Chapter 33

8.5K 177 2
                                    

*Xyra's POV*

"Rose... Bili mo ko ng strawberry ice cream? Please?" pagmamakaawa ko.

"Ayaw ko. Nakakatamad lumabas. Tsaka wala ako kasama."sagot nya.

"Ehh sige na please?" pagpupumilit kk.

"Ayoko nga"

"Please?"

"No. And that's final!"

"Fine! Tsk!"

Pumasok ako sa kwarto ko at nilock ang pinto. Gusto ko talaga ng strawberry ice cream. Pero ayaw niya akong ibili. Galit ako sakanya.

*knock knock*

"Xyra. Galit ka?" natatawang tanong nito.

"Hindi! Hindi ako galit!"sarkastikong sabi ko. Hindi paba halata na galit ako?!

"Psh *laughs* Bibili nako. Lumabas ka na dyan. Hintayin mo ko sa living room" bigla akong natuwa sa sinabi nya. Yey! Dali-dali kong binuksan ang pinto ng room ko at may sinabi ulit ako.

"Padagdagan ng fries ha!"sabi ko,habang nakangiti. Napatawa sya ng mahina at tumango.

"Oo na, may magagawa pa ba ako?"

"Hmm. Wala na"sabi ko sabay ngiti. Bumaba ako at umupo sa sofa.  Bumaba na rin si Rose dala-dala ang purse at car keys nya.

"Dito ka lang Xyra ha"

"Ok"

Lumabas na sya. Palaging nandito si Rose samin. Dito rin sya natutulog. Ewan ko ba dun. Gusto yata ako makasama hihihi. Sa totoo lang. Ilang beses na sya labas ng labas ng bahay kakabili ng mga gusto kong foods.

*after 30 minutes*

*ding dong*

"Yaya! Pabukas po nung pinto!" tawag ko sa maid namin pero walang sumasagot. Nakailang tawag na ako pero wala pa rin. No choice ako ang magbubukas. Hindi yan si Rose kase alam kong magdederetso yan sa loob ng bahay.

Patuloy pa ang pagdoorbell.

"Saglit!"

Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa nakita ko. Si Brittany. Anong kayang kailangan nya?

"Hi Xyra!" bati nya. Huh? Bakit parang ang saya-saya nyang makita ako samantalang nung huli naming kita galit sya? Nah nevermind.

"Uh hello?" medyo naiilang kong bati.

"Hehehe.. Wow ang ganda naman ng bahay nyo!"manghang sabi nito. Alam kong plastik to-_- Paano eh nakapunta na siya dito non.-_-||

"Hehehe"tawa ko na lang. Idaan na lang natin sa tawa tong babaitang to. Di ko alam pero bigla akong nainis.

"Wala ba kayong pagkain dyan Xyra?" tanong nito. Aba feel at home ang bruha sampalin ko pa to eh. Tinaas pa talaga ang pqa sa couch.

"Ah meron, di naman ako hinahayaang magutom ni Tyler eh." sabi ko at nilagay ang ngiting may halong asar.

"Oh. Sabi me nga, well why don't you make me some food? Come on. Para naman I can share to my friends na you're so bait and so rich and friendly"sabi niya with a fake smile.

"Wel O---" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang bumukas ang pinto. Sabay kaming napatingin don ni Brittany. Si Rose dumating na pala.

"What the fuck are you doing here?"-Rose asked calmly.

"Woah. Chill lang. Para namang may gagawin akong, like something bad to Xyra. Duh"sabi nito. Isa pa sa kinaiirita ko eh yung pagkaconyo nya.

"Duh! Wala nga ba? Eh ikaw lang naman ang babaeng inggit na inggit kay Xyra, lalo na pagdating kay Tyler" sabi nito at umirap.

"Tsk! Why ba ikaw ang kinakusap ko? I'm talking with Xyra."sabi ni Brittany

"Duh, then why are you asking me? Stupid. Tsaka pwede ba? Umalis kana. Kasi LAHAT ng makikita mo sa mansion NILA XYRA at TYLER ay kaakit-akit! Kabilang na si XYRA! Eh nung dumating ka?! Juscolored! Bakit may biglang hindi kaakit-akit sa paningin dito?!"galit na sigaw nito. Napikon rin siguro.

"Tch! I'm going to alis na nga. Bye Xyra!"sabi nito at umalis.

Sinundan ito ng tingin ni Rose. Nung nasa pinto na si Brittany ng mansuon ay tumingin ulit kay Rose at sinamaan ng tingin. Animo'y may laser sa mga mata nila.  Pfft. Dumiretso na si Brittany at lumapit sakin si Rose. Ibinaba nya ang mga pinabili ko sa lamesa dito at pumasok sa kusina.

Lumabas ulit sya ng kusina ng may dalang bowl, spoon at glass.

"Oh lamunin mo na." sabi nito. Dali-dali kong kinuha yung ice cream tsaka naglagay sa bowl. Isinawsaw ko yung fries sa ice cream. Ang sarap..

"Wag na wag kang makikipagusap kay Brittany ha."Tumango ako.

"Bukas nga pala magpapachech up ka"sabi niya sakin na nagpahinto sakin sa pagkain.

"Pacheck-up? Bakit?"

~♥~

A/N: Shoutout kay MklSblFlrs eto na ud.😘😂

Married with a GangsterWhere stories live. Discover now