"Sehun, pasensya na talaga, ha?" Tinanguan ko nalang si Thunder habang maingat na sumusunod sa mga nurse na nakaalalay sa kapatid niya dahil nagkaroon na naman ito ng episode. Noong sinabi kasi ni Thunder sa nakababatang kapatid niya na hindi ako makakapunta para samahan siya sa check up niya ay biglang umatake ang sakit nito. Kaya wala akong choice kundi pilit na buhatin ang sarili ko dito.-
-
Hindi rin naman nagtagal iyong check up ng kapatid ni Thunder at mabilis nila itong sinaksakan ng pampatulog. Harurot akong nag-drive pabalik sa bahay hoping na maabutan ko pa ang mag-ina ko pero bagsak ang balikat ko nang makita kong wala na sa garahe ang bagong bili ni Kai na BMW. Isa ito sa mga rare moment na kinaiinisan ko ang pagiging masunurin (kahit na hyung ko siya) ni Kai sa akin. Takot niya lang talaga na isumbong ko siya kay Suho hyung.
Hindi na ako nag-abala pang ipasok ang Montero ko sa garahe bagkus mabilis akong bumalik palabas ng village namin. Kinonek ko na rin ang cellphone ko sa bluetooth headphone ko at iniligay ito sa kanang tenga ko. Hindi nagtagal ay sumagot si Kai sa kabilang linya. Rinig na rinig ko pa ang mga ingay na ginagawa ni Andy sa back seat samantalang napatigil sa pagsasalita si Jiyoon nang banggitin ni Kai ang pangalan ko.
"Saan na kayo?" Isa sa mga paalala palagi sa amin ni Suho hyung ay ang maingat na pagda-drive pero paniguradong maya-maya lang ay tatawag na siya sa akin dahil sa bilis ng patakbo ko. Hindi ko alam kung ano ang nilagay niya sa mga sasakyan namin para mamonitor niya ang mga takbo namin, may GPS na, may tracker pa ng speed kilometer per hour.
"Taft. Si Andy kasi nagyaya pang kumain sa MOA eh. Bakit?"
"Kai hyung! Daddy ko pa ba kausap niyo?" Sinagot naman ni Kai si Andy ng simpleng Oo. "Daddy ko! Miss na kita! Kakain kami sa MOA po ngayon!"
Napatango nalang ako habang nagpapalit ng daan na tatahakin. Great. Wala namang traffic ngayon kaya maaabutan ko pa sila doon. "Hintayin niyo ako doon. Ako na ang maghahatid sa mag-ina ko," bahagyang napatawa si Kai sa hindi malamang kadahilanan. "Bakit? Anong nakakatawa?"
"Wala. Si Jiyoon noona kasiㅡ"
"ㅡ'wag ka ngang kwentong barbero, Kai!" Malakas akong napabusina nang biglang may sumulpot na aso sa dadaanan ko! "Sehun! Ayos ka lang?"
"Oo," maikli kong sagot at nag-focus muli sa daan. Marinig ko lang ang boses ni Jiyoon, nadi-distract agad ako. "Muntik lang ako makasagasa ng aso. Anyways, hintayin niyo ako ni Andy sa MOA. Susunod agad ako. I'm on my way."
"P-pero. . ." She trailed off and I guess, sinabi na ni Kai ang rason bakit ako hindi tumupad sa pangako ko. "A-akala ko. . ."
"Later. I'll explain later. And Jiyoon?"
"A-ano?"
"I'm sorry for not telling it. Babawi ako. Promise."
-
-
Nakangisi akong naglalakad papunta sa Kyochon. Ito ang paboritong chicken restaurant ni Andy dito sa Pilipinas pero kinahuhumalingan rin ng anak ko ang Jollibee. Sino ba naman kasing hindi? Miski kami nila hyung adik doon. Naalala ko pa noong EXO'rDIUM in Manila, ang pinakain sa amin ng mga staffs ay Jollibee. Kung tutuusin, wala itong binatbat sa sarap ng Kyochon at iba pang mga chicken restaurants sa Korea pero sobrang nahumaling kami lalo na si Kai. Isa pang paborito namin, lalo na si Chanyeol hyung, ay ang Lechong Baboy. Noong bago pa lang kami dito sa Pilipinas, sumadya pa talaga siya sa Cebu para tikman ang lechon doon. Nalaman niya kasing nandoon ang pinakamasarap na lechon dito sa bansa.
BINABASA MO ANG
[ON-GOING] Tatay Na Si Oh Sehun
FanfictionAnong gagawin mo kung isang araw pag-gising mo, tatay ka na pala? March 27, 2017 to ㅡㅡㅡㅡ Copyrights: Cherryxsehun | AFIRESELU OH All Rights Reserved: 2017