MxM 18 He's Back

1.3K 32 0
                                    

Vote if you like this chapter ----------------------------->

"Let go of the things that don't matter anymore, you don't need the extra weight holding you down."

♂♂♂ 

[ A/N: namiss ko 'tong symbol na 'to. And yes he's back ]

Halos 3 weeks din pala akong nawala. Naayos ko na ang matters about my true father. I've freed myself from all the hate and grudge I feel for him. Kaya lang naman ako ganito kasi hindi ko talaga makalimutan ang hirap na dinanas namin ng tunay kong ina na namayapa na nang dahil sakanya. 

I know curious din kayo kung anong nangyari sa akin...

FLASHBACK

"Doc, kamusta po sya?" 

"No improvements, iho. Palagi na lang syang umiiyak habang binibigkas ang mga katagang 'pinatay ko sya'. Hindi iisang beses nyang tinangkang magpakamatay. Kailan lagi kaming nakatingin sakanya dahil kung hindi maaring may masamang mangyari sakanya." paliwanag sa akin ni Doctor Mason.

Nahuhulaan nyo na ba? If you're thinking if my real father is a mental patient? Yes he is. I used to call him a psycho. Ganun ako kasama sakanya nung nakaligtas ako sa lahat nang pinaggagawa nya. Ilang beses kong sinabi sakanya na sana mamatay na sya. I was so harsh! 

Na-realize ko yun nung tinanong ko kay Mom which is yung Mom ko ngayon na buhay pa kung nasaan ang tunay kong ama to fix things. Originally, I was going to say I'm sorry and then tell him I forgive him kahit pa hindi nya yun hinihingi. I just want to let this big boulder in my heart to be smashed into bits na kahit kaunti wala na akong mararamdamang galit. I mean, afterall he's my father.

Pero I was so surprised nung malaman ko kung nasaan sya. He was in St. Vitus Hospital, a hospital for mental patients. Tinanong ko si Mom kung bakit sya nandun at ang tanging naisagot nya ay mas maganda daw kung ako ang makakakita. 

I was looking on a small window kung saan masisilip mo kung anong ginagawa nya. Mag-isa lang sya sa isang white room wearing a white gown. Umiiyak sya while murmuring some things na hindi ko naririnig mula sa kinatatayuan ko.

Is this really him? Sya ba talaga yung playboy at mayaman kong ama? Sya ba talaga yung lalaking pumatay sa nanay ko? Sya ba yung lalaking nagsabi sa akin na kasalanan na ipinanganak ako sa mundong ibabaw? Sya ba yung lalaking yun na puno nang confidence at authority?

I was wishing him to die para mapagbayaran lahat nang kasalanan nya sa amin. Pero hindi ko inaasahang mas may malala pa palang way para magbayad sya sakanyang mga kasalanan. 

"Are you sure, Mr. Fabella that you really want to talk to him? Baka masaktan ka lang nya."

"No. Anak pa din nya ako kahit papaano. Makikilala nya ako. I'm sure of it." 

"Sige. Here push the button when you need it. May mga tao sa labas sila nang bahala sayo kung may mangyari man."

Pumasok na ako sa pintuan. Hindi man lang sya gumalaw sakanyang kinauupuan sa sahig. I gathered all my strenghts para lumapit sakanya.

"Pa." tumingin sya sa akin. 

Kahit ako kinakabahan sa gagawin nya. Biglang nag-flashback sa akin ang mga pangyayari noong 12 years old pa ako. Sinaksak nya si Mama. Hindi yun aksidente dahil kitang kita nang dalawang kong mata kung paanong sinaksak nya ng paulit ulit si Mama. Hindi ako makapaniwala. 

Kung isa akong mahinang bata ay baka nasa kalagayan na din ako ngayon ni Papa. Naalala kong nakaranas ako ng repression for five years. Repression is memory inhibition or the ability to filter irrelevant memories from attempts to recall. Limang taon kong nakalimutan ang mga pangyayari. 

Sa limang taon na yun nakaranas ako ng saya sa pagaakalang kagaya lang din ako ng iba pang normal na bata. Ang alam ko lang noon namatay parehas ang mga tunay kong magulang at inampon ako nina Mom at Dad. Yun lang ang alam ko. 

Pero pagkatapos nang limang taon na yun at maalala ko ang lahat- lahat ng mga pangyayari. Halos nabaliw na din ako. Ilang beses akong umiyak at tumakbo. Tumakbo nang tumakbo. Pero salamat sa mga nagmamahal sa akin dahil lagi nila akong nahahanap. Hanggang sa hindi ko namalayan, I was playing with girl's heart. Hindi man acceptable ito ang naging daan para unti unti mawala ang bigat na nararamdaman ko. 

O_____________O

"P-papa." nagulat ako sa ginawa nya. Lumuhod sya sa harapan ko habang nakayuko. 

"Patawad. Patawad. Patawad. Patawad. Patawadin mo ako. Patawadin mo ako." halos madurog ang puso ko nang marinig ko ang paulit ulit nyang paghingi sa akin nang patawad. Lahat ng galit na nararamdaman ko biglang parang nawala.

Lumuhod ako para maging magkalevel na kami. Naririnig ko ang pag-iyak nang isang lalaking hinding hindi ko inaasahang iiyak sa kahit na sino pa. Ang akala ko nga ang lalaking ito ay hindi marunong umiyak. 

Ito na ang pagkakataon ko para masabing pinapatawad ko na sya. Sa tingin ko sobra sobra pang pagbabayad ang nangyayari sakanya ngayon sa kanyang kasalanan. It's the worst way that can happen to someone who commited a mistake. Buong buhay mo pagkagising mo sa umaga at bago ka matulog sa gabi, mararamdaman mo yung guilt sa lahat ng nagawa mo. 

"Papa, tinatanggap ko ang sorry mo." niyakap ko sya at naramdaman kong may luhang tumulo sa mga mata ko.

Napakagaan nang pakiramdam ko. Pakiramdam ko kaya ko na ngayong lagpasan pa ang lahat nang bagay na haharang sa daan ko.

Umalis na ako mula sa pagkakayakap sakanya. At tumungo na sa may pintuan nang marinig ko syang nagsalita, "Kailan man hindi naging kasalanan na nabuhay ka."

Lumabas ako ng white room nang may ngiti sa labi. Dali-dali naman akong nilapitan ni Doc Mason.

"Ano ayos ka lang ba? Wala ba syang ginawa sayong masama?"

Nginitian ko sya, "Sabi ko naman sa inyo anak pa din nya ako kahit papaano."

END OF FLASHBACK

 At yun nga ang nangyari...

Sa ngayon, i'm ready to chase my woman. 

My wife...

I never knew it was possible to miss someone so terribly...

                                             ☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁☁

WOAH! Did you see that coming? Huh? Hahaha. Grabe tuyo utak ko sa pagiisip nang mga pangyayari eh. Haha. Nakakamiss din pala ang MinKeif moments. Saka na yun! Madami pa namang chapters. Hahaha. Nagsisimula pa nga lang ako eh. Haha. So ayun.

5 votes for the next chapter okay? I love you my readers. Comments are very much welcome.

Marry him X Marry her .Oɴɢᴏɪɴɢ.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon