Chapter 21

280 9 0
                                    

             “We have freedom to love anyone, but the hardest part is we have no right to beg them to love us in return.”

SI JOSEPH

            There is no perfect relationship but perfect love? There is.

            Unconditional love. Isang uri ng pagmamahal na kayang isakripisyo kahit sariling kaligayahan. Na kahit gaano man kasakit pipiliting tanggapin para sa taong nasa puso natin, Na kahit mahirap maintindihan pipilitin parin unawain kasi mahal natin, seriously that kind of love, Unang pinakita at pinadama satin mga nanay natin, Mga nanay natin yung unang nagturo kung pano nga ba magmahal.

            Kung pano tayo dapat magmahal at higit sa lahat kung pano natin dapat mahalin yung sarili natin. We can HAVE love if we know how to GIVE it.

            “ Joseph I love you.”

            “ Wala na si Joseph.. Wala na sya Chris.. Yung kaharap mo ngayon si Steven na.. Si Steven na unti unti ng kinakain ng galit.” bulong ko “ umalis ka na please.”

            “ Siguro nga... Hindi ka na si Joseph.. Kasi alam mo yung kilala kong Joseph.. Nangako sya na di ako sasaktan.. Nangako sya na di ako iiwan.. Yung joseph na kilala ko nangako sya na habang buhay niya ko mamahalin.” saad niya kasabay ng mga luha.. Tumayo naman sya saka ako tinitigan hindi ko naman napigilan umiwas ng tingin, di ko kayang tingnan si chris sa mata. “ Yung joseph na kilala ko.. Hindi niya ko kayang saktan ng ganito. Hindi niya kaya.” tumungo lang ako.

            “ Umalis ka na..Umalis ka na please.”

            “ Tandaan mo to.. Hindi ako ang nang iwan.. Hindi ako ang sumira sa pangako at hindi ako yung tumigil magmahal.. Kasi ginusto mong iwan kita.. Ginusto mong saktan ako at ginusto mong mawala ako sa buhay mo! Steven Hindi ako ang pumili nito.. Ikaw!”gigil na saad niya.

            “ Umalis ka na!” sigaw ko.

            “ Kay Steven kaya kong Sumuko.. Pero kay Joseph Hindi..” Saad niya saka tumalikod. Nakakailang hakbang na sya nun nang tumigil sya.. Hinayaan ko lang yung luha ko pumatak. Hanggang makita ko yung pagpatak ng ulan sa labas.

            “ Chris umalis ka na please?” Saad ko ng makitang huminto sya sa paghakbang. Nakita ko naman na nagpunas sya ng mukha. Huwag kang haharap Chris please.. Ayokong nang makita yung luha mo, ayoko makita na umiiyak ka dahil sakin... Mas lalo akong nadudurog mas lalo akong nasasaktan.. Please.. Please.. Wag ka nang haharap.

            “ kala ko mahina ka.” bulong niya. “ kala ko hindi ka ganun katapang para iwan ako.” hikbi niya.  “ Joseph bakit ganun? Gusto ko lang naman magmahal eh.. Gusto ko lang magmahal pero bakit lagi nalang akong nasasaktan... Ginawa ko lahat para maging perkpekto lang tong relasyon na to, kinain ko yung pride ko, pinilit kong wag matakot, I risk it all, my future, my life even my family. Maghahabol na nanaman ba ko ng taong hindi ako kayang mahalin habang buhay?” Saad niyang niyang di lumingon.

            “ Chris.”

            “ Joseph sobrang manhid ko na. Pero hindi dahil kaya kong tiisin yung sakit.. it doesn’t mean I deserve it.. ”

            “ I’m sorry.” bulong ko humarap naman sya sakin saka pinilit ngumiti kahit may luha sa mga mata.

            “ Aalis na ko.”

            “ Chris.”

            “ It’s ok.. I’m sorry sa mga sinabi ko, Joseph you know me hindi ako marunong magmove on kaya huwag kang umasa na susukuan kita, never, Well yun ata ang role ko sa mundo, maghabol ng maghabol sa taong mahal ko.. Yun sinabi mong di mo na ko mahal.. Alam ko sinabi mo yun para layuan na kita pero hindi ko gagawin yun kasi mahal kita.. Mahal na mahal.” saad niya kasabay ng mga luha.

Just For A MomentWhere stories live. Discover now