ANDRES BONIFACIO Supremo ng Katipunan

804 5 0
                                    

               ANDRES BONIFACIO            (Nobyembre 30, 1863 - Mayo 10, 1897)

Si Andres Bonifacio na kilala bilang Ama ng Himagsikan ay isinilang noong ika-30 ng buwan ng Nobyembre, taong 1863. Ang kanyang butihing mga magulang ay sina G. Santiago Bonifacio at si Gng. Catalia de Castro.

Si Bonifacio ay nagsimulang mag-aral sa paaralan ni Don Guillermo Osmeña sa Melsic subalit siya'y maagang nahinto sa pag-aaral. Bagamat siya'y nahinto sa pag-aaral, marunong siyang bumasa at sumulat, at dalubhasa na rin sa pagsasalita ng wikang Kastila.

Si Bonifacio, bagamat mahirap at mahilig bumasa at sumulat ng mga bagay na may kabuluhan lalo na kung ito ay tungkol sa himagsikan at digmaan. Siya rin ay nagnais na magbangon ng pamahalaang malaya na naging daan upang kanyang maitatag ang Katipunan na kakatawan sa himagsikan at upang maging wasto at panatag sa kanyang itinatag ay kinatulong niya si Emilio Jacinto sa kilala bilang utak Ng Katipunan. Si Bonifacio at ang kanyang mga kasamahan sa Katipunan ay may isang layunin na marahil ay siyang naging dahilan upang ang kanilang pakikidigma ay maging matagumpay.

Ngunit tulad ng kasabihang "KUNG MAY SIMULA AY MAY WAKAS", si Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio ay dinakip at iniharap sa isang paglilitis. At dito nga nahatulan ang magkapatid ng kamatayan sa pamamagitan ng pagbaril.

Ang paghahatol sa kanilang magkapatid ay ginawa noong ika-10 ng buwan ng Mayo taong 1897 sa Bundok Buntis.

TALAMBUHAY NG MGA BAYANI AT NATATANGING PILIPINOWhere stories live. Discover now