Chapter 5: A Friendship where it all Started

406 5 0
                                    

"NASH!! Sino ba yang kasama mo? Di ba sabi ko huwag ka makikipag-usap kahit kanino?" sabi ng mama ni Nash, ang batang naglalaro ng gameboy kasama si Shar.

"Sorry na po ma, gusto ko lang kasi ng kalaro" malungkot na sinabi ni Nash.

"Hay naku Nash, wag mo na yan uulitin sa susunod ah. Baka hinahap na siya ng mga magulang niya. Tayo pa ang sisisihin nila", pagalit na sinabi ng mama niya sa kanya. Lumingo naman siya kay Shar at sinabi niyang, "pasensya ka na iha, san ba ang mama mo? baka hinahanap ka na nun?"

"Ano pong problema? Ako po ang ina ng batang ito?", agad pumunta si Tita Mylene kung saan naroroon si Shar ng namalayan niyang nawawala na ito sa kanyang tabi.

"Ah pasensya na po! eto kasing anak ko....." sabi ng ina ni Nash.

Bago pa magsalita muli ang ina ni Nash, biglang sinabi ni tita Mylene na, "Wag po kayong humingi ng pasensya, eto kasing anak kong si Shar, makulit na bata. Kahit kanino nakikipagkaibigan. Baka gusto nyo ho ng anak niyo na samahan kaming mananghalian, total nagkakakilanlan lang din tayo, kumain muna kayo. Libre namin! Ako naman din ang may kasalanan ng lahat ng ito."

"Ah! Okay lang ho. Di nyo naman din kasalanan at saka naka order na kami ng pagkain. Kakagaling lang kasi namin ni Nash mag-audition sa SCQ eh", wika ng ina ni Nash.

"Talaga? Kami din ng anak kong si Shar! Mabuti na lang din at nakapasa ang anak ko." masayang sinabi ni Tita Mylene.

"SI Nash din, nakapasok sa susunod na round. Tadhana nga naman. Ako pala si Neth at eto ang anak kong si Nash", tuwang-tuwang sinabi ng mama ni Nash habang siya'y nagpakilala.

"Hello Nash at Neth. Ako naman si Mylene at eto din ang anak kong si Shar"

Masayang nagkwekwentuhan sina Neth at Mylene. Habang nakangiting nagtinginan si Nash at Shar sa isa't-isa.

-----------------------------------------

last update for this day... bukas na naman! Hope you like it,,,, 1:20am

Side by Side  ~a jailene fanficWhere stories live. Discover now