Chapter 4

31.5K 986 118
                                    

Denver Claide’s P.O.V.

Nilalaro-laro ko sa kamay ko ang maliit na bola na hawak ko habang naka-dikwatro akong naka-upo sa loob ng opisina ni Tito Teo. Ganitong-ganito ang gawain namin ni Tito Teo kapag may Special assignment siyang pinagagawa sa’kin. Naputol ang ginagawa ko ng marinig ko ang paggalaw ng seradura ng pintuan. Pinukol ko ang atensyon sa pagbukas ng pintuan.

“Denver,” lumapit siya at tinapik ang balikat ko. Gano’n siya sa tuwing babatiin niya ako. Umupo siya table niya at humarap sa’kin.

“Tito, bakit niyo po ako pinatawag?”

“Alam mo na siguro ang nangyari kay Jhoace na siya ang pinagbibintangan ng Mafia.”

“Psh! Kahit kaylan talaga Tito, ang bobo ng mga Miyembro niyo ang dali nilang napaniwala ng kalaban.”

“Ibig sabihin kilala mo kung sino ang pumatay?”

Tumango-tango ako. “Sinabi mo sa’kin na bantayan ko si Ate Jhoace ng malaman mong siya ang target ng kalaban kaya palihim ko siyang binantayan, nalaman kong tama nga ang hinala mo dahil kumilos na agad ang kalaban natin. Nakagawa sila ng kabobohang taktika na isang walang utak na tao lang ang maniniwala. Nagawa nilang paniwalain ang lahat na si Ate Jhoace ang pumatay. Ang hindi nila alam buking na sila.” Itinaas ko pa ang hawak kong maliit na bola na kasing laki ng jackstone. Isa kasi itong camera at nakalagay doon ang totoong nangyari nang  gabing iyon.

“Magaling! Maasahan ka talaga Denver, bantayan mo lang si Jhoace. Hayaan nating maniwala sila na wala tayong alam sa nangyari. Makikipaglaro muna tayo sa kanila.”

“Mukhang magiging magandang laro ang mangyayari, Hindi na ako makapaghintay.”

“Akala siguro ni Lucas kaya niya akong pabagsakin, psh! Nagkamali siya ng binangga.”

Tumayo ako. “Tito, aalis na po ako kailangan kong puntahan ang babae ko.”

Ang lapad ng pagkakangiti ni Tito Teo sa’kin. “Kayo na ba ni Lucy?”

“Hindi ko pa siya sinasagot Tito, kaya wala kaming relasyon.”

Tumawa si Tito Teo sa’kin. “Ngayon lang ako nakakita ng lalaking sasagot sa babae para maging girlfriend. ‘yan ba’ng sinasabi mo e, alam ni Lucy?”

“Opo, ilang beses kong sinabi sa kaniya na Wala pa akong balak na sagutin siya.”

“Kung ganoon, pahirapan mo muna ang manliligaw mo.” Nakangising sagot ni Tito Teo sa’kin.

“Yan, ang gagawin ko Tito, aalis na po ako magpapakita lang ako sa kaniya ngayon. Bye!” sabay hakbang ko palabas ng office.

Nagpunta ako sa trabaho ni Lucy upang surpresahin siya. Isang linggo na kasi kaming hindi nagkakaroon ng communication dalawa dahil sa mga secret projects na pinapagawa sa’kin ni Tito Teo na may kinalaman sa Mafia. Paghinto ko pa lang ng kotse ko nilapitan na agad ako ng security guard upang inspeksiyunin ang sasakyan kong dala. Pagkatapos noon hinayaan niya akong makapasok sa loob ng kumpanya na pagmamay-ari ng magulang ni Lucy.

“Mr. Denver Santiago?” may pagtataka sa mukha niya nang makita niya ako.

In-extend ko naman ang kamay ko upang salubungin siya ng yakap. Ang lapad pa ng pagkakangiti ko sa kaniya. “Auntie!” tawag ko sa kaniya.

“Bakit ngayon ka lang nagpakita dito Denver?” pinagmasdan pa niya ang kabuuan ko. “Mas lalong lumapad ang katawan mo ngayon.” Aniya.

“Ganyan po talaga kapag Gwapo. Paganda nang paganda ang katawan.” Biro kong sabi.

Muli niya akong pinagmasdan at tipid na ngumiti sa’kin. “Puntahan mo na lang si Lucy sa offce niya. See you later Denver.” Pagkatapos umalis na siya.

MALDITAH VS MAFIA BOOK 2 (MANEBKC BOOK 4.2)Where stories live. Discover now