CHAPTER ELEVEN: Elleya Nim Shin

604 21 0
                                    


Clerxiene
~*~

Napaupo ako sa sahig ng bigla akong atakihin ng isa sa mga Dark shadows.
"Hindi ko inaasahan na, nakikipagkaibigan na pala ang mga taga Veirsaleiska sa mga mortal." wika ng isang Dark Shadow na nasa harap ko. Tumingin siya sa dalagang kausap namin kanina at ngumisi.

"Hindi ko rin inaasahan na may pakialam pala kayo samin." sagot sa kanya ng dalaga. Nakatataas ang kilay nito at nakahalukipkip. Walang bakas ng takot o kaba ang mukha niya.

"Huwag mo na siyang sagutin. Wala ka namang magagawa." rinig kong sita ni Eurydice sa dalaga na ngayon ay nasa tabi na niya.

"Masyado mo ata akong ina under estimate, Miss. Ikaw nga hindi mo magamit ng maayos ang kapangyarihang meron ka." sagot ng dalaga sa kanya.

"Tigilan niyo na 'yang pagtatalo niyo. Pareho kayong walang nagagawang matino." sabat ni Jairsen habang pinapa ulanan niya ng air spike ang kalaban niya.

"Ha! Akala mo lang wala." mayabang na sambit ni Eurydice. Tumungo siya sa harap ng dalaga na parang pino protektahan niya ito. "Ikaw bata. Umuwi ka na sa inyo. Wala ka namang naitutulong rito."

"Hahaha! Nakakatuwang pagmasdan ang pagtatalo ninyo." nakakarinding tawa ng Dark Shadow na nasa harap ko ang nangingibabaw.

"Ikaw bata, parang pamilyar ka sakin." wika ng isang dark shadow. Dahan dahan siyang lumapit sa dalaga habang hinihimas nito ang kanyang puting balbas.

"Oh, really?" nakangising sabi ng dalaga.

"Huwag mo na siyang kausapin bata." inis na turan ni Eurydice at hinagisan ng water sphere ang Dark Shadow pero wala itong epekto.

Inulit niya pa ang paghagis ng water sphere pero tila hangin lang itong tumatama sa Dark Shadow.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo at sinipa ang nasa harap ko. Mabilis akong tumakbo papunta sa dalaga. Pero mas mabilis ang pangyayari. Biglang naglaho ang Dark Shadow na tumungo sa harap ng dalaga.

"A-anong..." hindi ko matuloy ang sasabihin ko ng biglang parang nagbago ang wangis ng dalaga kanina.

"Ngayon niyo ko subukan." wika ng dalaga ng tuluyang nagbago ang itsura niya. Ang kaninang medyo buhaghag niyang buhok ay umayos at naging wavy. Ang kayumanggi niyang balat ay pumuti, tumangkad din siya at pumula ang labi. Pero ang mas nakakapanibago ay ang nakakatakot niyang aura.

"Lumabas kayo!" wika niya. Isa isang nagsilabasan ang mga Dark Shadows mula sa pagkaka invisible ng mga ito.
"Katulad mo rin ba siya?" tanong ni Arys na malapit lang sakin. Hindi ko siya masagot dahil hindi ko alam ang isasagot ko.

Napatulala ako habang pinanonood kung paano lumaban ang dalaga kanina. Mabilis na siya ay naglalaho at biglang lilitaw sa likuran ng kalaban niya. Siya na nga ang halos kumalaban sa lahat ng Dark Shadows dahil napatulala kami sa kanya even Eurydice.

"Akala ko naman Elite kayo." nakangising sabi niya.

"H-how..." hindi ko matapos ang sasabihin ko dahil sa sobrang mangha. Hindi ko mai compose ng maayos ang mga salitang nais kong sabihin at itanong.

Tumingin samin ang dalaga at naglakad palapit. "Mukhang delikado na kung mag i stay pa kayo dito." aniya samin.

Kumunot ang noo niya at tinignan ang paligid. "Sa pagkakatanda ko ay may barriers na na nakaharang dito. At hindi basta basta makakapasok ang mga dark shadows." dagdag niya.

Nagkatinginan kami ni Arys. "Paano mo nalaman ang tungkol dyan, Miss?" tanong ko sa kanya.

"Well, mukhang ipinagtataka niyo nga talaga 'yan, Prin..." pinutol ko agad ang sasabihin niya dahil mukhang sasabihin niya ang salitang prinsesa. At mukhang naintindihan niya naman ako.

Tumikhim siya at muling nagsalita. "I'm Elleya Nim Shin, half Immortal half wizard." inilahad niya ang kamay niya sakin. Aabutin ko na sana ng biglang may humigit non.

"I'm Jairsen but you can call me babe." aniya sabay kindat.

Ngumisi si Elleya kasabay ng biglang pagsigaw ni Jairsen. "Ah! Shit! Ang init!"

The Powerless Immortal Princess [VKSeries #2]Where stories live. Discover now