Chapter 29: Hired Girlfriend to Real Girlfriend

60K 850 23
                                    

Uno's POV

Mas lalo akong kinabahan pagkatapos sabihin ni Shane sa'kin na mahal niya rin ako. Noon paman kasi ramdam ko na talaga na gusto niya ako pero minsan parang di ako sigurado dahil lagi na lang niya akong sinusungitan. 

"Shane! Alam ko masyado pang maaga para dito pero pagkatapos nang nangyari kanina, akala ko talaga di na kita makikita kaya..."

Bigla akong napatigil dahil sa sobrang kaba pero ayoko na patagalin pa ang lahat. Kung pwede lang sanang mag propose na agad ako kay Shane gagawin ko pero baka naman mabigla siya at tanggihan niya ang alok ko kaya sa susunod na hakbang nalang iyon.

"May gusto ka bang sabihin?" Tanong ni Shane sa'kin dahil bigla nalang akong natahimik.

"Wala.. Pero may gusto akong gawin.."

Nakita ko sa mukha ni Shane na medyo nalilito siya pero kailangan ko paring ituloy ang balak ko. It's now or never. 

Dahan dahan kong inilapit ang mukha ko sa mukha ni Shane. Parang bumalik ulit lahat sa ala-ala ko ang nakaraan. Ganitong ganito din iyon...

"Uno.." Mahinang sambit niya.

Mas inilapit ko pa ang mukha ko kay Shane hanggang sa naramdaman ko na ang init ng hininga. Mas lalo namang lumakas ang tibok ng puso ko. Iyong tipong parang naririnig na rin ito ni Shane.

"EXCUSE ME SIR!!"

Kahit na nakatayo ako, parang gusto kong mahulog sa upuan ko. Wrong timing! Biglang lumayo si Shane sa'kin at bumalik sa upuan niya pagkatapos sumulpot na parang kabute ang p*tang violinist.

"BAKIT?" Sagot ko sa kanya gamit ang buong boses ko sabay titig ng masama sa kanya. 

Napa-atras naman ng konti ang lalaki pagkatapos niyang makita ang nanlilisik na mga mata ko.

"Sir.. Pinapunta lang po ako dito dahil pinaset niyo daw po ito." Mahinang sagot nong lalaking may dala dalang violin.

"Tss! Sige na nga. Tumogtog ka na."

Shane's POV

Habang kumakain kami ni Uno ng late dinner namin, hindi ko mapigilan ang mapangiti. Siguro dahil sa kilig at dahil na rin siguro sa reaksyon ng mukha niya kanina. Hindi ko alam kung right timing ba or wrong timing si kuya violinist dahil hindi natuloy i yong binalak ni Uno. Siguro mas mabuti na talagang dumating siya dahil baka mahimatay ako sa sobrang hiya at kaba.

"Bakit ka ngumingiti?" Tanong ni Uno sa'kin.

"Wala lang. Nakakatawa lang ang mukha mo." Sagot ko.

"Tss."

Sinubo ko kay uno ang isang maliit na slice ng steak.

"Para naman mawala iyang init ng ulo mo. Bago pa nga lang tayo tapos ganyan ka na." Pagbibiro ko.

"Eh pano naman kasi 'tong si..."

"Oh eto pa." Sinubuan ko ulit si Uno para naman hindi na niya matapos ang sasabihin niya. Bigla kasing napahinto si Kuya dahil sa sobrang lakas ng boses ni Uno. Siguradong natakot siya.

"Sir baka gusto niyong sumayaw?" Tanong ni kuya.

"Huwag na kuya." Sagot ko.

"Ikaw ba tinatanong niya?" Sigaw ni Uno sa'kin.

Tumango naman si Uno bilang senyas na palitan ni Kuya ang tugtog niya. Pinalitan naman ni Kuya ang tugtog saka tumayo si Uno at kinuha ang kamay ko. Nag alinlangan ako dahil ang awkward naming dalawa ni Uno. 

Hired Girlfriend, Hired Mommy (Completed)Where stories live. Discover now