Miss Paasa #15

69 1 0
                                    

After ng outing, sunud-sunod ang pagpapasa ng requirements namin, quizzes at etc. Hell week ba! (-__-) Pero okay lang, ang sunod naman ay 2 weeks vacation.

Atsaka after two weeks, enrollment na for the next semester. One last project na lang, tapos na ako. Isang presentation for our music class. Hindi ako marunong kumanta at magplay ng instruments. Namomroblema ako kung anong gagawin ko. Ako ang tipo ng babae na walang ka-talent-talent. Pinagkaitan.

Dumiretso ako sa Cafeteria at umub-ob sa isang table dun. Ano bang dapat kong gawin? Babagsak ako sa Music Subject ko kapag ganun. Nakakahiyang isipin na minor subject na nga lang hindi ko pa naipasa.

Kapag kumanta ako, for sure, mababa din ang makukuha ko kahit mag-effort pa ako. Wala din akong kahilig-hilig sa instruments. Mahilig akong makinig ng mga kanta, pero hindi ibig sabihin nun di ako parang palaka kumanta. Malala pa nga yata sa palaka ang boses ko.

Inuntog-untog ko ang ulo ko sa may table.

"This can't be," mahinang reklamo ko.

"What's wrong?" Napatunhay ako sa narinig kong boses.

"What are you doing here?" mataray kong sabi sa kanya. He smiled at me.

"I can help," sabi niya.

"I don't need your help." Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko sa table pero hinawakan niya rin ang bag ko.

"I'll walk with you."

"Ano ba! Akin na nga!" Tumataas na ang tono ng boses ko.

Hindi niya pa rin binibitawan ang bag ko.

"Alam mo ang kulit-kulit mo. Bitawan mo nga ang bag ko," reklamo ko habang nakikipaghilahan sa bag ko.

Hinila niya nang mas malakas yung bag ko kaya pati ako nadala. Tumama ako sa dibdib niya.

Naramdaman ko na lang yung pagyakap niya sa akin. Pilit ko siyang itinutulak palayo.

"Please let me," sabi niya.

"Ganyan ka ba kadesperado Blue?!" sigaw ko sa kanya. I lost my temper. Napasigaw na lang ako ng wala sa oras at wala sa tamang lugar.

Ngumiti lang siya sa akin.

"Tara na, tutulungan pa kita sa project mo," yaya niya. Inakbayan niya ako at hindi pinansin ang mga bulungan tungkol sa kanya.

Nang makalayo kami, inalis ko yung kamay niya.

"Ayoko sabi!" sigaw ko.

"Pride will make you strong, Cas. But not happy." Ningitian niya na naman ako. Alam kong may laman ang sinabi niya.

"Gaano ka nakakasiguro na mahal pa kita?" inis kong tanong sa kanya.

"5 years, Cas. Ganu'n ba kadali makalimot? Sa loob ng 5 years, nakilala kita ng lubos," sabi niya.

Ngumiti ako na medyo inis sa kanya.

"Confidence doesn't suit you, Blue."

Naglakad ako palayo sa kanya.

"Red velvet cake," sigaw niya. Aish!

"Cake lang yun! Cake lang!" Naramdaman kong malapit na siya sa akin at tinap ang shoulders ko.

"Cake lang?" Ngumiti siya ng nakakaloko sa akin.

--

"Aish! Alam mo ayoko na!" sigaw ko sa kanya. Inilayo ko yung kamay ko sa piano.

"I heard you once played piano, Cas. You can."

Natahimik ako. Okay. Hindi ko alam kung kaya ko pa tumugtog ng piano. 5 years ko nang iniwan ang pagtugtog. Wala na nga akong talent.

"Wala ka ba talagang talent o kinalimutan mo yung bagay na yun?" Nainis ako sa sinabi niya kaya tumayo na ako.

"Bahala na kung bumagsak ako!" sigaw ko.

"Did you give up playing piano just because of me?" Isang tanong na sumaksak sa puso ko.

"Hindi." Yan lang nasabi ko.

"Answering 'no' is your way of denying." Narinig kong tumawa pa siya. Humarap ako para samaan siya ng tingin pero laking gulat ko nang nasa harapan ko na siya. Blanko ang ekspresyon.

Napalunok ako sandali. Ngumiti siya at kinaladkad ako papunta sa piano.

"Upo," utos niya.

"Asa ka!" sigaw ko.

Tahimik lang. Nakatitig lang siya sa akin.

"Oo na!" Dahan dahan akong naupo. Hawak niya pa rin ang kamay ko. Punwesto siya sa likuran ko at ipinatong ang kamay ko sa piano.

"Close your eyes," bulong niya. Pumikit ako.

"I'll sing," sabi niya.

"Cause all of me, wants all of you~

All your curves and all your edges, all your perfect imperfections~" Dinama kp yung kinakanta niya hanggang sa tumugtog ako paunti-unti.

"Cause I gave you all of me~

And you gave me all of you.." Tumigil siya sa pagkanta kaya napatigil din ako.

"Kaya mo naman pala!" masayang bati niya sa akin. I cleared my throat.

"T-thanks," sabi ko. Tumayo na ako.

"Oh Red Velvet Cake mo. Gawa ko yan," nakangiting sabi niya.

"Ah. Salamat." Kinuha ko yung cake sabay takbo.

Nang nasa tapat na ako ng room namin, napasigaw na lang ako sa inis! Paano ba naman kasi! Naakit lang ako sa Red Velvet Cake?! Aish! Bakit ba alam na alam niya na weakness ko yun?! Aish!

Natapos ang klase namin sa Music class! waa~ tapos na ako sa project namin! Tapos na requirements! Lahat sila naglabasan na, ako naman nakatitig lang dun sa red velvet cake ko na nasa kahon.

"Should I eat you or should I return you?" Nagbuntong hininga ako.

"Gustung-gusto kitang kainin. Pero ayoko kasi galing ka sa lalaking nanakit sa akin." Kinuha ko yung tinidor.

"Wala namang masama kung titikman di ba?" Titikim na sana ako kaso pinigilan ito ng kaliwang kamay ko.

"Hindi! Ibabalik kita!"

--

Blue Rogelio.

"Blue! May naghahanap sayo!" tawag sa akin ng co-soccer player ko. Nasa shower room kasi kami ngayon. Saktong nagbibihis na din naman ako.

"Sino daw?" tanong ko habang sinusuot yung t-shirt ko.

"Babae. Hindi ko kilala." Pakiramdam ko si Cas yun kaya agad akong lumabas.

"Blue, may nagpapabigay." Sinalubong ako ng isa kong kaibigan. Hawak niya yung cake na binigay ko kay Cas. Kinuha ko yun.

"Hindi niya kinain," malungkot kong sabi.

Naupo ako sa may bench para kainin na lang yung cake. Napansin kong may note pala.

Hindi masarap! Binabalik ko na! -Yl

Agad agad kong binuksan yung cake. Ubos na pala! Napangiti na lang ako. Hindi ko alam. Ang saya sa pakiramdam.

--

Short update. Sorry. Hahahahaha.

Ako "Daw" si MISS PAASAWhere stories live. Discover now