Chapter 18

64 4 0
                                    




  Mukha kaming sabog ni Kenneth pagdating ng Geneses. Muntikan pa kaming ma-late sa first class dahil tumagal pa kami ng saglit sa park.

  "Jen." Lumingon siya sa akin na nakangiti. Nag-aasaran kasi sila ni Derrick. Mabuti nalang at di sila napapansin ng professor.

  "ATC daw tayo nila Derrick mamaya." Napatingin siya kay dito na para bang nagtatanong kung sasama sila.

  Tumingin rin si Derrick sa pwesto ko. "Sure. Anong oras ba?"

  "After class daw eh. Kotse nalang ni Kenneth ang gagamitin."

  Sabay silang tumango. "Sige."

  Grabe naman. Yun na yun? Hindi naman kami ganito mag-usap dati ah? Bakit para namang sobrang cold nila sa akin? Wala naman akong matandaan na nagkaaway-away kami. Imagine that two months have passed and lagi silang ganito. Parang di na sila sumasama sa trip namin ni Kenneth.

  Lagi nilang excuse yung 'date niyo naman yun eh', o kaya 'kailangan niyo ng privacy'. Kahit naman kami na ni Kenneth, magkakaibigan pa rin kami ah? Pero asan na yung bond? Para kasing dumistansya silang dalawa. Nang-iwan sa ere.

  Lumipas yung buong maghapon na hindi kami gaanong nag-uusap ni Jen. Di ko maintindihan kung bakit. Para talagang may nagbago. I tried to open up a conversation but she immediately stopped talking.

  Last subject ay pinapunta kami ni Sir Palma sa auditorium para sa general assembly ng mga students. Tungkol lang naman 'yon sa culminating activity this December.

  Tahimik akong nakikinig nang biglang magvibrate ang cellphone ko.

Ken-Ken <3 :
Acey, let's meet at the backstage after the assembly. Sa may dressing room. I love you!

  Napangiti ako sa huli niyang sinabi. I replied at him.

  I poked Jen beside me. "We're going to meet at the backstage later. Derecho nalang kayo ni Derrick sa kotse ni Kenneth, okay?"

  "Alright." Tumango siya bago ngumiti ng nakakaloko. "Anong gagawin niyo sa backstage? Kayo ah! Ang babata niyo pa! Wag muna, Stacey!" Pang-aasar niya.

  Binatukan ko siya. Ano bang pinag-iisip ng babaeng 'to? Sana bumalik na ng tuluyan yung sabog na Jen katulad nito.

  Hmm.. Let me guess.. Siguro ay nagkausap sila ni Kingsley kaya medyo good mood siya? Hay ewan! Kung bakit pa kasi kaaway ko pa ang taong mahal niya...

  Pagkatapos ng assembly ay dumerecho na ako sa backstage. Wala namang nagbabantay kaya pumasok na rin ako ng dressing room. Mabuti at wala ring tao.

  Nakaupo ako sa sofa na nasa isang tabi. Ilang minuto rin ako naghintay bago bumukas ang pinto. "Stacey."

  Nanlaki ang mata ko ng makita si Kingsley na nasa harapan ko. Anong ginagawa niya dito?! Shit! Si Kenneth ang hinihintay ko!

  "Miss me?" Napaatras agad ako sa sinabi niya.

  Oh my god. What am I gonna do? Kenneth, please.... I fucking need your help!

  "Natatakot ka ba? Don't worry, wala akong gagawing masama. I just wanna ask something, Acey." He said emphasizing my nickname.

  Humakbang siya ng isang beses. Napaatras naman ako. "I-itanong mo na kung anong g-gusto mo." Damn. I tried to maintain the calmness in my voice even though I'm trembling.

  Tinitigan niya ako ng derecho. "Bakit kailangan niyo kaming kalabanin? Bakit kailangan niyong higitan yung mga nagawa namin? Stacey, parte kayo ng kompanya dati! Bakit kailangan niyong humiwalay?!"

Afraid To FallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora