nang isara ng mga pulis ang kaso ng asawa. itinigil ng kapulisan ang paghahanap dahil walang tiyak na sagot kung nasaan nga ito at sa laki ng dagat imposible na nga para sa kanila na makita pa ito. bagay na labis nyang ikinagalit at hindi sinangayunan ni Dianne. naniniwala syang buhay si Louis at ligtas ito. pero ngayon ay hindi na nya alam ang gagawin lalo pa't sarado na ang kaso.

---------

"Kelan kaya gigising 'to? mimiss ko na' tong higaan ko" pabirong tanong ni Jose habang nakatabi sa wala pa ring malay na si Louis at humihigop ng mainit na kape.

"Bakit di na lang kaya natin sya dalhin sa bayan? para ipagamot sa hospital doon" suggestion ni Jepoy. hanggang ngayon ay nagtataka pa din ang pamilya ni Mang Ger kung bakit hindi pa rin nagkakamalay si Louis. halos tatlong linggo na nila itong inialagaan.

"hoy, pambili mo nga lang ng sarili mong toothbrush wala ka. pang hospital pa kaya?. bakit hindi ka kaya lumabas at magmumog? amoy basang lupa yang bibig mo eh" sabi ni Jose. agad namang inamoy ni Jepoy ang kanyang hininga.

"grabe ka naman!" angal nito.

umikot ang mga mata ni Jose sa kapatid at tsaka humigop ng kape ngunit bigla nya itong naibuga sa mukha ni Jepoy ng makita ang pagdilat ng mata ng katabing si Louis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 15, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

I'm Nothing without you (VhongAnne/VhongRylle) Where stories live. Discover now