TGV : 10

12 3 0
                                    

Nasaan ako?

Panaginip rin pa ba ito? Bakit ang dilim ?
Wag kong sabihing pinagtripan naman ako nila Jayy?!

" sh*t !!!"

"Jayy!!! Palabasin niyo ako dito!!!! "

" humanda talaga kayo pag ako naka ganti!!! "

Sigaw ko sa walang katapusang kadiliman. Bakit ba may ganito!! Kukunin naba ako ni satanas? Tika ang aga naman ata?! Tss. Saan ba ang daan dito.

Lakad ako ng Lakad sa kahahanap ng pinto pero wala talaga . Hindi rin ako nadapa so I assume walang ano mangbagay malibat sa tao at ako iyon ang nandito.

Hindi ako takot sa dilim ngunit takot ako sa kung anong meron sa dilim. Kailan pa ba ako makakalabas nito.

Napaupo ako sa pagod. Grabe anong klasing lugar ba ito? Nasa loob pa ba ako ng phoneix? Asan na ba ang mga kasama ko, ang daya naman bat ako lang nakakaranas nito!

Ilang minutong pag iisip ko kung paano ako makakalabas dito ay nabuhayan agad ako ng lakas ng loob dahil sa may maliit na liwanag akong nakita. Agad akong napatayo at pinuntahan iyon. Lakad takbo na ang ginawa ko ngunit parang ang layo parin. Hingal na Hingal na ako kaya napahinto ako sa inis.

" pinaglalaroan niyo ba ako!!! Kung oo , pwes pagod na ako?!! Pwede next time nalang Wag ngayon!!! " inis na sigaw ko.

" urgh!!! Palabasin niyo ako dito!!! " sigaw ko , laking gulat ko ng hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.

" anong nangyayari ? " gulat na usal ko. Nagpupumiglas na ako dahil gusto ko nang makagalaw.

" Elea calm down. " .mula sa aking likod ay dinig ko ang isang mala anghel na boses. Ngunit kahit na ganoon ang kanyang boses ay kinilabutan ako .

" sino ka? Anong ginawa mo sa akin?? "
Sigaw ko sa kanya.

Hindi ko alam kung ano siya , maganda ba siya katulad ng kanyang boses o iwan di ko kasi nakikita ang kanyang mukha dahil nakatalikod ako sa kanya.

" take care for your self Elea " sabi niya at unti-unti na akong nilamon ng nakakahilong kadiliman.

" waaahhh!!! " agad akong napabalikwas sa aking higaan na pawis na pawis, para akong hinabol ng malalaking aso.

Anong oras na ba?? Tumingin ako sa aking kanan para tignan kung anong oras na ngunit kusa akong natingilan ng mapansin kong hindi ito ang aking kwarto.

Nilibot ko ang kabuuan ng kwarto . Bakit puti to? Nasaan na naman ba ako!? Malilintikan talaga kayo sa akin pag nagkataon!

Tinignan ko ang aking suot? Bakit naman ako nakaputi? Di naman ako nagbihis ah?

" Draaakkeee!!! Jaaaayyyy !! Asan kayo ! " Sigaw ko ngunit parang walang tao.

" mga p*st* kayo ano nanamang kalukuhan to!!! " Sigaw ko parin .

" tss. Ang ingay mo naman! Alam mo bang may natutulog na tao dito." Rinig kong reklamo niya at halatang naiingayan nga siya. Tss paki ko ba?.

" ay tao ka pala? " sagot ko sa kanya.

"Tss. " tanging sagot niya at bumalik na sa pagkakapikit.

" hoy bat nandito ang pangit mong mukha sa kwartong to ha?! " reklamo ko ngunit hindi niya ako sinagot. Magsasalita na sana ako ulit ng bumukas ang pinto at niluwa doon ang napakapangit na hayop.

" at ikaw anong ginagawa mo dito? " walang ganang sagot ko.

Ano ba kasing nangyari bat nandito ang dalawang to dito at saka anong nagyari sa akin bakit ako nasa kwartong to ?

" ito naman ang sungit mo sa akin, ganyan ka naba mag lambing ngayon? " sagot niya at nilapag ang kanyang dalang Bingo at mga prutas.

" asa!! Kung maglalambing man ako hindi na sayo no! " sabi ko sabay Irap ko sa kanya.

" syempre hindi na sa akin kasi sa mga anak at apo na natin " sabi niya na sinabayan pa ng ngiting nakakaloko.

" p*st* ka nakakadiring pakinggan!! umalis ka na nga!! " Sigaw ko

" okay madali naman akong kausap eh " at akmang aalis na siya ay pinigilan ko.

" tika wag mong isama ang Bingo akin na yan " nahihiyang sabi ko sa kanya ng hindi makatingin.

" sa isang kondis..."

" walang kondisyon akin na?! " inis na sabi ko , nahihiya na nga akong makiusap sa kanya may kondisyon pa tibay talaga. Pinanlakihan ko pa siya ng aking mata ng hindi pa niya binibigay ang Bingo.

" ito na nga oh ! Babalik nalang ako dito " inis na sabi niya at binigay sa akin ang Bingo bago tuluyang nilisan ang kwarto.

" Ano ba kasing nangyari sa akin! Bat hindi ko matandaan? " sabi ko saaking sarili habang kagat kagat ang Bingo.

" ahh ang Alam ko natutulog ako sa klasi nun , tika nga matawagan ko nga si Janne ." Patuloy ko at saka dinadial ang numero ni Janne . Pipindutin ko na sana ang red button ng biglang.

" Para kang baliw." Halatang amuse na sabi niya pero di ko pinansin nagsasayang ka ng oras ko .

" at bingi pa ? " patuloy niya .

Wala akong paki kahit mabulok pa ang laway ko wala akong paki !!

Criinngg!! Criinngg!!......

" Asan ka? " bungad ko sa kanya.

" O...M...G...gosh gising ka na? !!!! Thanks God!!!! " nailayo ko kaagad ang cellphone ko sa tainga ko. O.A nito.

" pwede ba wag lang sumigaw!! " inid na sabi ko.

" tika ibaba ko na nasa hospital na kami " sabi niya sasagot pa sana ako ng bigla niyang binaba agad ang tawag. Aish!!

Inis kung binato ang cellphone ko sa dingding. Paki ko ba kung masira edi bibili.

" Fck !! Ano bang problema mo! " gulat na sigaw niya.

La? Napano to? Bat bigla-bigla nalang sumusigaw.

" inano ba kita? " nakataas kilay kung sabi.

" Bakit ka nambabato! " Inis na sabi niya. Ahh sa kanyang banda ko pala inihagis ang cellphone ko. Di ko namalayan eh.

" bakit ba kasi nandiyan ka " walang ganang sabi ko at nahiga na ulit nakaupo kasi ako sa kama.

" natutulog ako ! " Inis paring sabi niya. Di ko nalang pinansin ayaw kong makipag away sa kanya kasi ramdam ko naman ang pagod.

Ilang oras ba ako nakatulog? Aish matanong na nga lang ang nurse mamaya. Nasa ganoon gaming position ng bilang bumukas ang pinto ng kwarto.

" O...M...G... gosh gising ka na? Thanks God !! " bungad agad sa akon ni Janne.

" Wala ka bang ibang linya bukod sa O..M...G..gosh gising ka na? Thanks God?! " panggagaya ko sa kanya. Kanina sa phone ganyan rin.

" ang hard mo talaga, buti nga concern ako sayo dalawang araw ka kayang tulog. " nakangusong sabi niya. Tss.. dalawang.... what..??

" Anong sabi mo? Dalawang araw ? " tika bakit dalawa eh isang oras lang naman akong nakatulog. Isang oras nga ba ?? Gulat pa rin ako. Bakit ano ba kasing ginawa ko ? Nakain ko ? Ininom ko ? Wala naman ahh? .

" A-hh hahaha nakatulog ka kasi a-ano ahhm kasi pagod ka ! Yun ! Ano nga ba yun Jayy "

" iwan ko ako ba kumausap sa doktor " walang ganang sabi ni Jayy.

" eh nakalimotan ko. " nakangusong sabi ni Janne, kahit kailan talaga makakalimutin to .

Di ko nalang sila pinansin at tumagilid nalang ako sa kanila . Nakaramdam parin ako ng pagod kahit wala naman akong ginawa. Gusto kong matulog nalang , di ko maintindihan ang nararamdaman ko, parang may hinahanap ako pero gusto ko matulog basta ewan .



************

Ate Ann :)

The Gangster's VampireWhere stories live. Discover now