Chapter 12

43 2 0
                                    

Azzeya's POV
"Hey Zey!" Bati sa akin ni Tyler. Tinanguan ko lang ito. Hayst nakakaburyong naman dito. Minsan na nga lang kami pumunta dito sa Underworld city bawal pa mang chicks.

"Wala pa ba si boss?"tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka wala rin yung kakambal niya.

" Wala pa dude. Alam mo naman yun baka naman may dinaanan lang." Sabi ni Tyler.

Dinaanan? Psh. Ang hinala ko kasama niya yung babaeng Fordham. I saw him with her last day at mukhang walang alam ang mga ito. By the way its not my business what's going on with them kaya mananahimik nalang ako. I don't want to end my life yet. I'm too handsome to die kawawa naman lahi ko na pwede pang padamihin.

"Uy Tyler! Daming chickas dito." Masayang bungad ni Tyrone sa kakambal niya.

"Yes. I saw it too dude. Tara tikim tayo isa?" Yaya ko kay Tyrone at napatingin ito sa akin.

"Walang aalis." Biglang sabi ni Venson na nasa likuran lang pala namin.

"Hindi pa ba tayo papasok?" Tanong ni Tyler.

"Hintayin pa natin si Zayd." Sabi naman ni Tyrone.

"Hayst. Pasok na tayo sa loob. I want to drink." Sabi ko at nauna na sa kanila. Pagkapasok namin sa bar ay dumiretso kami sa may stool.

"Whiskey please."sabi ko sa bartender at agad naman ito ibinigay sa akin at ang isang shot glass.

"Biglaan naman yata ang pagpapatawag ni Zayden. Parang kaninang umaga missing in action siya. Sa halip na nag-eenjoy tayo ngayon." Reklamo ni Tyrone. Sira-ulo talaga.

"He got a message about death angel kaya nandito tayo." Wika ni Venson. Napatingin kami sa kanya. Death Angel.. lahat nasa kanya ang atensyon pero ano ba talaga ang gusto niya?

" Really bro? Nandito ba siya?" Tanong ni Tyler. There's a possibility na nandito siya. Hindi kami papapuntahin ni Zayden dito kung walang gagawin.

"Yes." Napalingon kaming lahat sa sumagot. It was her. Si Angel yung kaibigan ni Lana. She has that creepy smile at naupo sa katabi kong stool.

"What are you doing here?" Tanong ni Tyrone. Halatang may galit siya sa babaeng ito.

"Hmm. To witness a great show? Minsan lang sila mag live show eh." Sabi niya at umorder ng martini.

"Show? Anong show?" Tanong naman ni Venson.

"Don't tell me hindi sinabi ng boss niyo? " natatawa niyang sabi.

"Ano yon?" Si Tyler naman ang nagtanong.

"Death Angel. She's coming here." Seryoso niyang sabi.

"How did you know?" Tanong ko.

"Because I know them.. hindi ko ba nasabi na I spy their group?" Sabi niya. Yes. She's a spy. So it means she already enter their group, maaaring marami na siyang alam.

"Spy? You know them?" Tanong ni Venson.
I saw her smirked. If there's a person na hindi mo dapat pagkatiwalaan si Angel yun. Bukod sa pagiging spy niya wala siyang pinapanigan.

"Ofcourse. Ganun ako kagaling. The deathly 9 ang grupo ni death angel. Actually I worked for them before pero simula ng pasukin nila ang Arturia I leave their group." Nagulat ako sa mga sinabi niya. She's that close to them? And she even worked for that group!?

Kinuha ko ang baril ko at itinapat sa kanya. Simula pa sa umpisa kahina-hinala na talaga ang babaeng to at hindi ko siya pinagkakatiwalaan.

"You worked for them? So nakita mo na sila?" I asks.

"No. Hindi sila nagpapakita." Walang emosyong sabi niya at hindi alintana ang pagtapat ko ng baril sa kanya.

"Zey." Bulong ni Venson sa akin. I know he wants me to stop pero hindi. Nandito na sa harapan ko ang isang ahas na pinakamalapit kay death angel.

"Paano? You worked for them! Pero hindi mo nakita?" Sabi ko.

"Because they wearing mask. At hindi nila tinatanggal yun so I don't know who are they. Basta puro lalaki sila except for that death angel dahil alam kong babae siya. Pero she never show to me. Lagi yung cram ang kumakausap sa akin. Yung kanang kamay niya. That's all I know." Sabi niya. Damn it! She's too close to them!

"Why did you leave them?" Tanong naman ni Venson. I saw her small smile at tumingin sa gawi namin.

"Because of my friend Lana. Yes i'm a traitor but there is one person na ayaw kong traydurin at iyon ay siya. Arturia was her place so I need to protect her place also her. Lalo na nasa high risk ang buhay niya ngayon, she's messing with an unknown person kaya kailangan ko siyang protektahan. Kokonti nalang kaming pumoprotekta sa kanya at kaya kong itaya ang buhay ko para sa kaibigan ko. The thing that her brothers can't do for her " sabi niya at ininom ang alak.

Natahimik naman ang mga kasama ko. I know there's a gap between them.

"Paano mo nalaman ang plano nila kung talagang wala ka na sa kanila?" I bother to ask.

"Ito yung huling usapan before I leave them at gusto kong masaksihan ang gagawin nila. Kahit hindi ko alam ang buong plano."

"you leave them pero hindi ka nila pinatay paano nangyari yun?" Tanong ko uli.

"Because i'm a spy. Ano ba ang trabaho ng isang tulad ko? Siguro hindi ka naman bobo para hindi mo alam yun."

"You faked your death tama ba?" Si Tyler ang nagsalita.

"Exactly! Kaya wala ng problema dahil hindi naman nila ako makikilala." Sabi niya at tumawa.

"Pero malapit ka na sa kanila. You can expose them kung kinuha mo ang tiwala nila." Sabi ni Tyrone. Yes. He's right.

"Hindi rin sila bobo para pagkatiwalaan ang tulad ko. I just do some little dirty works for them like hacking at doon lang. I don't kill for them." Sabi niya at tumayo na. Ibinaba niya ang baril ko at ngumiti.

"Don't play with that dangerous thing." Sabi niya at umalis na.

Sa aming lahat siya ang may pinaka-malapit na access kay death angel. Pero paano kung nagsisinungaling lang siya? Paano kung nagtatrabaho pa siya para kay death angel? And what if siya si death angel?

Death AngelWhere stories live. Discover now