Sign of Life (7th Wattpadeography Contest Winner)

632 9 0
                                    

 
Dahan-dahang bumangon si Jake sa kama at inayos iyon. Pagkatapos ay lumabas ito ng silid-higaan ng kanyang inuupaang apartment. Hindi iyon kalakihan. May maliit na banyo, di kalakihang kusina na bubulagta bago ang kanyang maliit na kwarto. Ang salas ay halos kasing laki lamang ng kwarto niya kasiya ang isang sofa, coffee table at telebisyon na nakadikit sa dingding.

  Inaantok pa ito pero kailangan na nitong magsimula. Tinignan nito ang kanyang wallclock na halos hindi na makita ang nakasulat sa loob dahil sa kapal ng alikabok. Sa pagkakaabala niya sa kanyang trabaho sa pagiging isang barista sa isang coffee shop, nakakalimutan na nito mag-ayos ng kanyang apartment. Kahit sa kanyang day-off ay hindi nito magawang maglinis ng kanyang apartment. May mga bagay-bagay siyang ginagawa at pinupuntahan.

  Alas singko na, kailangan na nitong umalis. Sa pagmamadali nito ay hindi na niya nagawang magkape man lang kahit na kumakalam ang tiyan niya. Kinuha niya agad ang kanyang tuwalya at dali-daling nagpunta sa banyo upang maligo kahit na 'sing lamig ng yelo ang tubig.
  Pagkatapos maligo ay agad-agad siyang naghalungkat ng maisusuot. Espesyal ang araw na iyon. Kailangan niyang mag-ayos ng mabuti ngunit sa kasawiang palad ay wala siyang makitang naaayon na damit nito. Sa pagkaalaala nito, noong baguhan pa lamang ito sa kanyang trabaho huling bumili ng bagong damit.
  Nang wala talaga itong mahanap na damit, nilingon niya ang kanyang pitaka na nakapatong sa di kakapalang kama nito. Lumapit siya rito. Kinuha niya ang kanyang pitaka at binuklat. Bumungad sa kanya ang isang napaka gandang litrato, napangiti siya.
  Gusto sana niya bumili ng bagong damit ngunit gipit na ito sa oras. Marami pa siyang pupuntahan. Kumuha na lang ito ng isa sa mga polo shirt at maong at nagmadaling nagbihis.
  Bago siya umalis ng apartment ay napalingon muna siya ulit sa orasan. Ala sais. Kailangan na niyang umalis. Marami pa siyang dapat daan at gawin.
  Habang nasa biyahe, sakay ng jeep, hindi niya mapigilang tumingin sa wallpaper ng kanyang cellphone. Tinitigan niya ito na sing-lagkit ng kakanin na kinakain ng kaharap niyang bata sa jeep. Muli, napangiti na lamang siya at nagsuot ng earphone.
  Pagkaraan ng ilang minuto na biyahe, bumaba si Jake ng jeep sa downtown ng kanilang bayan. Araw ng Linggo kaya maraming tao ang dumayo upang mamalili at mamasyal. Nais man nitong maghinahon sa paglalakad ngunit gipit na ito sa oras. Hindi na nagpatumpik-tumpik si Jake at hinanap na ang unang pakay niya.
  Huminto si Jake sa isang Flower Shop. Nakausap na nito ang may-ari ng tindahan ilang araw na nakakalipas. Sa kagustuhan nitong bulaklak na kunin, ipinahanda na nito at binayaran bago pa man ang araw na iyon.
  "Oh Jake! Ikaw pala 'yan! Naka ready na ang order mo. Wait lang ang ipapakuha ko." Bati ni Aling Silling, may-ari ng flower shop, na may hawak pang mga bagong bulaklak na balak niyang idisplay sa labas ng tindahan nito.
  "Ay Aling Silling! Magandang umaga ho! Sige lang po."Bati nito kay Aling Silling, "pasensya na ho kung nalate po ako."
  Natawa si Aling Silling, "Ay nako wala 'yon! Halika pasok ka ng makita mo order mo."
  Sumunod si Jake kay Aling Silling sa loob ng shop. Kasing laki lamang ng apartment nito ang tindahan. Napapalibutan ng konting banderitas na nakasabit sa kisame. Ang dingding naman ay gawa sa plywood na pininturahan lang ng puti. Gawa naman sa tiles ang lapag nito at kulay puti rin upang bumulagta agad sa mga mata ng mamimili nito ang kanyang mga bentang bulalak. Sa loob ay may maliit na counter at lamesa, doon nakalagay ang bouquet ng iba't ibang klase ng bulaklak.
  "Actually, dalawa ang ginawa ko ngayon ayon sa gusto mong bulalak. Pumili ka na lang sa dalawa. Magkaiba lang ang ayos nila." Tinuro ni Aling Silling ang dalawang klase ng bouquet na naglalaman ng pulang roses, Italian whites at star gazers.
  "Iyong nasa dulo na lang po," sagot ni Jake.
  Hinugot nito ang pitaka sa bulsa at binuklat. Napangiti nanaman ito sa litrato na nakalagay sa kanyang pitaka.
  "May dumating nga kanina, gusto kunin na iyang isa pero sinabihan ko na nakareserve na iyan."
  Isang makahulugang ngiti na lang ang isinagot niya at ibinigay na ang bayad.
  "Sige po at nagmamadali na rin po ako. Maraming salamat po ulit."
  "Salamat din. Sa uulitin."
  Nagmadaling lumabas si Jake bitbit ang bouquet. Nang makakita ito ng tricycle at dagli nitong pinara. Kung hindi lang siya nagmamadali at walang dala, nilakad na lamang sana niya ang susunod na pupuntahan niya. Ngunit gipit na talaga ito sa oras kaya sumakay na lamang siya sa tricycle.
  Cakeshop. Cakeshop ng tita Maricel niya ang sumunod niyang pinuntahan. Maraming alaala na rin ang naganap sa cakeshop ng tita niya. Ang chocolate cake kasi ng tita niya ang paboritong nilang dalawang kainin. Nagdadala si Jake sa tuwing bumibisita ito sa kanya mula noong natikman nito ang chocolate cake ng tita niya.
  "Tita!" Tawag ni Jake. Lumingon si Maricel at nilapag ang plastik na may icing. Nagdedecorate ito ng cake nang maabutan ni Jake ang kanyang tita.
  "Oh Jake! Buti naman at nabisita mo ako rito sa shop. Matagal-tagal ka nang hindi napapadpad dito." Napapalingon na lang ang kanya tita sa pinto, para bang may hinihintay pa ito na kasama ni Jake. "Marami pa naman akong gustong ipatikim sa 'yong mga cupcakes. 'Di ba paborito niyo yun?"
  Nginitian na lamang ni Jake ang kanyang tita.
  "Opo. Pasensya na ho, ngayon lang ako nagka oras na bumisita. Masyado po kasi akong abala sa pagtratrabaho," paghihingi ng paumanhin ni Jake, "Nareserve niyo po ba yung tinext ko noong isang araw?"
  "Ah! Iyong Triple chocolate cake di ba?" Napalingon ang kanyang tita Maricel sa chiller. "Oo naman syempre! Saglit lang ha at kukunin ko lang muna."
  Tumango na lamang si Jake at nilibot ang tingin sa buong shop.
  Matagal-tagal na rin ang huling punta niya rito. Dati maliit lang 'to ngunit pinarenovate upang maging malaki. Pininturahan na rin ito ng pink at may mga larawan rin ng mga cakes sa bawat dingding ng shop. May maliit na chandelier sa gitna at kulay light pink naman ang kisame. May tatlong malaking cabinet na gawa sa salamin na nakalagay sa gilid ng counter. Sa loob noon ay nakalagay ang lahat ng cakes, cupcakes at iba pang sweets na ginagawa ng kanyang tita.
  Lumago ng lumago ang business ng kanyang tita. Magaling kasi ito. Nakakuha na rin ng maraming parangal kung kaya medyo kilala na rin siya.
  Naalala ulit ni Jake ang mga alaala nila sa shop. Dito sila laging pumupunta at kumakain ng cake kapag parehas nilang napagtripan na kumain ng matamis. Sa lugar din iyon sila nagkakilala. Hindi inaasahan na pagkikita na nagsimula sa pagkakaibigan hanggang lumago ito sa kung ano meron sila sa kasalukuyan.
  May isang luha ang pumatak sa kanyang kaliwang mata na agad naman nitong pinunasan. Napansin iyon ng kanyang titan a papalapit sa kanya na hawak-hawak ang cake. Ngunit hindi ito pinansin ng kanya tita. Iniabot na lamang nito ang cake sa kanya at sabay sabing, "Kahit wag mo ng bayaran, Jake..." Tututol pa sana si Jake nang unahan na siya ng tita nito, "...Regalo ko na 'yan sa kanya. Mag-iingat ka."
  "Sige ho, maraming salamat po tita!" Masayang giit ni Jake.
  Pagkalabas nito ay pumara ulit ito ng tricycle. Dahan-dahan sumakay habang iniingatan niyang ipinasok ang bouquet at cake na nakabox. "Sa Sacred Heart nga ho." Sabi nito sa drayber.
  Napangiti ang drayber ng tricycle, "mukhang may liligawan ka iho..."
  Ngiting aso ang isinagot ni Jake, "Hindi ko lang po siya nililigawan. Papakasalan ko po siya..." Biro nito na ikinatawa naman ng tricycle drayber.
  Pagkarating nito sa Sacred Heart, nilingon ni Jake ang malaking puting gusali habang hinihintay ang sukli nito.
  "Sigurado ka bang narito ang manliligaw mo, iho?" tanong ng drayber at medyo naguguluhang tumingin sa apat na palapag na gusali.
  Tumango si Jake at inayos ang kanyang mga bitbit, "Oho. Siguradong-sigurado po."
  Kahit na naguguluhan ang drayber, tumango na lang ito at umalis na.
  Napatitig ulit si Jake sa kanyang mga dala at napaisip. Teka, bakit parang may kulang? Tanong nito sa sarili. Inisip nito ng malalim kung ano pa ang kulang sa kanyang mga binili. Ngunit hindi niya talaga mawari ang bagay na wala sa kanya.
  Dahan-dahan na lang itong pumasok sa gusali. Tumungo agad ito sa kuwarto ni Tanya.
  Tumayo na lamang ito sa harap ng kuwarto ni Tanya at napaisip. Hindi niya mapigilan ang kanyang halo-halong emosyon. Gusto niyang matuwa, kabahan at umiyak dahil matagal na niyang hinihintay na dumating ang araw na ito. Matagal rin niyang pinagplanuhan at pinag-ipunan ang lahat ng ginastos niya rito. Isa lang ang gusto niyng mangyari sa araw na ito. Isa lang.
  Bubuksan na sana niya ang pinto ng may nagbukas rito sa loob.
  "Oh, Jake, iho, pasok ka." sabi ng nanay ni Tanya.
  Same position. Same room. Same atmosphere. Tulad ng dati, naabutan niyang nakahiga sa isang puting kama ang kanyang kasintahan na si Tanya. Nakapikit at natutulog ng mahimbing. May tubong nakalagay sa bibig. Dalawang bags ng gamot ang nakakabit sa kanyang kaliwang kamay.
  Binati nito ang mga magulang ni Tanya na nagbabantay sa kanya. "Hello po tito, tita!"
  "Oh ano iyang mga dala mo?" tanong ng tatay ni Tanya.
  "Cake po at bouquet," sagot ng binata.
  "Ano ka ba." Tinapik ng nanay ni Tanya ang kanyang asawa. "Araw nila ngayon." Binalik ang lingon kay Jake. "Hindi ba, Jake?"
  Napangiti na lang ito sa kanila.
  "Pasensya na ho kung ngayon lang ako nakabisita ulit." Paghingi ng paumanhin ni Jake, "Ngayon pa lang po kasi ako naging maluwag sa trabaho."
  "Wala iyon." Napangiti ang nanay ni Tanya kay Jake. "Tsaka, kami dapat ang magpasalat sa iyo... kasi hindi mo sinusukuan ang anak namin."
  Gustuhin man ni Jake na mapalagi sa tabi ni Tanya ay hindi nito magawa. Kailangan niyang magtrabaho upang may panggastos sa pagpapahospital sa kanya. Tumutulong ito sa kanila upang sagutin ang hospital at ilang gamot ni Tanya.
  "O sya, maiwan muna naming kayo. Halika na Arturo," Kinuha ng nanay ni Tanya ang kanyang bag niya. "Ikaw muna ang bahalang magbantay sa anak namin... Tara na Arturo."
  Pagkalabas ng mga magulang ni Tanya ay dahan-dahan inilapag ang kanya mga dala sa maliit na lamesa malapit sa higaan ni Tanya.
  Tahimik. Walang boses na marinig maliban sa ilang yapak ng paa galing sa labas. Umupo si Jake na malapit kanya. Tinitigan niya ito. Matangos na ilong, mestiza at may mahahabang pilik mata. Manipis ang labi nito at may hanggang balikat na diretsong kayumangging buhok.
  Iyon ang mukha ng kanyang kabiyak. Iyon ang itsura ng taong minahal niya. Iyon ang larawan ng taong pinagsisikapan niya. Siya si Tanya. Siya ang babaeng nagpatibok sa puso ni Jake. Siya ang dahilan kung bakit nagtitiis si Jake sa kanyang maliit na apartment. Gagawin niya ang lahat mapabuti lang ang kalagayan ni Tanya.
  "Tanya..." ibinulong ni Jake ngunit walang reaksyon ang dalaga. Nanatili ang mga mata nitong nakapikit. Tulad pa rin ng dati.
  Ayaw niyang makita ang kanyang nobya na nahihirapan at ayaw rin ni Tanya na makita si Jake na umiiyak ngunit sadyang hindi mapigilan ni Jake ang kanyang mga luha habang hawak-hawak nito ang isa nitong kamay.
  "Ka-kamusta ka na?" Nagtiim bagang siya. Hindi, hindi siya iiyak. Pinigilan nito mga nagbabadyang luha sa kanyang mga kamay.
  "Happy anniversary!" He slowly caressed her hand. "Sorry at ngayon lang ako nakabisita muli. Ka-kailan ka ba magigising, mahal?" tanong nito habang pinunasan ang tumulong luha sa kanyang kanang mata. "Namimiss na kita... sobra."
  Matagal-tagal na din na walang malay si Tanya. Simula ng nangyari ang aksidente ilang buwan na ang nakakaraan, hindi matanggap ng binata ang nangyari. "Dapat kasi... ako na lang ang nakahiga d'yan." Kagat-labing pinipigilan ni Jake ang hikbi. Sobrang namimiss at nasasaktan siya sa nangyari. Sa tuwing nakikita niya ito ay hindi niya mapigilang makonsensya. Nailagay niya sa kapahamakan ang taong mahal nito.
  "Bakit mo ba kasi ginawa 'yon? Dapat hinayaan mo na lang na ako ang nasa lugar mo!"
  Bumungat sa kanya ang alala ng gabi ng aksidente.
  Masayang nagmamaneho si Jake habang hawak ng isa niyang kamay ang kamay ni Tanya.
  "San ba kasi tayo pupunta?" excited na tanong ni Tanya.
  Anniversary ng magkasintahan kung kaya binalak ni Jake na dalhin ang dalaga sa isang dagat malapit sa bayan upang maipasyal si Tanya at gawin ang matagal na niyang nais gawin.
  "Secret... basta. Trust me na lang. Okay?" sagot ni Jake.
  Sa sobrang tagal ng kanilang pagtitinginan ay hindi na namalayan at narinig ni Jake ang paparating na truck na sumasalubong sa kanila.
  Mabilis ang mga sumunod na pangyayari. Kinabig ni Tanya ang manubela sa pagnanais maiwasan ang truck na babangga sa kanila. Sa kasawiang palad ay bumangga sila sa isang malaking puno malapit sa kalsada.
  Himalang galos lang ang natamo ng binata samantalang nacomatose naman ang kanyang kasintahan.
  "Pa- pasensya na kung... hindi ko naingatan ang kaisa-isang prinsesa ko." Humugot ng hangin si Jake, naninikib ang kanyang dibdib sa sobrang pagkalungkot.
  Tumayo ang binata at dahan-dahan inilapit ang ulo sa tenga ng dalaga. "Mahal, naririnig mo naman ako di ba? Please wake up. Gumising ka na." Tinignan ni Jake ang mga mata ng dalaga na nagbabakasakaling bumukas ang mga ito ngunit hindi nangyari.
  "N-naririnig mo naman ako 'diba? Pasensya na kung nahihirapan ka ng ganito. Sorry, ang tanga tanga ko kasi e, a-alam ko namang nagmamaneho ako..p-pero bakit ha? Bakit mo inikot ang manibela? Sa-sana ako nalang yung natamaan, sana ako nalang yung nariyan sa kama upang di ka na mahirapan.." Hinawakan niyang mabuti ang singsing na nakasuot sa palasingsingan ng dalaga. Ito ang singsing na ibinigay niya noong araw na 'yon, simbolo ng walang hanggan nilang pagsasama at pagmamahalan.
  Bumulong ulit ang binata, "Kahit na anong mangyari, lumaban ka, Mahal. I'll be forever be yours, pangako." He kissed her forehead.
  Unti-unting gumalaw ang kamay ni Tanya ngunit nawala rin ito paglipas ng dalawang segundo. Sa labis na pagkagulat ng binata ay natulala iyon habang nakatitig sa kamay ng kasintahan. Nang kanyang matanto na gumalaw ang kasintahan, dali-dali niyang pinindot ang emergency button upang magtawag ng nurse at doctor. Meron na ang kasintahan niya ng sign of life.
  Hindi man ito ang pinaka maharlikhang pagsasama nila ngunit para kay Jake, ito ang perpektong pagkakataon na ipagdiwang ang kanilang anibersaryo. After all, Tanya showed a sign of life.
 

Compilation Of One Shot StoriesWhere stories live. Discover now