v.

1.1K 36 6
                                    

HAZARDOUS ACADEMY:SCHOOL OF REBELS
CHAPTER 5

BLYTHE'S POV

Naglalakad kami sa pathwalk ni Scarlett papunta sa first subject namin.

Nagmamadali kami maglakad, parang lakad-takbo na ang ginagawa namin dahil nga ayaw naming malate sa first subject namin.

At sa mabilis na paglalakad namin ni Scarlett, nakarating na kami sa classroom namin at eksaktong pagdating namin ang siyang pagpasok ng guro namin sa oras na ito.

Fudge! Late na kami ng 80 seconds. Inayos muna namin ang aming sarili dahil mukha kaming binagyo bago kumatok sa pinto.

"Ma'am?" sabi ni scarlett. Grr!

"Yes? Ah! Are you the transferees? Come inside." sabi ng teacher.

Naunang pumasok si scarlett at ako naman ang sumunod.

Kaunti lamang ang mga istudyante sa loob. Mukang nasa mga 20 lamang ang dami nila at may kanya kanya silang ginagawa.

"Class! All eyes in front, Put all your attention here." mahinahon ngunit may diing saad ng guro sa harap.

Lahat naman sila ay napatingin sa harap at tumigil sa kanilang mga ginagawa. Geez! I don't want attention.

"Class, We have two transferees, Come over here infront and introduce yourselves." sabi ni ma'am.

Naunang nagpakilala si scarlett.

"Hi! Everyone, I'm Scarlett White. You can call me Scarlett. 17. I came from Flackser Tone University. I wish we can get along together." sabi ni Scarlett at ngumiti na akala mo nangaakit idagdag mo pa ang bulaklak sa tenga niya.

Napanganga naman ang ilang lalaking classmate namin sa ganda ni Scarlett. Yan ang epekto ng ngiti ni Scarlett, HAHAHA!

Ako naman ang sumunod na nagpakilala.

"Blythe Lux.17." walang gana kong sabi. At nag-bow nakasanayan ko ng gawin ang mag-bow pagkatapos magpakilala.

"Ok! It's nice to meet you Ms. White and Ms. Lux, You two can sit at the back," Sabi ni ma'am.

Naglakad na kami papunta sa upuan namin, duon ako pumwesto sa tabi ng bintana tumabi naman sakin si Scarlett.

"Let me introduce myself, I'm Valen Flood, Ms. Flood for short, I'm going to be your adviser for this school year. I hope we can get along, So let's start our class...." nagsimula ng magdiscuss si Ms. Flood.

Natapos na ang klase namin kay Ms. Flood. At ngayon papunta kami sa next class namin ni Scarlett.

At sa wakas nakarating na kami sa room na hinahanap namin. Ako naman ngayon ang kumatok at dahan dahang pinihit ang door knob at may nangyari na hindi inaasan.


S

CARLETT'S POV

Who the hell did that!

Natapunan lang naman si blythe ng slime na kulay green at may mga maliliit na bubwit at mga popo. Gross!

May narinig akong nagtatawan, Napasulyap ako sa loob ng room at nakita ko silang nagtatawan may mga lalaking naga-apir, siguro sila ang gumawa nun.

Nagaapoy sa galit ang mga mata ni blythe nag-iiba ang kulay nito, Hala! Hindi ito pwede!

Kaagad akong lumapit kay blythe at sinabing.

"Blythe! Wake up! Wake up!" natataranta kong sabi habang inaalog ang kanyang balikat. Baka mawalan siya ng control sa sarili niya.

Bigla namang nagbago ang kulay ng kanyang at bumalik na ito sa dati. Salamat naman! Sana di na maulit ang nangyari dati. Sana, sana...

Hazardous Academy: School of RebelsWhere stories live. Discover now