Part two ♥

225 11 11
                                    

All rights reserved. No part of this story/One-shot may be reproduced in any form without prior permission from the author (MissLousyKisser).

♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥ ♥

[Judson's P.O.V]

Dahil nga sa wala akong magawa ngayong araw, ay napag pasiyahan kong mag lakad lakad muna. Hanggang sa makarating ako sa isang Parke malapit sa Subdivison namin. Umupo muna ako sa isa sa mga swing doon. Walang masyadong tao dito kasi mag gagabi na din. May nakita akong magkasintahan na magka holding hands pa at nag haharutan. Tss! Mga malalandi talaga, napailing nalang ako sakanila. Maya maya'y nakita ko silang nag hahalikan (O.o). Syeeeet naman, oh! Kailangan bang sa harap ko pa talaga sila mag ganyan. Putchaaa naman! (-_-)

"HOY! Mga wala ba kayong pinag aralan! Bakit dito kayo nag lalampungan, ha? Hindi niyo ba alam na bawal yan dito! Mga malalandi! Kung gusto niyong mag harutan doon kayo sa mga kanya kanyang bahay niyo. May mga bahay naman kayo diba? Alis nga kayo dito! Chupe!" galit na saad ko habang nakataas ang kilay.

"HOY ka rin! At bakit naman kami aalis dito, ha? Pag mamay ari mo ba ito at kung makapag paalis ka saamin diyan! Upakan kaya kita!" galit na sabi nang panget na mamang kaharutan nang malanding babae.

"Babes! Tama na yan. Inggit lang yan kaya galit! Halata namang walang girlfriend yan, e." sabi nang malanding babae na ikinainis ko. "Tara na, babes! Sa ibang lugar nalang naten ituloy to." flirt na sabi nang babae.

Bigla namang umaliwalas ang mukha nang panget na mama. 

"Pasalamat ka at wala ako sa mood ngayon kundi bugbug sarado ka saken. Halika na nga, babes!" sabay alis nang dalawa.

Kainiiiiis! Ginulo ko yung buhok ko sa inis sa dalawang busangot na iyon. Napa upo nalang ulit ako sa may swing. >:(

Kailan kasi ako mag kakasyota? Hindi naman ako mag kakaganito kung may girlfriend lang sana ako.Yung mag aalaga sayo pag may sakit ka, yung iintindihin ka, yung tipong IKAW lang ang mahal niya at wala nang iba. Gusto kong maranasan lahat ng mga iyon. Naisip ko lang may nailaan ba ang diyos para saaken? Kung meron man.

Maganda ba ito?

Maputi ba?

Sexy ba?

Baka Artista?

O baka naman ay tatanda akong binata?

Naku po! Wag naman po sana! Diyos ko po, wag niyo naman akong gawing virgin habang buhay. Napailing nalang ako sa mga katarantaduhang pinag iisip ko. Haaaay! Napatingala nalang ako sa kalangitan. Malamig ang simo'y ng hangin, napakasarap matulog. Dahan dahan kung ipinikit ang aking mga mata.

O.O    - - - - - - - > Dilat pa mata ko.

O.=    - - - - - - - - > Pumikit na isa kung mata.

=.=   - - - - - - - - - >  Boom! Hindi ko na namalayan na nakatulog na pala ako.

Bigla akong naalimpungatan. Syeeeet! Gabi na pala! Tiningnan ko ang aking wrist watch, 7pm na. Grabe naman! Naabutan ako nang gabi dito sa kaka-Isip kung mag kakasyota pa ba ako. Maka uwi na nga! Lagot ako neto kay mama, sinabi pa naman niya kanina na umuwi ako nang maaga kasi ipag luluto daw niya ako ng kanyang Specialty na Adobong manok. (-_-) Nang papatayo na sana ako ay may nakita akong larawan nang isang babae. Bigla akong napahinto at parang malalaglag na panga ko sa aking nakita! Putcha naman, oh! Ang ganda naman netong babaeng to, parang anghel. Sino kaya etong magandang babaeng nasa larawan? O.o Inilagay ko muna ang larawan sa aking wallet atsaka dali daling umalis papuntang bahay.

"Mama! Andito na po si kuya!" sabi ni Nico. "Lagot ka, kuya! Lagot ka kay mama." panunuya neto.

"Wag ka ngang maingay! Pag ako mapagalitan ni mama, lagot ka talaga saken!"

"Mama! Mama! Si kuya, Oh! Inaaway ako. Siya na nga tong hindi maagang umuwi tapos siya pa yung galit. Mama! Mamaaaaaaa-" bigla kong tinakpan yung bibig nang makulit kung kapatid.

"Judson! Bakit ngayon ka lang, ha? Sabi ko naman sayo kanina na umuwi ka nang maaga kasi mag luluto ako nang Adobo." Naku po! Galit na galit si mama. Ano kaya yung idadahilan ko? Sasabihin ko kaya yung totoo? Na nakatulog ako sa parke sa kakaisip kung mag kakagirlfriend pa kaya ako?

 Wala na akong choice. Kaya sinabi ko nalang kay mama yung totoong nangyari kung bakit ako hindi maagang nakauwi. Kaya heto ako ngayon pinag tatawanan nang magaling kung kapatid. Tsk!

 "HAHAHAHA! Nakakatawa ka talaga, Kuya! HAHAHAHAHAHAHAHA!

"Isa pang tawa diyan, makakatikim ka na talaga saken!" galit na sabi ko.

"Totoo naman kasi, e. Nakakatawa ka talaga, diba mama? Pfffffft. HAHAHAHAHA! Pffffft." sabi nang baliw kung kapatid habang nagpipigil nang tawa.

"Haaaaaay, anak. Ano ka ba? Wag kang maging desperado na makahanap nang girlfriend kasi kusa yang dumadating sayo. Ang dapat lang ay maging matiyaga ka. Dapat marunong kang mag hintay."

"Hanggang kailan naman ako maghihintay, ma? Hanggang tumanda na ako atsaka mamatay?" sarcastic kung tanong.

"Anak, naman. (Sighed) Kung andito lang sana ang papa mo, sigurado akong matutulungan ka niya sa problema mo. Pero, kinuha na siya ni LORD, e. Sumalangit nawa'y ang kanyang kaluluwa." malungkot na tugon ni mama.

"Mama, naman. Ano nanamang kadramahan eto? (Makaalis na nga) Akyat na po ako sa itaas, ma." sabay halik sa kanyang pisngi.

Nang makaakyat na ako sa itaas ay kaagad akong humiga sa aking kama. Haaaaay! Nakakapagod talaga etong araw na ito. Pinikit ko muna saglit ang aking mga mata, nang dahil na rin sa pagod. May kaagad akong naalala. Kinuha ko kaagad ang larawan nang babae sa pitaka ko. Tiningnan kong mabuti ang kanyang magandang mukha. Ang ganda nang mga mata niya. Ang haba at ang kintab nang buhok niya. At ang pula pula pa nang labi niya. Ang sarap halikan. Halikan ko kaya yung larawan na eto, wala namang makakakita, e. (^_^) Bigla ko etong hinalikan.

Tsuuuuuuuuuuuuuuuup! :**************************************

Teka! Ano bang ginagawa ko? Nababaliw na ba ako? Pati yung larawan pinag nanasaan ko. Ganito na ba ako kadesperado? Baliw kana talaga, Judson. Ano ba ang pumapasok sa kokote ko. Nababaliw na talaga yata ako, katulad nang kapatid ko. (Bakit nasali kapatid ko? HAHAHA! Peace sign  V(^_^)) Habang pinapagalitan ko ang sarili ko sa mga pinag gagagawa kung katarantaduhan ay biglang tumunog ang cellphone ko.

 End of Chapter two ♥

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: May 19, 2014 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Her Name ♥ (One-shot)Where stories live. Discover now